38♥♥♥Moving on

195 5 1
                                    

Hanne's pov

It's been three months. Simula nung iwan ako ni dale. Natapos ang christmas, new year at valentines day na wala siya.

Sa ilang buwan na naging kami. Ilang beses kong pinag planuhan ang mga occassions na yun. Pero wala din palang kwenta.

Pumapasok naman na ako sa school pero wala na akong gana. Para bang ayoko na din mag aral. Gusto ko nalang mag kulong sa kwarto ko at manuod ng mga kahit anong movies na maganda panoorin.

Walang nakakaalam sa school na naging kami ni dale. Ang alam lang nila kung bakit ako malungkot ay dahil wala si helga. Wala ang bestfriend ko.

May mga lumalapit sa akin para makipag kaibigan. Pero tumatanggi ako. Sa tatlong buwan din na nakalipas, unti-unting nag iba ang ugali ko.

Yung dating masigla ngayon wala ng gana. Yung dating masayahin ngayon hindi na. Yung dating maingay ngayon tahimik na. Yung dating active sa klase ngayon natutulog na. Yung dating palangiti ngayon simangot at puro irap na.

"Hi hanne. Sabay ka na sa amin mag lunch." Sinimangutan ko lang yung babaeng lumapit sa upuan ko. Tumayo na ako at inirapan siya bago lumabas ng room.

Deretso lang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa rooftop. Nilabas ko yung karton na itinago ko sa gilid at inilapag sa sahig. Wala kasing upuan dito kaya sinadya ko nung pasukan last month na mag dala dahil kakailanganin ko.

Umupo na ako at nakinig ng music sa phone ko habang kumakain ng baon ko na prinepare ni mama.

Si mama, nakikita ko sarili ko sakanya. Alam kong may family problem kami. Tinanong ko sila ni kuya kung ano nangyayari pero wala ni isa sakanila ang gustong sumagot.

Tulad ni dale. Hindi din nag paparamdam si papa sa akin. Hindi naman yun nakakalimot na tumawag sa akin kahit na busy pa siya. Tinanong ko noon sila mama kung okay lang ba si papa kasi nag aalala na ako at ilang buwan na din siyang hindi umuuwi at hindi nag paparamdam sa akin. Ang sabi nila ni kuya. Busy lang talaga si papa. Basta puro trabaho ang dahilan. Naisip ko na lang na baka nga talaga busy. Umalis kasi pati ang magulang ni dale.

Naputol ang pakikinig ko ng music ng may tumatawag sa akin. Sumimangot lang ako ng makita kung sino ang caller.

"Ano?" Pagalit kong tanong. Ang kulit kulit niya eh, i mean nila.

"Goodmorning din sayo hanne." Sabay sabay nilang sabi. Napa-grunt na lang ako. Eto na naman kami.

"Problema niyo?" Narinig ko sila na nag papasahan ng phone. Lagi na lang ganito. Hindi ba sila nag sasawa na sinusungitan ko?

"Alam niyo, kung mag papasahan lang kayo ng phone. Ibababa ko na to. Nag papahinga ang tao iniistorbo niyo ako!" In-end ko ang call at napabuntong hininga. Ang kukulit talaga ng mga dating grupo ni dale.

Pinikit ko ang mata ko at napaisip na naman.

Tama pa ba #ng ginagawa mo hanne? Bakit pati sakanila galit ka?

Lahat ng tao sa paligid ko, di ko kinakausap ng matino. Si mama lang kung minsan. Si kuya? Hindi din masyado.

Nag tagal pa ako dun ng konti bago pumunta sa next class ko. Puro aral na naman. Ngayon lang ako tinamad mag aral sa tana ng buhay ko.

-

Natapos ang araw na ganun lang kadali. Hinatid ako ni kuya lance kanina pauwi. As usual, wala na namang imikan. Pero kung ako yung dating hanne. Mapapasalita ko si kuya lance sa kadaldalan ko. Pero iba na ngayon. Napabuntong hininga na lang ako.

Sobrang maling mali na nangyayari sa buhay ko. Halos di ko lubos,maisip ang mga ginagawa kong pag taboy kila a2 at sa iba pa. Kila kuya ace, kuya paulo, kuya lance, ate jean at sa iba pang mga taong nag mamalasakit sa akin.

A Million Reasons To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon