Hanne's pov
Kanina pa ako nakakulong dito sa guest room ng bahay nila helga. At kanina pa nasa labas ng room si dale. Mamaya't maya kakatok. Pero wala akong balak buksan. Nahihiya ako sakanya, sakanila. Ano ba naman kasi yung ginawa ko kanina. Waaaaaaa!
Mangiyak ngiyak na akong nakaupo dito sa kama. Kinakagat ko na din ang daliri sa kamay ko pag ganitong kinakabahan ako, gawain ko talaga yun. Pinikit ko yung mata ko para sana makalimutan saglit yung ginawa kong kahihiyan kanina. Pero shet lang! Hindi ko pa din makalimutan. Ano na lang iisipin ni dale sa akin?
*flashback*
After namin kumain ng lunch na si dale KO ang nag luto. Naks! Maka-dale ko naman oh!
Nagyaya si helga na mag movie marathon daw kami sa kwarto niya kasi may mga bago siyang movies. So nag prepare ng snacks ang mga boys while me and helga ay nag ayos sa room niya. I don't know. Pero parang sobrang close na agad ni marco at dale. Eh si dale, mahirap maging kasundo yan. Hindi siya yung friendly type na tao. Kumbaga, choosy ang boyfriend ko.
Kahit nagtataka kami ni helga kung bakit parang wala lang kay dale na kagabi pa pala andito si marco. Na mag katabi matulog si helga at marco. Wala lang. Oo nga't hindi katulad ni kuya si dale na ubod ng strikto. Pero to the point na nalaman mong kagabi pa pala andito si marco at mag katabi niya natulog ang kapatid mo? Hindi man lang siya nagalit at nag react. Hmm. Ah siguro dahil magaling na si helga at si marco ang nag alaga. Di na din siya nag reklamo.
Nasa kalagitnaan na kami ng movie ng bigla ako inakbayan ni dale. Oh my! Ako na kinikilig. I wonder, kinikilig din kaya si dale sa akin? Tumingin sa akin sa marco at ngumiti ng nakakaloko. Di ko pa pala nakakausap si helga about this. Baka kasi masabi ni marco sa iba eh.
Dahil mystery/thriller/horror ang pinapanood namin. Syempre, nakakagulat diba? Napapayakap ako ng wala sa oras kay dale pag yung pa-suspense na yung nasa screen. Okay na okay naman sa akin yun dahil pabor na pabor po mga kapatid. Una, nakakayakap ko ang aking boyfriend. Pangalawa, sobrang mag kadikit na kami dito oh. At pangatlo, nakaka-chansing po ako sa abs niya. As in super hawak dun banda. ~^O^~
"Kaya mo pa ba?" Malambing na tanong ni dale sa akin. Paano kasi hindi na talaga ako nanonood. Nag kukunwari lang, pero ang totoo. Sinusulit ko ang momentum na ito. Ang alam siguro ng dale ko, sobra talaga akong natatakot. Haha.
"O-oo naman. Kaya pa!!" Nag pretend na lang ako na takot talaga ako, kahit mas mukhang takot pa si marco kesa sa akin. Sa totoo lang, di naman ako matatakutin eh. Ayoko lang nung part na hahabulin ka ng killer tapos may suspense pa na nalalaman, isama mo pa yung creepy na sound effects.
Di na siya ulit nag salita at nanood na lang. Masyado silang focus sa panonood lalo na si dale. Kaya siguro di niya napapansin na china-chansingan ko na siya. Haha!
Grabe! Ang lantod ko naman na ata! Lagot ako neto kay mama at papa, at lalong lalo na kay kuya alex pag nalaman nila na ako pang bunso ng pamilya namin ang chuma-chansing sa lalaki. Pero ano ba naman kasi dale? Bakit ba kasi ang ganda ng katawan mo? Yung abs mo, ramdam na ramdam ko oh! Lumunok ka ba ng pandesal na walang yeast? Haha!
Na-curious tuloy ako kung ilan yung abs niya. Kaya naman tinignan ko siya ulit at nakita kong focus pa din siya sa pinapanood niya. Kaya habang nakayakap sakanya, unti-unti kong nilalagay yung kamay ko sa tiyan niya.
Binibilang ko ang abs niya gamit ang pag haplos doon. 1...2...3...4
Naku! Ang tigas naman pala talaga ng abs. Jusko po! Ang swerte ko naman pala kay dale lord. Salamat po ha!
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Fiksi Remaja"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...