Three weeks na ang nakalipas pero hindi pa din nagigising si dale hanggang ngayon.
I still need to continue my classes. Papasok pa din ako pero after that pupunta ako sa hospital para bantayan si dale. Every other day kunh matulog ako sa hospital. Tinanggal na din nila ang cast sa leeg niya. Lahat ng mga pasa niya medyo naghihilom na. Even his wound at his back okay na daw sabi ng doctor. Kaya lang hindi pa siya nagigising.
After the last moved of his hand last two weeks, hindi na yun gumalaw ulit. Nag aalala na nga kami dahil ang tagal na niyang hindi nagigising. Sobrang namimiss ko na ang boses niya, ang mga yakap niya, ang mga halik niya. Namimiss ko na siya.
"Goodbye class. Enjoy your sembreak." Napatayo na ako agad ng sabihin yun ng prof. Yun lang naman ang hinihintay ko ang pauwiin na kami.
Sembreak na namin at inayos ko na lahat ng dapat kong ayusin. Isang semester nalang bago ako mag ojt.m at makakagraduate na din ako.
Dumeretso muna ako sa bahay dahil sobrang napagod ako sa araw na to. Buong araw na review at exam ang ginawa ko. Kahit naman nalukungkot ako hindi ko hinahayaan na maapektuhan ang pag aaral ko.
Pagkatapos ki magpahinga at maligo ay nag palit na ako ng usual outfit ko at unalis na ng bahay. Paniguradong gabi na makakauwi si kuya at madami pa siyang aayusin na grades ng mga students niya.
Pag kadating ko sa hospital. Napahinto ako sa may lobby ng makita ko doon si sabrina. Nginitian niya ako at lumapit siya sa akin para yakapin ako. Niyakap ko din siya pabalik.
Nang maconfine dito si sabian. Hindi na siya pumapasok. Nalaman ko nalang na nag dropped out na siya at si sabian. Minsan tatawagan ko siya at kakamustahin ko silang mag kapatid. Sinasadya ko talagang hindi mag pakita at dalawin si sabian at alam yun ni sabrina. Isang beses o dalawa sa isang linbgo kung mag kita kami ni sab. Pag may free time. Pero saglit lang kami nag sasama at nag uusap lang.
"Sobrang mamimiss kita hanne." Sabi niya habang yakap ako ng mahigpit. Hinigpitan ko din ang yakap ko sakanya and I inhaled her scent.
"Mamimiss din kita sab. Lalo na ang amoy mo." She giggle at me and pulles away.
"Tingin ko, you need to talk to sabian for the last time bago kami umalis." I sighed at tumangi din naman ako. Fair enough lang din naman na kausapin ko siya bago man lang sila pumunta america.
Nakwento sa akin ni sabrina last week na pinapapunta na sila doon ng parents niya. Aayaw pa daw sana si sab pero nag insist si sabian. Naisip din ni sabrina na baka mas gagaling ang kapatid niya doon dahil sabi ng doctor ni sabian dito, may nga pagbabago daw sa mga medications ni sabian. Kahit mabigat,sa loob ni sabrina ay pumayag na lang din siya.
"Tara. Hinihintay niya ako sa garden." Hinila niya ako papunta sa garden ng hospital. Hinayaan ko nalang siyang hilain ako.
Sa totoo lang, nahihiya akong humarap kay sabian. Para kasing iniwan ko siya sa ere. Pero sabi ni sabrina hindi naman daw. Kasi ako pa nga daw ang gumawa ng dahilan para mag kalapit si ulit si sabian at aira. Hindi ko daw iniwan si sabian na nag iisa. Iniwan ko daw siya na may kasama.
Pag kadating namin sa garden. Nakita kong nakaupo doon si sabian ginagamit niya ang phone niya. Sa totoo lang, kung wala akong dale. Hindi malabong mag kagusto ako kay sabian. Na sakanya na ang lahat eh. Gentleman siya, sobrang bait, napaka-maalaga, napakalambing, down to earth siyang tao. Kung physical appearance lang ang pag uusapan. Naku! Halos pareho lang sila ni dale sa kagwapuhan. Pero si dale kasi ang mahal ko eh kaya magiging bias ako. Mas gwapo ang boyfriend ko.
Huminga ako ng malalim ng itulak ako ni sabrina. Nag paalam siyang aalis muna at ako na ang lalapit kay sabian. Dahan dahan akong lumapit at umupo sa tabi niya. Naramdaman kong nakatingin siya sa akin. Kaya tumingin din ako sakanya. Gulat na gulat siyang nakatitig sa akin.
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Fiksi Remaja"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...