Hanne's pov
Wala na akong kagana gana kumain. Wala akong kagana ganang bumangon.
Sino ba naman di mawawalan ng energy? Atyaw nilang Makita ko si dale. Kinuha nila lahat ng pwedeng pang communicate ko sakanya. Akala ko, magiging madali ang lahat pag meron na si mama at papa. Pero pati sila pumayag sa gusto ni kuya.
Hindi naman galit si mama at papa sa akin. Pero parang kila dale sila galit. Sabi pa ni mama kahapon, "Ganun talaga bunso. Minsan akala mo, siya na talaga, pero yun pala, hindi naman talaga." Napakadali sakanya sabihin dahil di niya naman nararamdaman ang nararamdaman ko para kay dale.
Kinukulong nila ako dito sa bahay. Dalawang araw na Simula ng malaman ni kuya ang lahat. Ilang beses akong gustong kausapin ni kuya pero hindi ko siya pinapansin. Humaharap pa din naman ako sakanila pag kakain. Pag bigay respeto ko na din sa magulang ko at sa pagkain. Wala naman akong balak mag rebelde. Pero minsan pumapasok sa isip ko na, ano kaya kung mag rebelde ako? Baka pag bigyan na nila kami ni dale para lang wag na ako mag rebelde.
Minsan, gagawin ko na sana talaga pero bigla bigla pa din akong aatras. Ayokong bigyan ng sakit ng ulo ang magulang ko. Lalo na ngayon at mukhang may problema si mama at papa sa hindi ko alam na dahilan.
"If you'll gonna locked yourself here forever. Go ahead. But please, kumain ka naman o kahit lumabas ka lang sa garden ni mama para makalanghap ka naman ng sariwang hangin." Hindi ko nilingon si kuya nung sinabi niya yun. Alam kong nasa likod ko lang siya habang ako, nakaupo sa edge ng bintana habang nag babasa ng libro.
"Kung mahal mo talaga siya, you need to wait until your ready. Hindi maganda pag minamadali ang isang bagay bunso. You just need to wait until the right time come." Hindi ko tinangkang tumingin sakanya. Nagkukunwari pa din akong nagbabasa kahit na ang atensyon ko talaga ay nasa mga sinasabi niya.
Gusto ko ulit siyang sigawan, talikuran at mag iiyak sa harap niya para mag makaawa. Pero pagod na ako. Napakatigas ng kuya ko, para siyang walang puso. Nakakaya niyang nakikita akong nasasaktan tapos ang lagi lang niyang sinasabi. Puro yan ang mga sinasabi niya.
"Dale and I talked last night. Hindi ko pa din siya mapatawad hanggang ngayon. I felt betrayed." Umupo siya sa edge ng bed ko at nilagay ang kamay niya sa ulo habang nag sasalita.
"We're both serious. As always. Sinabi niya sa akin kung gaano ka niya kamahal at gagawin daw niya lahat para sayo." Tapos tumawa siya. Napatingin tuloy ako sakanya ng masama kahit na hindi naman siya nakatingin sa akin.
"High school kami nung nag start si dale sumali sa isang fraternity. Same fraternity ng mga pinsan niyang lalaki. Sobrang hirap ng pinag daanan niya bago siya nakapasok." Tumingin sa akin si kuya at tumayo siya at tumabi sa akin.
"Interesado ka noh?"Pabirong tanong niya pero di ako natawa.
"3rd year high school kami nung nakapasok siya. Okay naman nung una, pero puro gulo ang nangyayari hanggang nung nag college kami. Siya na ang naging master nila. Nung una naging maganda naman pangpangalakad niya sa grupo nila kaya lang sadyang pasaway ang iba at napapagulo talaga. Bilang siya ang master, problema din niya ang problema ng mga members niya. 2nd year colloge kami noon, summer, nang mapagulo kami nila dale sa isang bar."
"Actually, si lance ang trip ng kabilang grupo noon. Rumesbak lang kami nila dale. Pasukan ng 3rd year college, nalaman namin na gang pala yung nakalaban namin. At kilala nila si dale. Dahil doon, nag karoon ng gulo. Laging nag kakainitan ang grupo ni dale at ang mga gang na yun."
"Simula noon, lagi na silang nag lalaban. Kung saan sila mag tagpo hindi maiiwasang mag kagulo. Lagi din kaming pinag tritripan ng grupong yun pero dahil meron si dale at ang mga members niya, hindi kami nagagalusan."
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Ficção Adolescente"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...