7 ♥♥♥ His reaction

338 11 0
                                    

Hanne's pov

Pagkababa namin ni kim, tumambad sa akin ang busy na staff ng hotel. Nakita ko si helga na may kausap, i think yung event organizer yun para sa party mamayang gabi.

Every year nangyayari to. Anniversary ni tito leo at tita olive. Ilang beses na din dito ang venue pero hindi naman every year. Siguro after 2-3 years dito na ulit. Minsan kasi sa mga hotel sa manila na lang ginaganap or sa bahay nila.

If you only knew what kind of love story they had. Grabe! Alam niyo yung, napaka-unbelievable na. Yung tingin mo, sa mga books and movies lang nangyayari. Hindi naman sa hindi ako naniniwala, pero aaminin ko nung una. Hindi ako naniniwala. Si Helga at dale din naman noon. Pero naniwala na din kami nung mga high school kami. Si papa ang may pakana nun.

Gumawa siya ng video, mahilig daw kasi kumuha ng videos si papa nung high school at college sila. Kahit wala nga daw occasion, talagang nag vi-video siya. Kaya naman madami siyang nakuhang scene nila tito leo at tita olive. Lahat kami nagulat, pati nga sila tito at tita eh. Meron kasi yung mga scene nung high school sila na mag kakaibigan muna sila tapos nung college na nag ligawan factor na and yung naging sila na at yung mga sweet memories, yung mga away and yung mga tragic happenings.

Yung pinag hiwalay sila ng mga magulang ni tita olive kay tito leo dahil sobrang dependent na si tita kay tito. Napanood din namin dun yung pag lalasing at pag iyak ni tito leo. Yung mga sakripisyo nilang dalawa sa isa't isa. Yung nadisgrasya si tito leo at sobrang iyak ni tita. At ang dami pang nangyari na talagang mabibilib at maiiyak ka sa love story nila.

Kaya nga, simula noong kinasal sila. Lagi nilang cine-celebrate ang anniversary nila para iparamdam sa isa't isa ang pag mamahalan nila. Nakaka-inspired kaya. Sana kami ni dale, pag naging kami, hindi hahadlang ang pamilya namin which is alam kong hindi naman talaga. Sana happy ever after lang. Yung parang kay mama at papa. Nag karoon lang ng problema pero naayos din agad. Hindi na dumating sa point na mag hihiwalay pa sila.

Naputol ang pag aalala ko sa love story nila tito at tita ng hinila ako ni kim papunta kay helga. Pansin ko lang ha, kanina pa niya hawak ang kamay ko. At kanina pa siya hila ng hila. Para siyang na-eexcite na ewan. Malala na ata tong si kim eh.

"Helga, she's here. Let's gonna do the step 2." Huh? Anong step 2? I look at helga and nakita ko na pinanlakihan niya ng mata si kim. What was that for? May tinatago ba sa akin ang bestfriend ko? hmmm. Anyway, I'll gonna found it later.. Bumulong siya sa akin at nginitian ako.

"Wow bes!! Bagay sayo ang yellow. Tara na sa pool area andun daw mga boys." bineso ako ni helga at bineso niya din si kim pero parang may binulong din siya. Hindi ko nga lang narinig.

May hidden agenda talaga tong dalawang to. I don't know what it is. But i have a little bit of idea kung ano man yun. Basta naman may gagawin si Helga na hindi ko alam, about sa amin yun ni dale eh.

I'm really excited to see him. I felt guilty sa silent treatment na ginawa ko sakanya yesterday and kaninang midnight. But i'm just freakin jealous. Who wouldn't right?

Pero i know, kasalanan ko naman yun kaya nga na gi-guilty talaga ako eh. I just say sorry to him na lang later at babawi na lang. Naisip ko yung mga sinabi niya that night na gumawa kami ng report. I know in myself na totoo yun ang he's really sincere and serious about what he told me.

Yung behavior kong nag selos na naman kagabi. Sinabi naman sa akin ni dale yun, na ayaw niyang nag seselos ako. Ngayon ko lang ulit naalala. Parang lalo tuloy akong nahiya at parang ayoko muna siyang kausapin. May kasalanan ako sakanya eh. Sabi niya ayaw niyang nag seselos ako at wala naman akong dapat pag selosan. So dapat pinanindigan ko yung sinabi niya diba? Pero sino ba namang hindi mag seselos kung may iba siyang trinatrato ng maayos. Hindi naman sa ayokong tratuhin ni dale nang hindi maganda ang mga babae. Parang gusto ko lang na ako lang tratuhin niya ng special. I know, i sound selfish, No! I am selfish!

A Million Reasons To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon