57♥♥♥No matter what

224 5 0
                                    

"Hanne, hindi mo ba sasagutin yang phone mo?" Napatingin ako sa ka-blockmate ko.

"Ano yun?" Tanong ko sakanya. Nasa garden kami ng school at gumagawa ng project. By group kasi ito kaya may mga kasama ako. No choice kung hindi makipag interact sa ibang tao.

After ng incident kay dale hindi na din kasi pumasok ang mga ali. Talagang binantayan lang nila ako noon. May mga pinag kakaabalahan sila sa buhay kaya kahit ayoko sana silang umalis dito sa school. Hinayaan ko na lang. Graduate naman na sila sa kabilang school tapos mag aaral pa sila ulit? Kalokohan lang diba? Kaya ayun! Back for being lonely again dito sa school. Hindi pa din ako nakikipag kaibigan sa iba. Hindi naman sa ayaw ko, sadyang nahihiya lang siguro ako.

"Yung phone mo kanina pa nag riring." Sabi niya at kinuha ko yung phone sa bag ko. Nakita kong may 5 missed calls galing sa mga ali. Anong kailangan ng mga to?

Hindi ko man lang narinig ang pag ring ng phone ko. Sobrang focus kasi ako kanina sa pag gawa ng project eh.

Bigla na namang nag ring ang phone ko at this time si a6 ang tumawag. Sinagot ko agad yun at tinanong kung bakit sila tumatawag sa akin.

"Nire-revive na nila si dale. We better go to the hospital. Lumabas ka na. Andito kami sa gate ng school niyo." Natataranta niyang sabi at nakarinig ako ng busina ng sasakyan. Para akong nahugutan ng hininga sa sinabi niya sa akin. Narinig ko pa ang ilang hello niya. Bigla akong napaiyak. No! Hindi siya pwedeng mamatay. Bigla akong tumayo at nagtataka ang mga ka-group kong tumingin sa akin.

"A6, wait me there. Palabas na ako." Sabi ko bago ko in-end ang call at nag ligpit ng gamit.

"Hanne, is everthing alright?" Umiling ako sa tanong ng isang ka-block ko habang umiiyak pa din.

"Guys, I'm so sorry. Emergency lang. Kaialngan kong puntahan si dale. Babawi ako. Kahit ako na gumawa ng slideshow." Wala na silang ibang nagawa kundi ang tumango kaya umalis na ako agad dun.

Tumakbo ako ng mabilis papunta sa gate. Chineck ko yung phone ko at tinawagan si a6 nang makalabas na ako ng gate.

"HANNE!!" Lumingon ako sa tumawag sa akin and I saw a5, kasama niya si a6 at a4. Tumakbo ako palapit sa sasakyan nila at sumakay agad.

"Bilisan mo na a5!!" I yelled at him and nataranta siya bigla.

While he's driving. Hindi ako mapakali sa inuupuan ko. Nahahalata kong pati si a5, a7 at a4 din.. I closed my eyes and pray silently.

Please lord.. Don't get him. Please! I need dale. We need him. Huwag niyo naman po siyang kunin. Please lord.

Hindi ko talaga mapigilan ang umiyak. Hindi ko kakayanin pag nawala si dale sa akin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Sobra na akong natataranta.

Nagpapasalamat ako sa daan ngayon dahil hindi traffic kaya nakarating kami sa hospital agad agad. Lumabas na ako at nakasunod lang sa akin si a5 a4 at a6. Huminto ako saglit at hinintay sila. I cling my hand into a5's arm and sabay kaming nag lakad.

"Sheez.. Kinakabahan ako guys.." He stopped nung nasa tapat na kami ng pinto ng hospital room ni dale. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang hindi ako makahinga. Kinuha ko yung inhailer ko at nag inhail ng twice.

"Don't be. Matutuwa ka pa nga eh. Tara na?" Hindi ko maintindihan kung bakit pa ako matutuwa. Huminga ako ng malalim at tumango. Naririnig namin ang mga ingay sa loob ng kwarto.

When a5 opened the door. Napalingon silang lahat at natahinik. They all look at me, natakot ako dahil lahat sila nakatingin sa akin and then ngumiti silang lahat. I sighed in relief. Ibig sabihin, okay siya. Ibig sabihin, hindi pa siya patay.

A Million Reasons To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon