"Ang aga-aga nakabusangot ka dyan." Inirapan ko si kuya. Pasulpot sulpot talaga to eh.
"Inggit ka kuya? Gumaya ka." Tinawanan lang naman niya ako at ginulo yung maayos kong buhok. Tinabig ko yun at nag grunt lang bago ko ayusin ang buhok ko. Ilang minuto kong inayos to tapos guguluhin lang niya? Sira ulo!!
"Alam ko, huwag ka ng mainggit. Dalawang buwan na lang din naman ang hihintayin mo eh." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Dalawang buwan? Sira ulo talaga!!
"Porke graduation mo ngayon hindi ka na marunong mag bilang? Naku kuya. Kawawa ka naman. Future engineer ka pa naman." Dalawang buwan daw. Pffft. Baka ibig niyang sabihin, 10 months pa.
"Slow talaga ng kapatid ko."
"Hoy! Naririnig kita kuya ah." Tumawa lang naman siya at nag peace sign. Ako pa ang slow? Duh.
"Oh tama na yan. Nag aasaran na naman kayo." Tumayo ako at hinalikan si papa sa pisngi. Naki-man hug naman si kuya.
"Let's eat na at baka ma-late tayo sa graduation ceremony ni alex." We kiss mama too and nag umpisa na kaming kumain.
Graduation day ni kuya ngayon. Kaya nakasimangot ako kanina. Paano, wala na sila dun nila kuya lance, kuya paulo at kuya ace. Wala nanakong makakasama sa school. Wala pa kasi akong bagong kaibigan dun ngayon. At pustahan, wala ng lalapit sa akin dahil wala naman na sila kuya na dahilan nila kaya nakikipag close sa akin. Crush kasi nila yung apat na yun eh.
Ang mga A-boys naman, graduation nila kahapon at mamayang gabi ang celebration. Para kasabay daw ng celebration nila kuya. Habang tumatagal, nagiging mag kasundo ang lahat. Nagiging malapit sa isa't isa. Lahat nakikilala na ang isa't isa. Naalala ko noon, hindi pa gaanong la close nila kuya ang mga ali boys. Kwento sa akin ni a3, nakakasama lang daw nila noon sila kuya dahil kay dale. Hindi daw aakalain na mahiging kaibigan din nila sila kuya kahit wala na ito. Napangiti ako ng maalala ko na naman siya.
"Tapos ngayon nakangiti ka na. Aminin mo sa akin bunso. Baliw ka na ba?" Sinuntok ko ng pabiro ang braso ni kuya. Kainis to.
"Hay naku. Para pa din kayong mga bata. Oh alex, ayun na pala sila lance oh." Nasa parking lot na kami ng school. Excited namang bumaba si kuya at sumunod na kami sakanya. Nag ka-holding hands si papa at mama habang nag lalakad. Nasa likuran nila ako. Ang sweet pa din nila sa isa't isa hanggang ngayon. Simula ng dumating si papa last month. Lalo silang naging sweet. Kung yung iba nauumay sa kasweetan ng magulang nila, ako naman, kinikilig sa kasweetan ng magulang ko. Atleast, hindi ako bitter!!
Hindi nag tagal, nag umpisa na din ang graduation ceremony. Syempre madami ang nag iyakan at tuwang tuwa dahil nakapag graduate na sila. Isangg taon pa bago ako makapag graduate. Haaay. Lumabas ako ng stadium kung saan ginanap yung graduation nila kuya at nag pahangin. siksikan na kasi sa loob eh. Ayoko pa naman sa maraming tao.
"Hi ate.." Tumingin ako sa batang nasa harap ko at may inabot sa akin na stem of white rose. Umupo ako para mag kalevel kami.
"Para sa akin ba to?" Tumango naman yung batang babae sa akin. Ang cute niya.
"Kanino galing?" Nag pout siya tapos tumingin sa left side niya kaya tumingin din ako dun pero room lang naman yun ng archi at engineering department.
"Ah. Sabi ni mama, secret daw po eh." Ngumiti siya sa akin at tumakbo na. Pinanood ko lang siya tapos huminto din naman tapos nag bye bye na. Napangiti na lang ako at nag wave din sakanya. Tinignan ko yung white rose at may maliit na note sa may tali.
65 days more.... ♥
Napakunot ang noo ko ng mabasa ko yun. 65 days more? Hindi ko gets. Hinayaan ko na lang muna yun at lumapit na kila kuya dahil tinawag na nila ako. Tinanong pa nila kung kanino galing yung rose pero sabi ko di ko alam at binigay lang ng bata. Tapos bigla na lang silang nag hiyawan. Except ako at sila mama't papa, pati na din ang parents nila kuya lance, kuya paulo at kuya ace.
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Teen Fiction"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...