Hanne's pov
Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kwarto ko. Nag dadalawang isip kung lalabas na ba o hindi pa. Actually, kanina pa ako nakapalit pang school pero wala pa akong lakas ng loob para lumabas.
Hindi pwedeng makita ako ni kuya, malalagot ako dun. Kahit nag explain na sila helga at dale kagabi. Pakiramdam ko, may hindi magandang mangyayari. Hindi ko alam. Girl's instinct sabi nga nila.
Nag iisip ako ng magandang plano kung paano ako iiwas kay kuya. Pero biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Napakagat ako sa daliri ng kamay ko tsaka titig na titig sa pinto. Eto na, si kuya na to. Siya na talaga to.
"Bunso, 8am pasok mo diba? Lumabas ka na dyan at kumain. Umalis na ang kuya mo, wala ng mag hahatid sayo." Narinig ko boses ni mama. Bigla akong napatayo at kinuha mga gamit ko tsaka binuksan ang pinto.
"Oh anak, kanina ka pa pala bihis eh. Kumain ka na muna." Bineso ko na lang si mama atsaka tumakbo pababa ng hagdan. Nag mamadali ako eh.
Kumuha lang ako ng sandwich at bottled juice tsaka umalis na ng bahay. Nang medyo nakalayo na ako huminto na ako mag lakad at napahinga ng malalim. Oo nga't nakaiwas ako kay kuya ngayon pero paano mamaya sa school? Classmate ko pa naman siya ng ilang subject. Patay ako neto.
Nag patuloy akong mag lakad habang kumakain ng sandwich ko, habang nag iisip ng pwedeng mangyari pag nag kita kami ni kuya. Pag katapos ko kumain ng sandwich may narinig akong bumusina sa likod ko. Pag tingin ko, nakita ko si moi-moi at dale. Napangiti tuloy ako.
"Late ka din?" Tanong ni dale sa akin.
"Oo eh. Uh. Iniiwasan ko si kuya. Alam mo na." Sabay iwas ng tingin sakanya. Napansin kong tinanggal niya yung helmet niya at binigay niya yun sakin.
"Tara ng school? I'm sure di mo siya pwedeng iwasan dun. Kailangan mo pa din siyang harapin. Don't worry. Andito lang ako no matter what." Sabay ngiti niya sa akin. Talaga namang napakagwapo ni dale.
"Tama ka. Tara na nga. At namiss ko na sumakay kay moi-moi." At umangkas na ako sakanya. Dahil naka-uniform ako ngayon. Kailangan kong umupo ng pa-side.
"At namiss ka na din daw niya." Sabay narinig ko yung famous smirk ni dale kaya napasigaw na lang ako agad. Kasabay nun ay pinaharurot niya na tong paborito niyang motor na si moi-moi.
Nakapikit lang ako all the way to school. Nung naramdaman kong nag stop na kami at nakita kong nasa parking lot na kami ng school, nakahinga ako ng maluwag dahil buhay pa pala kami.
Halimaw talaga si dale sa daanan. Sa sobrang bilis niya mag patakbo, mapapapikit ka nalang.
"Okay lang sakin kung yayakapin mo ko magdamag pero baka mahuli tayo ni alex dito." Napabitaw ako agad sakanya. Bumaba na ako ng motor niya tsaka ko inayos ang sarili ko. Tinanggal naman niya yung helmet na nakasuot sa akin at sinuot niya yun ulit.
"Teka, aalis ka pa?" Tanong ko sakanya. Tumingin siya sa akin tsaka tumango. Parang nagulat sa way ng pag tatanong ko. Eh talaga namang nagulat ako na aalis pa siya eh.
"Bakit ka pa aalis? May class na kayo mamaya. Major niyo pa naman yun si mr. Griego. Teror yun diba? Baka ibagsak ka pa." Habang sinasabi ko mga yan. Unti-unting lumalaki yung ngiti niya.
"Anong problema mo? Bakit ka ngumingiti?" Tanong ko sakanya habang nakataas ang kilay.
"Nothing. Hm. Maganda pala sa pakiramdam na may nag babawal sayong girlfriend." Sabi niya sakin. Ayan na naman yang ngiting yan.
"Sshhh. Baka may makarinig. Tsaka bakit? Diba napakadami mong EX GIRLFRIEND? Hindi ka ba nila pinag babawalan noon?" Nakapamaywang kong tanong sakanya habang nakataas pa din ang kilay.
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Teen Fiction"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...