So far.. So good..
Medyo okay naman ang nangyayari. Dinadalaw ko araw-araw si sabian, tulad ng ipinangako ko sakanya. Pero this past few days, medyo nag iiba na ang ugali niya. Masyado na siyang demanding. Gusto niya dun na ako matulog o kaya pag hapon na ako nakakapunta, nagagalit siya sa akin kasi late anong oras na daw ako dumadalawa. Pero kahit naiinis ako sa paiba-iba ng ugali niya, pinaliwanag ko pa din nang maayos na may class ako. Kaya lang kahapon, nagalit na naman siya sa akin. Dahil daw 5pm natatapos ang class ko pero dadalaw daw ako sakanya ng 6pm tapos aalis na din agad ng 7pm. Tapos nagalit pa siya dahil alam niyang last subject ko si dale. Ayun, nag paliwanag na naman ako sakanya. Nag alibi na lang ako na traffic kasi at kung anu-ano pa.
Hindi magandang nagagalit si sabian dahil matigas ang ulo niya. Hindi siya iinom ng gamot, hindi kakain at mag kukulong sa kwarto. Buti na lang mahaba ang pasenya ko kaya nasusuyo ko si sabian. Si sabrina, nahihiya na sa akin. Kaya sinabi kong okay lang. Wala din naman kasing ibang tutulong sakanilang mag kapatid kundi ako lang. Ako lang naman ang kaibigan nila dito. Kaya hangga't maari iniintindi ko si sabian.
Kahit minsan talaga naiinis na ako dahil bigla bigla siyang mangyayakap, mang hahawak ng kamay, mang aakbay. At gaya ng lagi kong ginagawa, hinahayaan ko na lang. Pero sinisigurado ko na kaibigan ko lang siya. Pinapaalam ko yun sakanya ng hindi niya nahahalata na pinapaalam ko. Haaay. Ang gulo gulo na.
Nag ring na ang phone ko at nakita kong si sabian ang tumatawag kaya bumaba na ako sa hagdan.
"Bunso, san ka pupunta?" Napakagat ako ng labi ng marinig ko ang boses ni mama sa hagdan. Palabas na sana ako sa pinto eh.
"Ah. Eh kasi ma. Dadalaw po ako kay sabian." Lumingon ako sakanya at kasama niya pala si papa. Bumaba sila ng hagdan at nakita kong umiiling iling si papa.
"Napapadalas na ang dalaw mo doon bunso. Hindi ba pwedeng hindi ka muna dumalaw?" I sigh. Oo nga at napapadalas na dalaw ko dun. Medyo nauubusan na ako ng oras kay dale. Pag may pasok kasi hindi kami nag kakasama sa school dahil hindi pwede. Hindi namin gustong ipaalam sa buong school na kami na at naging kami. Ayoko din naman na pag usapan ako ng mga students doon at mga ibang prof.
Kahit na kami na dati ni dale nung hindi pa siya nag tuturo sa school. Hindi pa din magandang idea na ipaalam sa buong school na kami na. Makikitid pa naman ang utak ng mga tao sa school na yun.
"Mag kwentuhan na lang muna tayo bunso. Kahit mamayang hapon ka na pumunta kila sabian, pag kaalis namin ng papa mo." Napangiti ako sa itsura ni mama. Kahit naman hindi siya mag pout at mag puppy dog eyes. Napapapayag naman kami niyan eh.
"Sige na nga po." Sabi ko at sumunod sakanila sa garden.
Matagal tagal na din kaming hindi nag kakausap nila mama at papa. Lagi din kasi silang umaalis ni mama at ewan ko kung saan sila pumupunta. Pero ang sabi ni kuya, huwag na daw namin silang pakialaman. Baka nag de-date lang daw sila. Dahil ilang buwan din nawala si papa at baka miss nila ang isa't isa.
Dumating si kuya alex at nakipagkwentuhan na din sa amin. At hindi pa din siya nag babago. Pikunin pa din siya pag dating sa amin ni mama. Lahat kami nag tatawanan at nag bibiruan. I really love my family. Sobrang happy ng family na meron ako.
Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Nag uumapaw sa saya. Taon na din ata nung last na nagawa namin ang ganito. Yung mag kwentuhan, magtawanan at mag biruan. Kaya naman sobrang priceless. Basta talaga pag sila ang kasama ko, wala na akong iniintindi pang iba. Well, except kay dale na paminsan minsan pumapasok sa isip ko.
Namimiss ko na siya. Hindi pa kasi kami nag karoon ng quality time together eh. Nagkikita naman kami sa school pero after school hindi na. Text and call na lang ang ginagawa namin. Isang linggo na din pala simula nung sinundo niya ako kila sabian at muntikan na kaming mag away. Buti naayos namin. Pero pakiramdam ko, hindi namin naayos talaga. Dahil may naiwan pang ibang conflicts.
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Teen Fiction"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...