7.1 ♥♥♥ It hurts (part2)

338 12 3
                                    

Hanne 's pov

Unti-unti kong minulat ang aking mata at tumingin sa kisame. Kinuha ko yung phone ko para ma-picturan sarili ko, tinignan ko itsura ko at napangiwi. Teary eyes pa ako. Hindi pwede to, ayoko ng ganitong itsura. Bumangon na lang ako. Tumingin ako sa paligid ng room namin ni helga at nakita ko siyang natutulog na sa kabilang kama.

Medyo dim yung ilaw, alam kasi ni helga na di ako natutulog ng walang ilaw dahil takot ako sa dilim at isa pa nahihirapan akong huminga pag madilim ang paligid ko. Pakiramdam ko kasi sobrang sikip kaya bigla na lang maninikip dibdib ko at aasthmahin na naman ako.

After stretching my body, dumeretcho ako sa bathroom at nag hilamos lang ako then nag palit na ng pantulog. Hihiga na sana ako pero bigla na lang nag vibrate ang tiyan ko. Nakakakiliti tuloy! Naalala ko di pa pala ako nag dinner dahil nung pag dating namin dito ni helga is 7pm na. So bandang 8pm nakatulog na ako, di pa ako nag didinner. Arghh! Ayan na tumutunog na!

Tumayo na ako at kumuha ng pera then pupunta na lang ako sa bukas na restau. Di na ako nag abalang mag palit, kumuha lang ako ng jacket then lumabas na ng room.

Habang nasa elevator, naisip ko yung nangyari kanina. Nakita ko yung pag aalala sa mukha ni dale. Nag aalala ba siya sa akin dahil kahit papaano pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa? Yung nangyari nung gabing yun. Alam ko, may nararamdaman din siya para sa akin. Hindi naman ako manhid. I am not densed! Pero bakit ganun? Anong role ng babaeng yun sa story namin? Ano? Siya na ba yung kontrabida at sisira sa amin ni dale? Bakit napaaga naman ata ng dating niya? Hindi pa kami ni dale meron na agad siya?

Nag papakiramdaman pa lang nga kami eh. Pumi-PBB teens pa lang kaming dalawa. Wala na agad? Ano? Ma eevict na ba ako? At silang dalawa na ang mag tutuloy ng love team namin? Ano yun? Barbie at bailey lang? Huwag naman ganun. 1 week pa lang nakakalipas simula nung gumawa kami ng report ni dale sa bahay nila eh. Huwag mong sabihing Ma-iisang linggong pag-ibig din ako katulad ni Barbie at bailey. Nakakaiyak naman yun!

Pag open ng elevator. Ngumiti lang sa akin yung nasa reception area. Ngumiti lang din ako kahit na parang labag sa kalooban kong ngumiti ngayon. Feeling heart broken ako eh. Oo, tama. Heart broken. Mag kaiba naman kasi yun sa broken hearted. Eh yung sa amin ni dale, parang one sided love lang yung nangyari.

May nakita akong coffee shop sa loob ng hotel malapit sa lobby kaya dun na lang ako. Kesa lumabas pa ako ng hotel, dito na lang ako para di pa ako mapagod. Kaka-atake pa naman ng asthma ko kaya hindi pwedeng mapagod ako agad.

Pumunta ako sa counter at nag order ng all time favorite kong capuccino and lemon cupcake and eat lang ng eat. Ang sarap nung lemon cupcake nila. Halos lahat naman ng cupcake gusto ko. Kumuha ako ng isang magazine nang puro baking ang article at binasa ko yung mga ingredients ng type kong i-bake next time.

Nag co-concentrate ako para i-memorize yung mga ingredients and procedure nung angel food cake na gusto ko ng bigla na lang may nagsalita sa harap ko. Hindi tao kundi hayop.

"Hey asthmatic girl." Tinignan ko yung babaeng nang iinsulto sa akin, at pag tingin ko nakita ko yung babae kanina na inabutan ni dale ng cupcake na gawa KO at si dale na nakatayo at nakatingin sa akin, nag smile siya ng konti pero di ko siya pinansin. Ano? May gana pa siyang ngitian ako? Ugh!

Bigla na lang umupo tong annoying girl sa tabi ko. Badtrip lang, akala mo kung sino kung makadikit eh. Close tayo te? Close? ~_^

"Dale, ikaw na bahala ang mag order. I'll just go to the comfort room. I want to share a table with her." Mukhang close na agad sila ha? Maganda at sexy naman tong babae. Di ko masisisi si dale kung type niya yung girl. Nang umalis na yung bruha na yun medyo awkward na ang atmosphere pero di nag tagal narinig ko ang boses niya.

A Million Reasons To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon