Hanne's pov
Hindi ko alam kung paano ako na ipaalam ni dale sa parents ko. Basta after breakfast sinabi na lang ni mama na nasa baba daw si dale at hinihintay ako. Pinaalam na din daw niya na dun ako matutulog in one week. Dahil nga daw sa may lagnat si helga at ewan ko kung ano pang dinahilan niya.
Oh well, i don't mind anyway. Basta masaya ako ngayon dahil makakasama ko si dale ng isang linggo. Yay! Sasabog na ako sa sobrang saya dito.
Pag kababa ko sa hagdan. Nakita ko sila dale at parents ko sa may living room na nag tatawanan. Super close kasi si dale sakanila, even helga.
"Ma,pa, alis na po kami." Nag salita na ako dahil di nila ako napansin na bumaba na.
Tumayo naman agad si dale na may malaking ngiti sa mukha at kinuha yung bag ko. May mga damit ako dun and important stuff. Di naman masyadong madami. Dahil may mga damit ako sa room ni helga.
"Ingat sa pag drive dale. Kahit sa kabilang street lang kayo. Mag ingat pa din, malakas ang ulan at hangin. Takecare bunso. Call us kung di pa gagaling si helga." Tumango na lang ako kay mama at nakipag beso na kami sakanila bago umalis. Si dale, inalalayan pa niya ako palabas ng bahay. Narinig ko pa nga yung impit na tili ni mama. Hala! Teenager lang ang peg ma?
Sobrang lakas ng ulan at hangin. Kaya naman nabasa pa din kami kahit papaano. Kumuha ako ng tissue sa dashboard. Hindi naman ito ang unang beses kong pag sakay dito. Madaming beses na din. Kaya alam ko na kung anu-ano ang mga gamit niya sa loob ng kotse.
Kumuha ako at nag punas ng braso kong nabasa. Napalingon ako kay dale na nakatingin lang sa akin at pinunasan ko nalang din siya. Parang bigla tuloy akong nahiya.
Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan ni dale hanggang sa makarating sa bahay nila. Pero kahit na walang nag sasalita ni isa sa amin. Pakiramdam ko sobrang ingay ng tibok ng puso ko dahil hawak hawak ni dale ang kamay ko kanina.
Alam niyo yung ngiting kinikilig? Yung may lipbite, para mag pigil ng ngiti o tili. Yung ganun? Basta ganun ang mukha ko kanina. Parang timang na nakangiti. Lels!
Pag dating sa bahay nila, syempre deretcho ako sa room ni besty. Mukhang wala nga silang kasama dito. Ang tahimik dito sa malaki nilang bahay eh. Papasok na sana ako sa room ni helga ng may humawak na naman sa kamay ko. Here goes my heartbeat again! Parang sira na, ang lakas kung kumabog.
"What? Masama bang hawakan ang kamay ng girlfriend ko?"
Para akong di makahinga sa sinabi niya. Nanlaki rin ang mata ko pag kasabi niya nun. Ako? Girlfriend niya? Di nga? Wala pa ngang ligaw portion eh.
"Huwag mong sabihing liligawan pa kita? Look, we like each other.. Ah no! WE LOVE EACH OTHER! For me, courting is not really the way to express a girl kung mahal ko siya. Mag sasayang lang tayo ng panahon. If the feeling is mutual then I guess tayo na diba?"
Wala akong masabi sa pinag sasabi ni dale. Naloloka ako. Pero may point naman siya diba? Ang courting is for the two person na hindi pa nila kilala ang isa't isa. Ang courting is yung getting to know each other stage palang. Kaya lang kasi..
"Yung kasunduan namin ni kuya alex, dale. Baka magalit siya eh." Naalala ko kasi. Pero eto na oh diba eto na yung pinakahihintay ko? Ang maging boyfriend siya?
"Ah yeah! I forgot, I'm sorry!" Bigla tuloy nalungkot yung mukha niya.
"Oo nga pala. Hihintayin mo pa pala ako and so am I. Let's just wait for the right time." Bigla ko tuloy gustong bawiin yung agreement na yun.
Parang gusto kong sabihin na 'sige, tayo na. Basta sikreto muna.' Pero ang tanong kaya ko kaya? Kaya niya kaya? Ah bahala na. Eto naman gusto ko eh. Im sorry kuya alex.
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Roman pour Adolescents"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...