Hanne's pov
"You're so beautiful bunso." Sabi ni mama sa akin habang mangiyak ngiyak na nakatingin sa reflection ko sa salamin.
"Ano ba yan ma, huwag ka ng umiyak. Masisira make up natin eh." Natatawa kong sabi sakanya. Ngayon, alam niyo na kung kanino ako nag mana? Haha. Pareho kaming iyakin eh.
"Okay lang yan! Water proof ang mga make-up natin." Natatawa na din niyang sabi.
It's my birthday today.. April 05, saturday. Wala kaming pasok this saturday kaya naman hindi na ako lumabas ng bahay kanina. Nag beauty rest na lang ako katulad ng sabi ni mama. May mga pumunta sa bahay para bigyan ako ng massage, may nag pedicure at manicure din sa amin and such.
4pm kaninang umalis kami sa bahay at pumunta sa isa sa hotel nila tito leo. Kung saan ako mag dedebut. Ito yung pinakamalaki nilang hotel. Sobrang bongga kasi ng debut ko eh. Invitation pa lang, ang gastos na.
Sabi nga nila mama at papa. Ngayon lang naman to mangyayari sa buhay ko. Kaya dapat unforgettable daw. At dahil unica hija nila ako. Kailangan, bongga!
Kahit nga, simple lang sana eh basta kasama ko sila at mga importanteng tao sa buhay ko. Pero sino ba ang niloloko ko? Malamang, mas gusto ko yung ganito. Bongga na kung bongga! Once in a lifetime lang naman ito eh. Sabi nga nila diba? Carpe Diem!
"Bunso, ready ka na ba?" Lumingon ako kay papa na pumasok sa isa sa mga hotel room kung saan ako inayusan ng mga beautician na kinuha nila mama at tita olive.
"Ready na po papa." Humnga ako ng malalim at nginitian siya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Hindi pa din ako makapaniwala na dalagang dalaga na ang baby girl namin." Sabi ni papa habang yakap yakap ako. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Pa naman. I'm always be your baby kahit dalaga na talaga ako." Humiwalay ako sakanya at nginitian ko siya. Ang drama pala talaga pag 18th birthday mo na noh?
"Ahm.. Excuse me, sir, mam, Start na po natin?" Tanong nung organizer ng debut ko. Tumango si papa sakanya at niyakap ulit ako. Sumunod naman si mama.
"We'll be at the hall. We'll wait you there." Sabi ni papa sa akin at binuksan na ang pinto ng room.
Nang makalabas sila papa doon. Napaupo ako sa kama. Mag isa ko lang na andito sa room at wala akong ideya kung na saan yung mga make-up artist na nag ayos sa akin kanina. Well, okay lang naman na wala sila dito ngayon. Dahil kailangan kong mapag-isa.
Nasabi ko na ba, na hindi ako sanay na center of attention? At ngayong gabi, center of attention ako. Malamang! Ako ang debutant eh! Pero kaya ko to!
Ito na yung araw na pinaka-hihintay ko diba? Yung debut ko? Yung nasa legal age na ako? Yung huling araw ng agreement namin ni kuya? Napangiti tuloy ako sa iniisip ko. Isang buwan na kami ni dale. So far, so good!
Si kuya ace, wala pa din sinasabi kay kuya alex. Ganun din si kuya lance. Minsan nga nakakasama na namin sila sa pag labas eh. Nung una, naiilang pa ako, nahihiya. Pero si dale kasi, makapal mukha kaya sweet pa din siya sa akin kahit andyan sila kuya ace at kuya lance.
Mas naging extra sweet ang boyfriend ko sa akin. Kaya lang, masyadong over protective. Isama mo pa si kuya ace at kuya lance. Pag hindi ako na susundo ni dale, si kuya ace o lance ang gagawa nun. Hanggang sa nasanay na din ako.
"Miss hanne? Let's go? It's time to face your guests." Sabi nung baklang nag ayos sa akin kanina. Ni-retouch niya lang ako ng konti at lumabas na kami sa room. This is it! Sobrang kinakabahan na ako.
"Dito ka lang muna okay? Wait for the music and for my signal. Your broyher will be waiting for you at the middle of the stairs and gaya ng na practice niyo. Sunod sunod na yun hanggang sa cotillion. Okay hanne?" Tumango tango na lang ako sakanya at huminga ng malalim.
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Teen Fiction"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...