Hanne's pov
Pag dating ko sa bahay nakita ko agad si mama sa garden. Lagi niyang inaalagaan ang mga halaman niya, may pwesto siyang flower shop kaya mahilig talaga siya dyan. Maliban sa pagiging business woman ay isa siyang maalagang mama sa amin ni kuya. Dalawa lang kami ni kuya ang mag kapatid. Cesarian daw kasi noon si mama kaya haggang dalawa lang nakayanan niya. Ang hirap daw kasi ng cesarian operation. I wonder, kung ako kaya c.s operation din? Naku sana po hindi!
"Bunso, napa-aga ka ng uwi ah! Masama ba ang pakiramdam mo? Halika nga dito." Selena Romualde Tan, yan si mama. Lumapit ako sakanya at hinalikan ang pisngi niya. Siya naman hinawakan niya ang noo ko at chineck niya talaga kung may sakit ako o wala. Talagang ganyan si mama, napaka-alaga niya sa amin ni kuya. Well, sa akin okay lang yun. Pero kay kuya? Hahaha epic lang. Ikaw ba naman kasi 20 years old na tapos ang laki pa niyang lalaki pero bine-baby pa din. Eh ako 17 pa lang kaya it doesn't matter. Mukha pa naman daw akong baby eh. Lol!
"Mama, wala po akong sakit. Dont worry po okay? Ahm.. Pagod lang po ako tsaka bad day po eh." Sinabi ko yan sakanya habang tinitignan yung mga alaga niyang halaman. Ang galing lang talaga ni mama, hindi lang siya sa mga halaman magaling mag alaga pati na rin saming mag kapatid at kay papa.
"Ma, im home." speaking of papa. Harold Tan. Half chinese si papa. pero di naman talaga kami totally chinese oriented. Nag tratrabaho si papa sa company nila tito leo at tita olive, ang parents ni helga at ni dale. Mayaman sila, samantalang kami hindi naman gaano. Magkaibigan matalik ang pamilya namin kaya kasama ni tito leo si papa magpalakad ng kumpanya nila.
"Pa, andito kami sa garden." Balik sigaw ni mama. Ganyan silang dalawa. Ma at Pa ang tawagan nila. Ang sweet nila no? Sana kami ni dale ganyan din pag pwede na akong maki-pag relasyon.
"Oh bunso? Ang aga mo naman ata ngayon. Andyan na din ba si kuya?" Hinalikan ko si papa sa pisngi at ganun din ginawa ni mama pero sa lips nga lang. ihhh. Nakakakilig sila tignan. So sweet!
"Wala pa si kuya pa, mamaya siguro meron na yun. Pagod lang po ako sa school kaya umuwi na ako agad. Eh kayo pa, bakit ang aga niyo po ata umuwi?" Gabi na kasi minsan umuwi si papa dahil lagi niyang kasama si tito leo. Masyado silang busy sa kumpanya. Tanghali pa lang naman at nandito na siya kaya nakakapagtaka.
"Kailangan lang namin ni leo magpahinga dahil sumasakit na ang ulo namin sa trabaho. Tsaka madami kaming aayusin nextweek kaya nag decide kaming magrest muna sa work. At isa pa anniversary nila ni tita olive mo next week after." Ah, kaya pala. Oh well, mag papa-party nanaman siguro sila. Kailangan naman talaga yun pag may kumpanya ka eh diba?
*ehem*
Nag fake cough ako, kasi naman si mama at papa nag lalambingan na naman sa harap ko. Na-iinggit tuloy ako. Mukhang wala lang sa kanila yung pag tikhim ko ah. Nakayakap si papa sa likod ni mama habang inaamoy amoy ni papa yung leeg ni mama. Si mama naman nag i-spray ng tubig sa mga orchids, tapos hahagikgik siya. Ay ano ba yan!
"Ahm.. ma, pa, akyat na po muna ako sa kwarto ko. Iidlip na lang po muna ako." Umalis na ako at di ko na hinintay sumagot sila mama at papa dahil di na rin sasagot yung mga yun. Sanay naman na ako. Pag nag lambingan sila mama at papa, para silang may ibang mundo.
Pag pasok ko sa kwarto, pumunta na akong bathroom at nag halfbath lang muna ako. Masyado akong na-stress ngayong araw na to kaya kailangan ko mag freshen up. After halfbath, pumunta na ako sa harapan ng salamin and do my thing. Mga ginagawa ng nga babaeng nagpapaganda ng mukha para sa mga crush nila or whatsoever.
*magpahid ng toner sa mukha
*maglagay ng face cream
*magsuklay ng buhok
![](https://img.wattpad.com/cover/24406254-288-k308692.jpg)
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Novela Juvenil"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...