Hanne's pov
Finally, andito na din kami sa e.k. Ang sarap sa pakiramdam makita ang iba't ibang mukha ng mga tao. Hahaha. Paano, nakakasawa kasi eh. Puro sa school lang ako at sa village namin eh.
Dito, pwedeng pwede kong gawin ang gusto kong gawin. Makakapag holding hands kami ni dale sa isa't isa. Magiging sweet at kung anu-ano pa.
Paano kaya? Ako ang unang mag iinitiate ng holding hands? Haay. Ano ba naman yan. Pati ba naman to prinoproblema ko pa. Mag eenjoy na nga lang ako.
Tumingin sa ako kay dale, nakita ko siyang may kausap sa phone. Habang nag seselfie si helga nag karoon ako ng time para titigan si dale. He is really an epitome of perfrction. Wala akong maipintas sakanya. Promise!
He ran his hand through his hair, and i was like, he is so freakin hot nung ginawa niya yun. Ang seryoso ng mukha niya habang nakikipag usap. Pinikit niya yung mata niya habang pinapakinggan kung ano man yung sinasabi nung kausap niya.
Teka? Sino kaya kausap niya? Babae kaya? Oh no! Hindi naman siguro diba? Ano bay an! I should trust him. Hindi niya kayang gawin yun sa akin. Yes, dale wouldn't gonna cheat on me.
Napatingin ako kay helga nung nag sisisigaw siya na ang ganda daw nung kuha nila ni marco sa picture. Napailing na lang ako. Nakakainggit! I'm sure, helga will gonna post that on her IG. Puro mukha na nila ni marco ang andun.
Tumingin ulit ako kay dale and i saw him looking at me habang may kausap pa din sa phone. Mga 5 meters away siguro ang layo niya sa amin. I smile at him and he smile back.
He hung up his phone at nag lakad na siya papunta sa amin.
"Besty, dun tayo. Daliiiii!" Hinila ako ni helga papunta sa mga stall ng pellet gun shooting. If i know gusto lang niyang kuhanan siya ni marco ng stuffed toy na prices nila.
"Hiwalay na lang tayo. Tawag na lang kayo pag aalis na tayo." Hinila naman ako ni dale paalis doon sa gustong laruin ni helga kanina. Tong mag kapatid na to ang hilig mang hila. Masakit kaya. Pasalamat silang dalawa, love ko sila eh. Yun oh!
Tinignan ko si helga na nakasimangot habang nakatingin samin ni dale papalayo sa kanila. Pero nakita kong may binulong sakanya si marco at bigla na lang siyang ngumiti.
Parang lalong lumala pagiging bipolar ni helga. Ang bilis na mag paloit ng mood niya eh. Ano kaya yung binulong ni marco sa kanya at napangiti na siya agad?
Kung siguro, hindi bumulong si marco sakanya. Susunod yun sa amin at makikipag argue sa kuya niya para mapag bigyan siya. That is helga! She is really a brat!
Pumunta kami ni dale sa ibang rides. We ride all the rides that we want to ride. Ang gulo ba? Haha.
Sobrang saya naming dalawa. Alam ni dale na takot ako sa heights pero ipinilit pa din niyang sumakay kami sa roller coaster. Well, dedma naman na yung fear of heights ko dahil nakatsansing na naman ako sa boyfriend ko.
After rides, nag sawa na din kami at nag punta naman sa mga booth. Meron nga kaming napuntahan booth, sobrang seryoso niya mag laro at nung nanalo siya, ang price pala is wig. Tawang tawa ako, lalo na nung isinuot niya yun at nag pa-cute sa harap ko.
Dale is a joker sometimes. Hindi ko alam na may sense of humor pala tong boyfriend ko. Akala ko, kilala ko na siya. Pero may mga hindi pa pala talaga ako alam about sakanya. And i'm happy with it. Parang getting to know each other pa din kami.
"Come on, let's eat. Past lunch na pala. What d'you want to eat hart?" Biglang tanong sakin ni dale. Ayan na naman siya sa hart na yan.
Ano ba talaga ibig sabihin nung HART na yan? Bakit ganun ang spelling?
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Ficção Adolescente"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...