55♥♥♥Hoping

197 5 0
                                    

Nag madali akong pumasok sa elevator papunta sa taas kung saan ang kwarto ni dale. Na-late na ako ng gising dahil hindi ako nakatulog agad dahil sa mga nangyari.

Kagabi pag katapos naming malaman na hindi pa magigising si dale. Inayos na lahat nila tito leo at tita olive ang mga dapat asikasuhin. Kami naman nila mama ay umuwi na rin. Ayoko pa sanang umuwi pero hindi nila ako pinayagan. Pati nabdin si kuya alex hindi nakalusot. Ang sabi ni mama ay mag pahinga muna kami at matulog.

Huminga ako ng malalim bago ko buksan ang pinto ng kwarto ni dale.

Meron na ang mga ali at nag kwekwentuhan. Wala pa ang iba at tanging sila palang ang andito.

Lumapit ako sa love ko na nakahiga sa hospital bed. Umupo ako sa gilid niya at dahan dahang hinawakan ang kamay niya. Nung una medyo natakot pa ako dahil nga namamaga ang kamay niya. Tinitigan ko lang siya at hindi nag salita. Pinikit ko ang mata ko para pigilan ang luha na namumuo sa mata ko. Ayokong umiyak. Sabi ni mama kanina, ang mga nasa coma daw ay naririnig nila ang nasa paligid kaya dapat huwag kong iparinig na umiiyak ako. Kaya din hindi ako nag sasalita dahil baka lalong hindi ko din mapigilan.

Masyadong mahirap mag pigil ng luha kaya yumuko na lang ako at ipinatong ang ulo ko sa kama ni dale malapit sa kamay niyang hawak hawak ko.

Hindi ki pinansin ang pag iingay ng mga ali at sinubukan kong matulog. Kulabg pa ako sa tulog kaya itutulog ko muna. Para may lakas akong mag bantay kay dale mamayang gabi.

Nagising ako ng may kumakalabit sa akin. Dinilat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang ngiti ni helga.

"Kain na tayo bes." Nilingon ko si marco na binuksan ang pinto at ngumiti sa akin bago niya sinara ang pinto para lumabas.

"Nasaan ang mga ali?" Tanong ko kay helga at hindi pa din ako tumatayo.

"Lumabas muna sila para kumain. Halika ka na. Kain na tayo. Late lunch na to." Tinignan ko ang watch ko at oo nga 1:35pm na. Dahan dahan kong tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kamay ni dale bago tumayo. Hinalikan ko siya sa pisngi at lumapit kay helga.

Kinuha ko yung inabot niya sa aking pagkain at kumain na lang ako ng tahimik.

"Bes, dito ka ba matutulog mamaya?" Tinignan ko si helga at tumango habang kumakain. Bumuntong hininga lang naman siya pero hindi na ulit nag salita pa. Wala akong gana makipag usap at kumain kaya konti lang ang kinain ko.

Pagkatapos kong ayusin ang pinagkainan ko ay bumalik ako sa tabi ni dale at hinawakan ulit ng dahan dahan ang kamay niya bago ko siya titigan.

Ganun lang ginawa ko nuong mag hapon. Nasa tabi lang ni dale, tititigan siya habang hawak hawak ang kamay niya. Wala akibg ibang gisting gawin kung hindi ang titigan lang siya at hawakan. Gusto king malaman niya na andito lang ako lagi sa tabi niya.l at hindi ko siya iiwan.

Nang mag dilim na ay dumating si kuya. Kinausap niya sila helga at marco na kanina pa din nasa may couch at nakaupo. Hindi ko masyading naiintindihan ang pinag uusapan nila pero sa ngayon wala akong pakialam. Mamaya maya naramdaman ko ang kamy ni kuya sa balikat ko.

"Uwi na tayo bunso." Umiling lang aki kay kuya at wala na siyang nagawa kung hindi ang halikan ako sa cheek bago siya nag paalam para umalis na.

Mga ilang oras din nakalipas ng pafi su helga at marco ay tumayo sa tabi ko.

"Sigurado la bang okay lang sygo na mag isang mag bantay dito bes?" Tumango lang ako kay helga at niyakap niya ako habang nakaupo.

"Tawagan mo ako pag may kailangan ka ha?" Tumango na lang ulit ako. Puro tango o iling lang ang nagagawa ko pag kinakausap niya ako. Wala akong ganang mag salita.

A Million Reasons To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon