Hanne's pov
Nang makarating sila kuya alex at ate jean kanina, lumabas na din kami ni dale sa secret hide out nila. Ang cool talaga. May narinig lang kaming buzzer sa phone ni dale at bigla na lang niya akong niyayang umalis agad. Doon pa nga ako sa kwarto ni helga pinadaan ni dale. Sa walk in closet ako ni helga nakalabas.
Patay malisya akong lumabas ng kwarto ni helga. Nakasalubong ko pa si helga at marco tapos parang nagtaka si helga kasi nakita niya kami kanina ni dale na pumasok sa kwarto ng kuya niya. Sino ba namang hindi mag tataka diba? And then biglang dumating si kuya at ate jean sa taas, sa may terrace malapit sa kwarto ni helga at dale. Hindi nag tagal, lumabas na din si dale sa kwarto niya. Ang galing diba?
Gabi na ngayon at nag iinuman lang sila kuya alex sa may garden nila dale. Andito kami sa kitchen ni helga at ate jean. Inutusan kasi ako ni kuya alex na magluto ng pang pulutan nila. Ang all time favorite naming dalawa na sisig. Nag luto din ako ng iba pang pulutan nila syempre.
Si kuya ko alex, si kuya ace, kuya paulo, kuya lance, si marco at ang mahal kong boyfriend na si dale. Yay! Magkakasama na sila ngayon sa garden. Actually, medyo gumanda na yung mood ko ngayon kasi magkatext kami ni dale kanina pa. Oh diba? Kanina kasi medyo wala na naman ako sa mood dahil nga dumating yung tatlo, malabong mag tatabi kami ni dale mamayang gabi.
"Hoy besty, di pa ba tapos yan? At ng makapunta na tayo sakanila oh." Eto talagang si helga. Namiss agad si marco. Di pa ba sila nag sasawa?
"Kfine! Tapos na oh. Makamadali ka naman dyan eh." Inayos ko na yung mga pagkain nila.
Tinulungan naman ako ni ate jean mag ayos. Samantalang si helga. Binuhat na yung isang tray at ipinunta na sa garden nila. Talaga yun, excited masyado. Tsk. Tsk. Well, ako din naman.
Pinunta na din namin yung iba at umupo na sa mga bakanteng upuan. Sayang lang at wala ng bakante sa tabi ni dale. Pero okay lang, katext ko naman siya eh.
"Grabe dude, itong si ace. Nahuli kahapon nung girlfriend of the week niya. Ayun wala pang isang linggo. Break na sila agad. Kaya ang bago niya ngayon yung nakilala niya sa bar kagabi." Sabi ni kuya paulo habang ngumunguya. Parang bata talaga. I wonder, kailan kaya mag babago si kuya pau?
"Sayang di kami nakapunta. Dalawa lang tuloy kayo." Sabi ni kuya alex. Siraulo talaga, iparinig daw ba kay ate jean na nanghinayang siyang di pumunta. Tsk. Playboy! Tumingin ako kay ate jean pero parang dedma lang siya sa pinag uusapan ng mga lalaki.
"Eh kayo eh. Pero okay lang yan mga dude. Pupunta naman chix ko dito ngayon kasama daw niya yung friend niya." At nagtawag talaga si kuya ace ha? Haay. Bahala sila mamaya.
Pero naisip ko bigla, kung may kasama silang girls. Ibig sabihin, hindi nila iistorbohin si dale buong gabi dahil nga may girls, dun sila sa mga guest rooms dito. Napangiti tuloy ako ng palihim.
Nag kwentuhan lang ang mga boys samantalang ako at si dale nag tetextsan lang. Hindi ko mapigilan ngumiti sa mga text niya.
"Lalo lang akong na iinlove sayo pag ganyang nakangiti ka. :)"
"Tss. Bolero ka talaga. "
Reply ko sakanya. Si dale talaga. Lagi niya akong pinapangiti. Konting compliment lang niya sa akin. Napapangiti na ako.
"I'm the luckiest guy ever beacause you're my girl. I love you."
"Yay! Pati ba naman sa text ang sweet mo pa din? I love you too po. :*"
"Wow. May kiss pa ako galing sayo. Sana mamaya, meron din."
"Loko. Mag-tigil ka nga diyan. :p"
![](https://img.wattpad.com/cover/24406254-288-k308692.jpg)
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Teen Fiction"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...