A2/Jason's pov
Andito pa din kami sa beach resort kasama ang buong gang at si hanne. Napapangiti ako ng palihim pag nakikita ko silang sweet. Langya. Hindi ko aakalain na may seseryosohin yan. Mukhang wala naman kasi talaga noon pa. Ngayon lang tinamaan ang lintik.
"Waaaah. Love naman eh. Ang alat ng tubig!!!!" Si hanne. Noong una ko siyang nakita, sabi ko sa sarili ko. Wala to. Mahina, iyakin at mukhang isip bata. Pero habang tumatagal. Nakikita ko na din kung anong nagustuhan ni A1 sakanya. Kasi imposibleng yung ganda lang niya. Eh sa totoo lang mas madami pang magaganda at mas sexy kay hanne na naging babae niya. Sorry hanne..
"King ina mo a7. Mandurugas ka talaga kahit kailan." Si a3. Mag uumpisa na naman sila.
"Hoy gago neto. Ako na naman. Bakit hindi si a5 ang tanungin mo dyan." Binatukan naman ni a5 si a7 sa sinabi niya.
Napailing na lang ako sakanila. Kahit kailan talaga.
"A6 kesa tutunganga ka dyan. Kuha ka ng asin sa loob." Sigaw ni a8 sakanya na busy mag ihaw.
"Nakita ko kanina. Wala ng asin. Wala na din stock na foods." Napatingin ako kay a9/marco na nag preprepare din ng foods.
Bilib din ako dyan eh. Kahit siya ang pinakabata sa amin. Alam niya kung anong gagawin niya. Hindi katulad ng nga ungas sa side ko. Walang ibang ginawa kung hindi ang mag laro ng poker, mag inuman, lumamon at mang babae.
"Ha? Eh di paano tong isda na iihawin? Ganito nalang? Walang lasa." Sabi naman ni a8.
"Oh wengya kayo. Sa akin na naman kayo nakatingin." Si marco. Dahil siya pinakabata dapat siya ang gumawa ng paraan.
"Hoy bata. Kailangan mong gawan yan ng paraan." Sigaw ni a3 at nag tawanan sila sa itsura ni marco. Langyang lalaking to. Kalalaking tao nag pa-pout. Sarap paduguin ng nguso eh.
Nag lakad papunta sa dagat si marco matapos ang ilang minuto, may hawak pa siyang timba at nakita naming nilagyan niya yun ng tubig dagat tsaka siya bumalik.
"Hoy a9, anong gagawin mo dyan?" Curious na tanong ni a6 sakanya.
"Wala ka na don. Tumunganga ka na lang dyan. Maganda yan. Healthy, mabubusog ka pa." Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni marco. Pambihira. Ganda ng tanong nung kumag eh. Lagi na lang nilang kinakawawa si a6.
Pinanood namin ang ginawa ni marco sa isda nilubog niya yun sa tubig dagat at itinabi na muna. Napansin niyang nakatingin kaming lahat sakanya at halatang gusto mag tanong pero walang nag lakas ng loob dahil baka barahin na naman ang isa sa amin.
"Oh. Tapos na ba kayo pagpantasyahan ang kagwapuhan at kasexyhan ko?" Nag smirked pa ang p*ta. Sarap ilibing ng buhay eh.
Binato nila siya ng tsinelas pero nakailag naman ang gago. Tatawa tawa pa.
"Pero yung totoo a9. bakit mo binabad?" Tanong ni a6 na hindi nakapag pigil.
"Oo nga."
"Anong connect?"
"Diba madumi yung tubig?"
Lahat na sila nag tanong pwera ako. Di ko din alam eh. Bakit nga ba?
"Kasi ang tubig dagat ay ginagawa nilang asin. Para magkalasa yung isda, binabad dyan ni marco." Nakangiting sabi ni hanne sa amin.
"Love, pasok lang ako sa loob. I need to take a shower." Sabi ni hanne kay A1.
"Sama ako." Sinamaan siya ng tingin ni hanne kaya natawa lang si a1. At ang nangyari, ayun. Malamang naiwan si a1 sa amin. Ewan ko ba, napapasunod ni hanne yan. Siya lang ang sinusunod ni hanne. Pag kami ang nag utos kay dale. Naku. Baka bugbog sarado na kami sa halimaw na yan.
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Teen Fiction"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...