1♥♥♥ CRUSH

1.1K 24 2
  • Dedicated kay Billie Jean del Rosario
                                    


Hanne's pov

Masasabi mo ba sa sarili mo na okay ka nang patingin tingin ka nalang sakanya? Pasulyap sulyap, Pangiti-ngiti at patagong nag mamahal? Crush lang naman nung una. Pero lumalim ng lumalim. Sa tagal ng panahong nag sasama kayo, sino ba namang hindi? Eh halos parang housemate na nga kami ni Big Brother sa dalas naming pag sasama.

Para sa akin, masasabi kong di pa ako kuntento sa ganito. Kahit na lagi kaming mag kasama, sa iisang bahay pa nga minsan kung matulog, mag kasama kung saan man pumunta. Matagal tagal ko nang itinatago tong nararamdaman ko para sakanya. Kahit gustong gusto ko ng sabihin, hindi pa pwede at hindi ko pa kaya.

Nakita ko na naman sya. Bakit kaya ganun? Habang lumilipas ang araw, lalo siyang guma-gwapo sa paningin ko. Lalo siyang nagiging hot. Kapag nakikita ko siya kumpleto na araw ko. Kahit nga hindi na ko kumain buong araw, busog na busog na ako makita ko lang siya.*sigh*

Ang mga ngiting yun oh! Ang mga mapupungay niyang mata, matangos na ilong, kayumangging balat na napakakinis, yung kilay niyang may guhit(bad boy image eh), ang tangkad pa niya, yung buhok niya, kahit magulo ang lakas ng dating. Parang ang sarap isuklay nung kamay ko sa buhok niya. Minsan nga iniisip ko, baka shampoo ni Helga ang gamit niya. Kahit rugged-look siya, ang cool cool niya talaga tignan. (*¯︶¯*)

"Hoy hanne, pinag nanasahan mo na naman ng palihim yung kuya ko." Si helga, ang aking dakilang bestfriend.

"Grabe ka naman mag salita besty. Pinagnanasaan talaga ang term mo? tss. hindi ba pwedeng nag iimagine lang ako?" sabay pout ko sa harap niya.

"Babae, wag mo kong dinadaan daan sa pout mo ha. Hindi mo bagay, mukha kang pato. Trying hard! Yuck!" Naku tong si helga. kung di lang siya kapatid ng mahal ko. Napatay ko na to. Hehe. Syempre di ko kayang gawin yun. Bestfriend ko to eh.

"Aray naman bes! Masakit ka na talaga mag salita. Nasasaktan na ko! Tagos sa puso eh." Sinabi ko yan habang hawak ang aking dibdib sa bandang heart ko. Para may drama effect. Kumagat ka please! *crossfinger*

"Oo na! Joke lang naman yun. Ganda mo kaya. Tara na nga at late na tayo." sabay hila niya sa akin papunta sa classroom.

Sabi na nga ba tatalab na naman yun eh. Mehehehe. Ako nga pala si Hanne Angelise Romualde Tan, 17yrs old. 2nd year college student. Maliit akong babae, maputi, chinita, tahimik at mabait syempre. At higit sa lahat, MAGANDA AKO!!

"Hanne, bakit antagal mo? nauna ka pang umalis sa bahay ah?" Meet my kuya alex, Hans Alexander Tan. classmate ko siya ng ilang subject. Pareho lang naman course namin, Architecture! Graduating na si kuya, binabalikan lang niya talaga yung mga bagsak niya. Pareho sila ng mahal ko! Mas matanda lang siya ng 3 taon sa amin ni helga. Tapos si mahal ko 2 taon lang. Maka-mahal ko naman ako. Maaga kasi siya nag aral eh. Matalino kasi. Oh diba? Ganda ko noh? Wait, anong connect?

"Eh pano tinititigan nya na naman si ku-" tinakpan ko agad ang bibig ni helga. Talaga to, ilaglag daw ba ako kay kuya. Tss.

"Sino tinititigan mo hanne angelise?" ayan na nga ba sinasabi ko eh. Makapag react si kuya wagas na naman. Anyway, di ko naman siya masisisi. May usapan kasi kami nung bata pa ako. Nung nalaman niyang may crush ako at the age of 10. pffft.(anlandeko) Sabi niya pag nag 18 pa daw ako pwede mag boyfriend. As if naman mag boyfriend ako nung 10yrs old ako diba? Simula kasi nung 10 ako. crush ko na si mahal ko. Dati crush crush lang, ngayon ibang level na. Lumevel up na! Kaming dalawa na lang talaga ang hindi nag lelevel up. Grabe noh? 7yrs na pala akong may gusto sa lalaking yun.

"Hanne Angelise, nakikinig ka ba ha? May usapan tayo. Wag na wag mong kakalimutan yun. Blah blah blah blah.." Hindi ko namalayan na ang dami na palang sinasabi ni kuya kanina pa. Ganyan talaga si kuya. Masasanay din kayo sa pag ka-OA at pag ka-over protective niya. Him and he's silly agreement. Napailing na lang ako sa mga sinsabi ni kuya na di ko naman din pinapakinggan dahil paulit ulit lang. Kesyo, bata pa ako, mag graduate daw muna. Mag aral muna bago mag boyfriend. Kesyo madami na daw babaero ngayon kaya dapat siya daw pipili ng magiging boyfriend ko pag okay na akong mag paligaw. Yung mga ganun? Halos memorize ko na nga yung iba niyang sinasabi eh.

A Million Reasons To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon