27♥♥♥Meeting his friends

219 5 1
                                    

hanne's pov

Tanghali na, pero hanggang ngayon nandito pa din kami sa rest house ni dale. At hindi ko pa din maitanong sakanya kung ano ba talaga ang nangyayari.

Hindi ko pa makausap si helga dahil hanggang ngayon, shock pa din siya sa nangyari. Sino ba namang hindi diba? Makita mo ba namang papatayin na sana yung mahalagang tao sa buhay mo hindi ka ba matatakot sa ganun?

Halos hindi din ako nakatulog kagabi dahil na din siguro sa takot at sa dami ng iniisip. Kung anu-ano na lang talaga ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko naman masagot sagot kung ano mga yun. Ang gulo gulo na.

Tinignan ko si helga na nakaupo sa living room at nanunuod katabi si marco. Parang wala naman siya sa sarili niya habang nanunuod. Kasi mamaya maya, konting ingay o galaw mo lang, lilingon na siya. Nagiging alert siya ng wala sa oras.

Kung nasa maayos lang kami na sitwasyon, siguro natatawa na ako ngayon sakanya dahil sa itsura niya. Hindi ako sanay na makitang takot ang mukha ni helga. Matapang kasi yan eh. Ako lang naman ang matatakutin.

Nginitian ko siya ng konti at ganun din siya sa akin. Bumuntong hininga na lang ako ng manood na ulit si helga at di na ako pinansin. Kanina pa siya ganyan, hindi nag sasalita. Mas pinili niyang tumahimik na lang at nirerespeto namin yun.

Si dale naman, hindi ko makausap o malapitan kasi kaninang nag umaga na puro ang inaasikaso niya na lang ay ang cellphone niya. May kausap siya, may katext. Hindi ko alam pero basta, hindi siya maubusan ng mga kausap sa phone. Nasa may pool area siya ng bahay at ako naman andito sa may dining table ng pool area pero malayo siya sa amin.

Gusto ko sanang isipin kung babae yung kausap niya, pero mukhang hindi naman dahil stress na stress yung itsura niya at seryosong seryoso ang mukha. As usual mag kasalubong na naman ang kilay niya. Ang pinaka ayaw ko sa lahat.

Lahat kami ay hindi na nakatulog kanina dahil sa nangyari. Hindi ko lang alam kay helga. Pero ako, nag tulog tulugan na lang kanina habang yakap yakap ako ni dale.

Pero kahit puyat, nag luto ako ng umagahan namin. Si dale hindi pa kumakain pero kami tapos na. Kaya naman kumuha ako ng pagkain niya, para ibigay ko sakanya. Hindi pa kami nanananghalian at umagahan pa lang namin tong ibibigay ko sakanya.

Yung niluto ko kasing breakfast kanina. Hindi man lang naubos. Si helga naka-limang subo lang ata. Si marco naman nag coffee lang at nag sandwich. Si dale naman, coffee lang. Pero ako? Wala akong kinain. Kasi mas nawalan ako ng gana eh.

Nang makalapit ako sa pwesto ni dale. Huminto ako ng di kalayuan sakanya. Parang gusto ko lang may marinig kung anuman yung sasabihin niya sa kausap niya.

"No... Hindi pwede..... Ayoko silang madamay..... Just find who is it, and i'll deal with him......" Humihinto siya para pakinggan kung anuman yung sinasabi ng kausap niya sa kabilang linya.

" Yes, of course.... Okay A2..... Thank you, we'll wait you here...." Huling sabi ni dale sa kausap niya sa phone and he hung up. Napabuntong hininga pa siya. Kawawa naman ang love ko. Stress na stress na talaga. Alam ko naman kasing takot siya sa nangyari, Hindi lang niya sinasabi sa amin.

Nakatalikod siya sa akin at nakapamaywang habang nakaharap ang mukha niya sa taas ng langit. I hate seeing him like that. Ayoko siyang malungkot tignan o kaya naman ay problemado. Humakbang ako ng konti para tuluyang makalapit sakanya.

"Uh.. Hannes, kain ka na oh. Tapos na kaming kumain eh."Napalingon siya sa akin at ngumiti ng konti. Lalo tuloy akong nalungkot.

"Kanina ka pa ba dyan?" Bigla niyang tanong nung nilapag ko mga pagkain niya sa table.

"Hindi naman gaano. Hmm.. Halika na, you need to eat and relax yourself just for a while." Mukhang ayaw pa niyang lumapit sa akin.

Tinititigan niya lang ako. Nilapag ko muna yung hawak kong tray at lalapit na sana ako sakanya para hilain siya at kumain na, pero humakbang naman na siya papunta sa akin at bigla niya akong niyakap.

A Million Reasons To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon