50♥♥♥Pity him

211 5 0
                                    

What a great day today.. Papunta na kami ni dale sa hospital. Umuwi kasi kami kagabi nang malaman namin na kinaumagahan pa ilalabas ang babies sa nursery room at makikita si helga.

Kuya and others are on their way na din. Sinundo pa kasi ni kuya si ate jean.

Dale parked the car and he opened the door for me. He hold my hand at sabay kaming pumasok sa hospital.

"I hope helga is okay now." Mamaya maya ay nag salita si dale. Kanina pa kasi siya tahimik sa kotse. Pero hinayaan ko na lang dahil sobrang excited akong makita ang twin.

"She will be okay. Lalo na pag nakita niya na ang mga babies niya. Trust me. Iba yung pakiramdam." He chuckled at what i said.

"Kung makapag salita ka love parang may experience ka na." Pinalo ko siya sa braso. Tawanan daw ba ako.

"Eh yun ang mga nababasa ko sa mga novels eh at yun din sinabi ni mama kaninang umaga." Sabi kasi ni mama, nakakawala daw ng sakit at pagod pag nakita na ang anak nila. Ganun daw naramdaman niya sa amin ni kuya, lalo na at CS operation din siya noon katulad ni helga.

We stop at helga's hospital room. Nagkatinginan kami ni dale dahil naririnig na namin ang ingay sa loob. At pag pasok namin, lalo silang nag ingay. Good thing at presidential suite ang kinuha ni dale na room ni helga kaya kahit madami kami sa kwarto hindi kami nag sisiksikan.

Gising na si helga pag dating namin kaya nakipag kwentuhan kami sakanya. Kasama ko si ate jean, na kasama din ang little sister niya na si aira at kahit katabi namin siya sa bed ni helga. Nakatitig pa din siya sa mga boys na nakaupo sa sofa na nag kwekwentuhan, lalo na sa boyfriend ko. Psh.

"If looks could kill baka kanina pa namatay kapatid ko." I roll my eyes at ate jean. Sus. Mas selosa nga siya kesa sa akin eh. Kung siya nasa sitwasyon ko baka kanina pa niya natakot ang babaeng nag papantasya kay kuya.

Hinayaan ko na lang na tunawin ni aira ang mga boys. Atleast, hindi puro si dale ang tinititigan niya ngayon. Papalit palit na.

When someone knocked the door lahat kami tumahimik. Nakapwesto na din si helga na nakaupo. Sobrang nahihirapan siya dahil sobrang masakit daw at hindi din siya makatawa dahil gagalaw yung tiyan niya pero nung pumasok yung dalawang nurse na may buhat sa mga babies niya, parang nawala lahay ng pain sa mukha ng bestfriend ko. So totoo pala yung sinasabi ni mama.

Binuhat ni helga si baby boy at si marco naman kay baby girl. Marco sat beside helga at tinitigan nila ang mukha ng kambal. Jeez. I want to carry them.

Mukhang nasabi ko na naman yung nasa isip ko kaya tinignan ako ni helga at pinakarga sa akin si baby boy and dale stood behind me. He lean his chin on my shoulder at pareho naming tinitigan si baby boy. Dale poke his finger to baby boy's cheek at the baby smiled.

"Carry him love.." Mukhang nag alangan pa si dale ng sabihin ko yun. He shake his head and step back.

"Come on. Gusto ko niya oh." Pag pupumilit ko.

"I don't know... Baka malaglag ko siya.. I might hurt him.." I smiled at him pero binigay ko pa din si baby sakanya. Inalalayan ko siyang buhatin niya ng maayos and when he finally carry him para siyang nabunutan ng tinik.

Kinuha ko din si baby girl na hawak pa din ni marco at lumapit kay dale. Grabe, sobrang genuine yung ngiti ng boyfriend ko.

"Hey guys. I'm tito dale. Welcome to the family." He kiss the boy and the girl and then he kissed me. Nagulat pa ako sa ginawa niya and he just smirked at me. Tsansing!

"Wohoo!"

"Mga moves mo a1."

"Magawa nga yun sa susunod."

A Million Reasons To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon