#Dreamers (IM NOT JEALOUS!!)

25.2K 598 7
                                    

"Galit ka ba?" tanong ni drew habng naglalakad kami papunta sa room.

Humarap muna ako saknya bago ko sya tinaasan ng kilay "Bakit nman ako magagalit sayo?" mataray na sabi ko tsaka nako naglakad ulit.

"Siguro nagseselos ka?" Pa inosenteng tanong nya pero kung makangisi akala mo nman nanalo na sya.

"May dapat ba kung pagselosan?" simpleng sagot ko kahit ang totoo ay may pinagseselosan nga ako.

Ngumisi lang sya tsaka nya ko inakbayan "Marami" nakangising tanong nya.

Napatigil nman ako sa paglalakad ko tsaka ko sya hinarap ng naka cross arm.

"Sino nman?" kunot noong tanong ko, Pero imbis na sagutin nya ko ay tumawa lang sya yung tawang bihira nya lang pinapakita.

"Hahahaha...." pakiramdam ko ang mga tawa nya ang pinaka magandang musika narinig ko.

"Anung nakakatawa?!!!" naiiritang tanong ko, pero imbis na tumigil sya sa pagtawa nya ay mas lalo pa syang humalakhak.

"Napaghahalataan haha ka kasi haha..." natatawang sabi nya.

"Hindi nga ako nagseselos!!!" sa sobrang inis ko ay iniwan ko nLang sya dun bahala syang magmukhang tanga sa kakatawa dun.

Papasok na sana ako sa room ng may naramdaman akong yumakap sakin ng patalikod, Feeling ko lahat ng inis ko ay nawala nalang na parang bula.

"Sorry, Nagbibiro lang ako" Inalis ko yung pagkayakap nya sakin tsaka ko sya hinarap " Im not jealous!! " pagpapaalala ko saknya.

"Oh!?Really?" Natatawang sabi nya.

"Oo nga tsaka bat nman ako magseselos kung alam ko nmang akin ka lang" determinadong sabi ko.

"You think so?" nakangising sabi nya habng nilalapit ang mukha nya sakin.

"Uhuh" matapang na sabi ko.

Hahalikan ko sana sya ng may biglang umistorbo samin.

"Baka gusto nyong ituloy yang kasweetan nyong dalawa mamaya para makapasok kayo sa klase KO!!" sarkastikong sabi ng prof. Nmin.

"Im sorry..." Namumulang sabi ko, GOSH NAKAKAHIYA!!

Nakalimutan kong nasa school na pala kami at nasa mismong tapat na pala kami ng room namin.

Sinermonan muna kami ng prof. Nmin bago kami pinapasok sa room, Gaya ng dati nakatingin na nman sila saamin ni drew pero iba na ngayun dahil kung dati ay hindi kami nag iimikan sa room ngayun nman ay pinupuno ni drew ang tenga ko ng mga reklamo nya.

"Stupid prof."

"I will fire her"

Sa dami ng reklamo nya halos wala na kong maintindihan sa mga yun puro nalang mura kasi yung naririnig ko sknya.

"Shut up andrew!! Your abusing my ear!!" naiiritang sabi ko sabay irap.

Di nya ba alam na ang daming nakakarinig sa mga pinagsasabi nyang di kaaya aya.

Tumahimik nman sya nun pero di pa rin sya tumitigil sa kakabulong para syng ewan sa pinag gagawa nya.

Umiiling nalang ako habng umuupo sa gitna nila liro at shane na halos mamatay na sa kakatawa ngayun, Pano ba nman kasi kahit nakaupo na si drew sa upuan nya sa harapan nmin ay hindi pa rin sya tumitigil sa kakabulong.

Tiningnan ko ng masama sila liro at shane "What?" natatawang sabi ni liro.

"Stop laughing both of you!!" naiiritang sabi ko agad nman silang napatigil ng makita nilang seryoso ako.

Padabog naman akong sumandal sa upuan ko sabay crossarm, Yung prof. Nmin na tuloy tuloy lang sa kakadiscuss kaya di nya napapansing bulong ng bulong si drew at halos di kami nakikinig saknya.

"Shaira tingin ko kailangan mo ng ipatingin si andrew" natatawang sabi ni shane sakin pero diko sya pinansin dahil busy akong kakatingin sa baliw kung drew.

Haaaay! Nako anu kayang natira ng lalaking to.kanina tawa sya ng tawa ngayun nman bulong sya ng bulong.

Kung pwede ko lang patigilin yung prof. Nmin sa pagdidiscuss ay ginawa kona nag sasayang lang nman kasi sya ng oras kasi wala nmang nakikinig saknya kasi halos lahat ng atensyon na kay drew.

Sa diko alam na dahilan ay napatingin ako sa lalaking nakaupo malapit sa pinto at nahuli ko syang nakatingin din sakin.

Diko maintindihan kung anung ibig sabihin ng mga kakaibang tingin nya sakin pero isa lang ang alam ko parang gusto ko syang yakapin sa diko malamang dahilan.

Parang may iba akong naramdaman ng ngumiti sya sakin pakiramdam ko may gustong ipahiwatig ang mga ngiti nyang yun.

"Sinong tinitingnan mo?" Nawala ang atensyon ko sa lalaking yun ng kalabitin at tanungin ako ni shane.

"Huh?" Siguro kanina nya pa ako nahuhuling tulala at parang baliw na nakipagtitigan sa lalakin yun.

"Kanina pa kita napapansing tulala ok ka lang?" nag aalalang tanong nya.

Ang alam nya tulala lang ako at di nya napansing may iba akong tinitingnan.

Tumingin ako sa paligid ko halos lahat may sarili ng ginagawa diko na nga namalayang nagsusulat nalang ngayun ng leksyon ang prof. nmin at diko na rin napapansing nakatulog na pala sila liro drew.

"Oo ayos lang ako" sabi ko saknya bago ko ulit binalik ang tingin ko sa kinaroroonan ng lalaking yun.

Pero parang nabigo lang ako at parang pinagsisihan ko pang tumingin sa direksyon nya dahil wala na pala akong makikitang nakaupo dun.

Sa diko mapaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng lungkot at takot siguro namamalikmata lang ako kanina.

Tama shaira namamalikmata kalang!!

Namamalikmata nga lang ba ako?

******

Sino kaya yung lalaking yun?Ano sa tingin nyo guys?*-*

Pasensya na po dahil mas nauna ko pang na update ang chapter 18 kesa sa chap.17 ngayun ko lang po kasi nalaman na may mali akong ginawa.

Sorry po talaga tnx.

-Dream_Secetly ^_^

Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon