#Dreamers (I MISS HIM)

15.9K 315 1
                                    

Di na ko tumutol ng bigla nya kong hinalikan, Sa halip ay tinugon ko nalang yun ng puno ng pagmamahal.

Nakaramdam ako ng kakaibang init ng maramdaman ko ang mga kamay nya na humahaplos sa likod ko, Hanggang sa di ko na namalayang naihiga nya na pala ako sa kama nya.

"I miss you too......" bulong ko bago ko tuluyang pinaubaya ulit ang sarili ko sakanya.

00000---0000
"Drew?" tawag ko sakanya habang nakahiga sa dibdib nya.

"Hmmm..." Tanging sagot nya.

"Totoo ba yung sinabi mo kanina?" Tanong ko.

"Alin dun?"

Itinaas ko ang ulo ko para matingnan sya "Yung sinabi mo kanina na umalis kana sa pagiging mafia mo?" Gusto ko kasing makasigurado.

Ngumiti muna sya tsaka hinalikan ako sa noo bago sumagot "Oo" buong loob na sabi nya.

Bahagya akong napangiti tsaka inihiga ulit ang ulo ko sa dibdib nya "Bakit mo ginawa yun?" Nagtataka lang ako kung bakit nya iniwan ng ganun kadali ang grupong binuo nya.

"Kasi mahal kita" sabi nya tsaka Humigpit ang hawak nya sa kamay ko.

"Anung connection ng pagmamahal mo sakin sa pag alis mo sa mafia?" Wala namang problema sakin kung mafia boss sya O hindi basta nasa tabi ko lang sya at hindi sya mawawala sakin ayos na ko dun.

"Ayokong dumating ang araw na mapahamak ka dahil sakin, At gusto kong mabuhay tayo ng simple at mapayapa kasama ang mga magiging anak natin" Napangiti nalang ako ng palihim sa sagot nya.

Mas lalo nyang pinapatunayan saakin kung gaano nya ko kamahal at mas lalo nyang pinapatibok ang puso ko.

0000----0000

Dahan dahan kung hinalikan ang labi nya bago ako lumabas ng kwarto.

Gabi na kasi at hindi ko nasabi kela mommy na pupunta ako sa bahay ni drew kaya sigurado akong nag aalala na yung mga yun.

Bago ako lumabas ay pinuntahan ko muna sila kris at jin na chess naman ang nilalaro.

"Kris!Jin! Pakisabi nalang kay andrew na kailangan ko ng umuwi baka kasi hinhanap na ko saamin" Sabi ko na ikinabigla nila.

"A-Ah sige po" Sabay nilang sagot "Mag ingat po kayo sa pagddrive" Sabay ulit nilang sabi.

Nag nod nalang ako tsaka tinungo ang pinto, Palabas na ko ng may bigla akong naalala.

"Kris!! Jin!!!" Tawag ko sakanila.

"Bakit po boss?!!" Mabilis na sagot nila habang tumatakbo palapit sakin.

"Salamat sainyo" Nakangiting sabi ko na nagpakunot sa noo nila.

"Para saan po boss?" Takang tanong nila.

"Para sa hindi pag iwan kay andrew, At para sa pananatili sa tabi nya" Nakwento din kasi ni andrew sakin na umalis din sa mafia sila kris at jin dahil sa kagustuhan nilang maglingkod pa rin kay drew.

"Wala po yun boss, Maliit lang po na bagay yun kumpara sa mga bagay na ginawa ni boss saamin" Sabi ni kris "At mula po nung naging mafia kami kasama na po dun ang pangalagaan ang magiging boss namin hangga't kaya namin" Sabi naman ni jin.

"Salamat pa rin"Nakangiting sabi ko bago ako tuluyang umalis.

Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon