#Dreamers (REMEMBER THEM)

18.5K 351 2
                                    

Nakakalito po ba ang story ko?hahaxd sensya napo.

Sensya na po sa sobrang bagal kung mag update guys hirap po kasi ako sa connection.

Dream_Secretly^_^
-------------------
Tumigil kami sa kakatakbo ng mapagod na kami ng tuluyan, Ng ilibot ko ang buong paningin ko sa lugar ay napakapit agad ako sa braso ni kuya Dahil sa magkabilaang daan ay puro bangin na, Panu kung mahulog kami doon? Ang tanong na nagpapakaba saakin.

"Wag kang matakot shaira di kita hahayaang mahulog doon" Sabi ni kuya na parang alam ang nasa isip ko.

"A-Ayoko dito k-kuya natatakot ako!!" Nanginginig na sabi ko.

"Sige tara!!" Tatakbo na sana ulit kami ng biglang may humintong VAN sa harap namin.

Napaurong kami ng unti unting bumukas ang pinto at lumabas ang dalawang pamilyar na tao.

"Mga Apo bakit kayo nagpapa ulan asan ang mommy at daddy nyo?!!" Tanong ni lola pero di namin yun pinansin, Ng subukan naming tumakbo ay agad kaming hinawakan ng mga kasama nilang tauhan.

"BITAWAN NYO AKO!!!KUYA!!!". Pagpupumiglas ko ng pinaghiwalay kaming dalawa ni kuya.

"SHAIRA!!!" Pilit kung inaabot ang kamay ni kuya pero Pilit pa rin kaming pinaglalayo.

"Mga Apo tama na yan!!Umuwi na muna tayo!!" Sigaw ni lolo ng makapasok na ulit sila sa VAN.

"HINDI KAMI SASAMA SAINYO!!DI BA PINALAYAS NYO NA KAMI!!!!!" sigaw ni kuya ng pilit kaming pinapasok sa VAN.

"HINDI NYO ALAM ANG NANGYAYARI KAYA MAS MABUTI PANG SUMUNOD NA LANG KAYO SAAMIN!!! Biglang sigaw ni lola.

Tiningnan lang ako ni kuya na MAY TIWALA KA BA SAKIN? Look.

Tumango lang ako ng makuha ko ang ibig nyang sabihin.

Nagbilang ako sa isip ko ng 1.2.3. Sabay kagat sa kamay ng lalaking may hawak sakin ganun din naman ang ginawa ni kuya At ng bitawan na nila kami ay agad na kaming tumakbo palayo.

"CHARLIE!!!!SHAIRA!!!" Tawag nila lola saamin pero di namin sila pinansin bagkus ay nagtuloy tuloy lang kami sa pagtakbo.

Hindi kami tumigil sa pagtakbo kahit nararamdaman naming sumusunod pa rin ang VAN nila lola saamin.

Ng may nakita kaming sasakyan na dumaraan ay agad naming pinara ito, at nagbabakasakaling makalayo kami sa lugar na yun pero hindi na kami natuloy ng makilala namin ang taong nagmamaneho nun.

Pursigido ang mga mata nya na patayin kami at lalong bumilis ang takbo ng sasakyan nya palapit saamin.

Naramdaman ko rin ang mahigpit na paghawak ni kuya sa kamay ko, Ng tingnan ko naman sya ay parang kalmado at naghihintay lang sya ng mga susunod pang mangyayari.

Napapikit ako ng malapit na malapit na saamin ang sasakyan ni tito leo hanggang sa naramdaman ko nalang na may tumulak saakin na naging dahilan ng pagkauntog ko sa isang bato.

Matagal akong nakapikit at nakahawak sa ulo ko, Parang lahat ng alaala ko umiikot lahat sa ulo ko.

"Shaira apo!!" narinig ko ang pamilyar na boses na yun ngunit wala akong lakas para tignan at kilalanin yun. "Diyos ko!!!Asan si charlie?!!Hanapin nyo si charlie!!!" natatarantang sabi nya.

Wala na akong nagawa ng tuluyan na akong balutin ng dilim at pagkahilong nadarama ko.

"S-Shaira.......A-Andito lang A-Ako........hanggang sa.......g-gumising........ka-kana". Naririnig ko na naman ang boses ni drew.

Hinahanap ko sya pero di ko sya mahanap, pilit kung sinisigaw ang pangalan nya pero wala ni isang boses ang lumabas sa bibig ko.

Nagising ako sa di pamilyar na kwarto at di pamilyar na mga tao "G-Gising na sya!!!" sigaw ng babaeng di naman katandaan tsaka hinimas himas ang buhok ko "S-Salamat sa diyos at L-Ligtas" Naluluhang sabi nya.

"S-Sino po k-kayo?" Takang tanong ko.

Nagkatinginan lang silang lahat na parang nagulat sa tanong ko.

Naguguluhan ako, Sino nga ba ako?May pangalan ba ako?kung meron anu naman yun?kilala ko ba ang mga tao sa harapan ko?bakit wala akong matandaan?Anu bang nangyari saakin?Napahawak ako sa ulo ko ng bigla itong sumakit siguro dahil sa pilit kung inaalala ang lahat.

"Ayos ka lang shaira?" nag aalalang tanong nung babae "Hindi mo na ba kami natatandaan anak?Ako ito ang mommy mo" Pagpapakilala nya.

Tiningnan ko lang sya tsaka umiling.

Wala akong matandaan dahil sa pagkakauntog ko sa bato pero ngayun malinaw na lahat saakin.

Isa akong Delgado hindi isang Perez.

Naalala ko na lahat mula pagkabata ko hanggang sa mawalan ako ng alaala.

Pero bakit ito inilihim nila mommy?Paano nya nasikmurang tumira kami kasama ang lalaking muntik na kaming patayin?Bakit ngayun lang nagpakita ulit sila kuya at daddy?At anu ba talagang nangyari noon?Ang dami kung tanong sa isipan ko ngayun na alam kung sobra sobra pa sa sagot ang makukuha ko.

Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon