Read this my dreamers thank you.
000--000
Ilang minuto pa kaming nagusap ni ate sa kusina bago namin pinuntahan ang mga bata sa garden.
Naabutan namin silang naglalaro at masayang nagtatawanan, Lalo na sila charmaine at andrei hindi mo talaga mapagkakailang malapit na sila sa isa't isa kahit bata palang sila.
Kung andito lang sana sila liro at ang anak nilang si valerie ay baka mas masaya dito sa mansyon, Pag magkakasama kasi silang tatlo ay tiyak may paligsahan na ng palakasan ng tawa O iyak sa mansyon na to.
Lumapit kami sakanila dala ang mga pagkaing dala namin "Wala ba kayong pasok ngayun?" Tanong ni ate cha habang sinusubuan ng lugaw si charmaine.
Nagkatinginan naman ang dalawa at parang nagtutulakan pa kung sino ang sasagot "Umabsent na naman kayo noh?!" Nakataas ang kilay na sabat ko.
Nagiwas lang sila ng tingin na parang may tinataguan O tinatakasan na kung anu, at Naniniwala ako sa kasabihang Silent means YES.
"Tsk, Napakasutil nyo talaga!Lalo kana monique baka dipa nakakatungtong dito ang mommy mo pinapainit mo na ang ulo nya!! At ikaw naman renante gusto mo bang isumbong kita sa lola mo?! Gusto mo bang umuwi yun dito ng hindi pa panahon?!!" Sermon ni ate sa dalawa, Tahimik lang ako at nakikinig sakanya Hanggat maaari kasi ayokong punuin sila monique sa sermon baka kasi magrebelde sila kapag dalawa kami ni ate ang galit.
Tiningnan ko sila monique na tahimik lang at pinapakinggan si ate, Kahit naman ako siguro magagalit sakanila dahil twice a week ata sila kung umabsent diko naman malaman ang dahilan dahil di naman sila nagkkwento, Hindi rin naman kami makapunta sa school dahil walang magbabantay sa mga bata.
"Sorry po, Hindi na po mauulit ate" Sagot ni renante, 7 months ng nagttrabaho ang lola ni renante bilang supervisor ng ilang hotels namin sa manila, Matagal na kasi itong naninilbihan sa pamilya namin tutal nakagraduate naman ito ng college Hindi nga lang nya nagamit ang kaalaman nya dahil nakulong sya sa mansyon at probinsya namin bilang Mayordoma, Bata palang kasi ang lola nya ng magsimula itong magtrabaho sa mama at papa ni dad At ayaw na syang pakawalan ng mga ito hindi rin naman sya makatanggi dahil sa utang na loob nya sakanila.
"Dapat lang renante dahil kawawa ang lola mo kung magloloko ka at kung may problema kayo dapat sabihin nyo yun saamin!" Sagot ni ate sabay tingin ng diretso kay monique "May problema ba kayo monique?!" Tiningnan lang kami ni monique ilang sandali bago umiling iling.
"Wala po." Simpleng sagot naman nya.
Pagkatapos nun ay nagsimula na ang isang nakakatakot na katahimikan, Pakiramdam ko nga pati ang mga bata ay naiilang ng gumawa ng kahit anung ingay.
Bumuntong hininga nalang ako at tinuloy ang pagpapakain kay andrei ganun din naman ang ginawa ni ate, Hanggang sa lumapit samin si rizza isa sa maid namin.
"Señora may tawag po kayo sa telepono" Sabi nya sakin.
Tumango nalang ako tsaka binigay sakanya ang pagkain ni andrei para sya nalang muna ang magpakain "Dito ka muna kay andrei" Sabi ko kay rizza bago ako pumasok sa loob.
Umupo ako sa sofa at kinuha ang telepono sa side table nito sabay tapat sa tenga ko (Shaira delgado speaking!)sabi ko sa kabilang linya.
(Hey! it's me.....) Isang mahinahong boses ang sumagot, Boses ng taong tumulong sakin at sa hacienda namin.
(Geof.....) Nakangiting banggit ko sa pangalan nya.
Narinig ko ang kunting bungisngis nya sa kabilang linya bago sya nagsalita (Yeah! The one and only) Sabi nya.
BINABASA MO ANG
Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)
Teen FictionHi xxbamchuxx :)) thank you very much for the cover photo. Masaya akong nakilala kita :) Paano kung ang magulong mundo ni Shaira ay lalong gugulo kapag nakilala niya ang isang Andrew Alcantara. Ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. Matatanggap...