#Dreamers (TRY TO BE HAPPY)

15.6K 279 0
                                    

Hapon na nung niyaya ko si charles sa park, Ilang linggo na rin kasi akong nagkukulong sa kwarto ko.

Pakiramdam ko nga mas nararamdaman ko pa ang sakit tuwing nag iisa ako at tuwing nasa kwarto lang ako.

Nahihiya na nga ako kela liro at vanessa kasi imbis na sila ang asikasuhin ko sila pa ang nag aasikaso sakin.

Tiningnan ko si charles sa tabi ko, Kakarating lang namin dito sa park kaya umupo muna kami sa isang bench dito "Gusto mo ba ng ice cream charles?" Tanong ko na ikinaliwanag ng mukha nya.

"Yes tita, I want chocolate" Tuwang tuwang sabi nya.

Napangiti lang ako tsaka bahagyang kinurot ang pisngi nya "Tara!!" sabi ko sabay lakad palapit sa nagtitinda ng ice cream.

Agad ko ng ibinili ng ice cream si charles paglapit namin kay manong ice cream, Tuwang tuwa naman sya ng makuha na nya ang ice cream nya.

"Ang cute naman ng anak mo iha?" Nakangiting sabi ni manong.

Sinulyapan ko muna si charles na nakikipaglaro na ngayun sa ibang bata bago ko hinarap ulit si manong "Naku!Manong hindi ko po sya anak, Pamangkin ko lang po si charles" Umiiling na sabi ko.

"Ay!Ganun ba?Pasensya na ha?Para kasi kayong mag ina?" Nagkakamot ng batok na sabi nya.

Natawa nalang ako tsaka ulit nagsalita "Ok lang po manong, Hayaan nyo po kapag nanganak na ko dadalhin ko po sya dito" Nakangiting sabi ko sabay haplos sa di ko pa kalakihang tiyan.

"Buntis ka pala iha?Naku! Magandang balita yan ah?!" Nakangiting sabi nya.

"Oo nga po eh!Napakasaya ko!!" Sabi ko naman.

"Nga pala?Asan ang asawa mo?" Biglang Tanong nya na nagpatigil sakin.

Hanggang dito ba naman?Hinahabol ako ng mga alaala mo drew?Pwede bang kahit isang araw lang mawala ka muna sa isipan ko?At sana pati sa puso ko.

"A-Ah aalis na p-po muna ako m-manong?S-Sige po?........." Pag iwas ko sabay lakad palayo.

"Nga pala iha?!!Ako nga pala si ben!!!Manong ben!!!" Pahabol nya.

Sandali ko lang syang tiningnan tsaka nginitian "Ako naman po si shaira!!!" Gusto kung lumayo!!Gusto kung malayo muna kay drew at sa lahat ng sakit.

Kahit alam ko na kahit anung layo ko sakanya may magdudugtong at may magdudugtong pa rin saamin.

yun ay ang anak namin....

Pano ko sya makakalimutan kung bawat lugar na puntahan ko may nagpapaalala sakin tungkol sakanya.

"Tita are you ok?" Nag aalalang tanong ni charles.

Ngumiti lang ako tsaka tumango "Yeah! Bumalik kana muna dun sa mga kalaro mo" Sabi ko sakanya.

"But--"

"--Sige na charles please?Ok lang ako dito" Pagsisigurado ko.

Tumango nalang sya tsaka bumalik ulit sa mga kalaro nya, Kinawayan ko nalang sya ng sinulyapan nya ko sandali.

Haaay! Pwede bang matahimik ako kahit sandali lang?!!Hindi ganito ang inaasahan kung mangyayari sa pagpunta namin ni charles dito, Gusto ko lang naman makabawi sakanya at mapasaya sya para naman mapakita ko sakanya na importante sya sakin.

Napahilamos ako ng mukha ng medyo nahihilo na naman ako.

Hindi naman ako napagod pero nakakaramdam ako ng ganitong hilo.

'Baby wag mo namang pahirapan si mommy ng ganito, Behave ka lang dyan ok?Hayaan mo hindi ako magpapagod ng husto para sayo' Bulong ko habang nakatingin sa hinahaplos kung tiyan.

Napapikit ako ng humangin ng malakas, Namiss ko tong sariwang hangin na matagal tagal ko na ring di nalalanghap.

"Kamusta na shaira?" Rinig kung sabi ng pamilyar na boses.

"Anung sa tingin mo?" sabi ko ng di tumitingin sakanya.

"Half?" Sabi nya na nagpakunot ng noo ko.

"Anung half?" Tanong ko.

"Kalahating masaya!Kalahating malungkot!" Nakangiting sabi nya.

Umiling iling nalang ako habang Napapangiti sakanya. "Sira ka talaga geof!!" Natatawang sabi ko sabay hampas sa braso nya.

Nasasanay na rin ako sa presensya ni geof, Parati kasi syang pumupunta sa bahay at sya na rin ang nagdadala ng mga sariwang prutas samin ni vanessa.

Sya nga lang ang nagtatagal sa kasungitan namin ni vanessa, Minsan kasi nagwawalk out lang sila ate at kuya tuwing nagsusungit kami pati si liro lumalayo samin kapag nagsalubong na ang mga kilay namin ni vanessa.

"Hapon na ah?Di pa ba kayo uuwi?" Pag iiba nya ng usapan.

"Hmmm" Tiningnan ko ang suot kung wristwatch, 3:00 palang naman "30 minutes" Sabi ko sabay tingin kay charles na tuwang tuwa pa sa paglalaro.

"Bukas na ang check up mo diba?" Doctor nga pala si geof kaya sya na ang kinuha namin ni vanessa para obserbahan ang pagbubuntis namin.

"Oo, bakit?" Magkaiba kami ng check up schedule ni vanessa, Kaninang umaga yung kanya bukas naman yung saakin.

"Wala!!" Umiiling na sabi nya "Akala ko kasi nakalimutan mo na" Sabi naman nya.

"Panu ko naman makakalimutan yun eh importante yun para sa baby ko" Kailangan yun ng baby ko para safe sya, At para masigurado ko na malakas at malusog sya paglabas.

Tiningnan ko sya ng dina nya ako sinagot, Natahimik nalang sya bigla at nakatingin ng diretso sa harap nya. "Natahimik ka ata?" kahit sandali lang kaming nagkakilala ay agad ko na syang nakabisado, Tulad nalang ngayun alam ko ng may gusto syang sabihin sakin.

"Shai kasi?" Hindi na muna ako ngsalita, Hinintay ko lang syang magsalita ulit " S-Si andrew at s-shane ka---" Hindi ko na sya pintapos magsalita at agad na kong tumayo.

"Ayoko ng marinig pa ang pangalan nila!!Wag nalang natin silang pag usapan!!" Pag iwas ko.

"CHARLES UWI NA TAYO!!!" Tawag ko kay charles tsaka ko sya hinintay na makalapit sakin bago kami sabay na naglakad papunta sa bahay.

"Im sorry shai?Di ko alam" Sabi nya habang sumasabay sa paglalakad namin ni charles.

"Ayos lang, Di mo naman sinasadya" Sabi ko.

Nagtuloy tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa bahay.

"Tita balik tayo ulit dun ha?" sabi ni charles pagpasok namin sa kwarto nya.

"Sure!!" Nakangiting sabi ko tsaka ko sya inamoy amoy "Pero sa ngayun maligo ka muna dahil ang asim asim muna!!!" Sabi ko habang kinikiliti sya.

"Hahaha M-Maliligo na haha po ako hahaha....." Hinayaan ko na sya ng tumakbo na sya papasok sa CR dito sa kwarto nya.

"Charles bababa muna ako ha?!!Sumunod ka nalang pag tapos kana!!!" Nasa baba pa pala si geof, Gusto ko pa namang kumain ng prutas na dala nya.

"Opo!!!" Sagot nya saktong palabas na ko sa kwarto nya.

To be continue......

Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon