Nakatingin lang ako sa kotseng yun, Pakiramdam ko kasi kilala ko ang nakasakay doon tsaka parang yun yung kotseng parati kung nakikitang nakasunod sakin.
Ilang minuto akong nakatitig lang doon hanggang sa subukan kung lumapit sa kotse kahit medyo delikado, Palapit na ko ng palapit sa kotse kahit medyo kinakabahan nako pero lahat ng kaba na yun ay napalitan na ng takot ng bigla akong natapilok hindi ko kasi napansin ang bato sa dinadaanan ko.
Hindi ko na napansin ang pagkabigla ko dahil sa pag aalala sa bata na nasa sinapupunan ko, Nakaramdam ako ng kirot sa paa ng tinangka ko itong galawin At salamat din sa diyos dahil wala akong naramdamang masakit sa bandang tiyan ko.
"Sh*t!!" Nagulat ako ng may narinig akong pamilyar na boses sa tabi ko at tinulungan akong makatayo.
"A-Aaah-r-raaaay!!!" Reklamo ko ng Maitayo nya na ako, Diko kayang maglakad lalo na injured ang isa kung paa at nanlalambot naman ang isa kaya no choice sya kundi ang buhatin ako.
"W-What are you doing here?!!" Tanong ko ng makita ko ang itsura nya at ng masigurado ko na sya nga ang lalaking ito.
"N-Napadaan lang" Sagot nya.
Sandali lang kaming nagkatitigan pero ako na agad umiwas ng tingin, Diretso lang ang tingin ko sa daan habang nararamdaman ko ang hininga nya sa bandang pisngi ko.
"Paki baba nalang ako sa harap ng gate namin" Pakiusap ko na hindi nya pinansin.
"Parang bumigat ka ata haha" biro nya na ikinangiti ko "Parang tumataba ka na rin" Dagdag nya.
"Masarap kasing kumain" Palusot ko, Buntis kaya ako kaya medyo lumaki rin ang katawan ko haha pero masaya ako na nakausap ko sya ngayun, Kahit ito na ang huli hindi ko makakalimutan ang araw na to.
"Kamusta kana?" Tanong nya na nagpatigil sakin.
Dahan dahan nya akong ibinaba at pinaupo sa Bench sa gilid ng bahay namin.
"Ok lang, Ikaw?" Tiningnan ko lang sya habang diretso lang ang tingin nya sa harapan.
"Mabuti naman" Tiningnan nya lang ako tsaka nginitian "Balita ko aalis ka daw?" Seryosong tanong nya.
"Oo"Simpleng sagot ko tsaka tiningnan sya ng diretso sa mata "Siguro ang pag alis ko ang pinaka magandang magagawa ko nalang para sa sarili ko" Para makaiwas sa mga sakit na hanggang ngayun nararamdaman ko.
"Im sorry...." Ngumiti lang ako tsaka umiling iling.
"Hindi, Wala kang kasalanan!" Tumingin ako sa langit at pinagmasdan nalang ang mga bituin "Ito siguro ang nakatadhana saatin" Ang maghiwalay at mabuhay ng magkalayo.
Binalik ko ulit ang tingin ko sakanya tsaka pinunasan ang kaunting luhang umaagos sa pisngi nya "Sana magkita tayo ulit" Nakangiting sabi ko.
Hindi nya ko sinagot ng mga panahong yun, Niyakap nya lang ako ng mahigpit at hinalikan ako sa tuktok ng buhok ko.
Hindi ko alam kung bakit nya to ginagawa pero masaya ako dahil sa pagpaparamdam nya na importante pa rin ako sakanya kahit ngayun lang.
Hindi ko na nabilang kung gano kami katagal sa pwestong yun bago sya kumalas at pinagdikit ang mga noo namin.
"Magkikita tayo ulit pangako....." Napahikbi lang ako sa bulong nya lalo na nung paulanan nya ko ng halik sa labi.
Nung oras na nagdikit ang mga labi namin ay nakalimutan kung may problema pala kami at ikakasal na sya bukas, Pero sandali lang yun ng biglang pumasok sa isipan ko ang larawan nila habang kinakasal sa simbahan.
Inilayo ko ang sarili ko sakanya kaya halata sa expression ng mukha nya ang pagkagulat "I-Ikakasal kana b-bukas!" Pagiwas ko dito "U-Umalis kana d-drew!" Luhaang sabi ko.
"S-Shaira......" Umatras ako ng binalak nyang lumapit sakin.
"U-UMALIS K-KANA!!!" May hinanakit na sigaw ko.
Kahit anung taboy ang ginawa ko sakanya ay dipa rin sya natinag bagkus ay niyakap nya lang ako ng mahigpit at binlewala ang pagpupumiglas ko sa yakap nya.
"A-Ano ba d-drew!!!" Pagpupumiglas ko.
"P-Please shaira k-kahit ito l-lang?....." Pakiusap nya na nagpahinto sakin sa pagpupumiglas "K-Kapag wala ka na h-hindi ko na m-magagawa 'to s-sayo....." Napapikit nalang ako at hinayaan syang yakapin ako.
Tama naman kasi sya kapag wala na ako hindi na nya ako mayayakap at makakausap!Hindi ko na rin mararamdaman ang presensya at yakap nya.
"Ate?!!" Tawag ng isang pamilyar na boses ang nagpahiwalay samin.
"Renante?!!Anung ginagawa mo dito?!" Akala ko ba umalis na sila?!Bat andito pa sya?!!.
"Nagpaiwan po ako dito para may makasama kayo sa byahe!, tsaka Pumasok na po kayo ate sa loob kanina ko pa po kayo hinihintay!!" Sabi nya ng may masamang tingin na itinapon kay andrew.
Sinulyapan ko muna si andrew bago tinanguan si renante "Tulungan mo muna akong makatayo dito?May injured kasi ako sa paa!" Sabi ko na agad din naman nyang sinunod.
Papasok na kami sa gate ng biglang magsalita si andrew "Ayos lang ba talaga ang paa mo?" Concern na tanong nya.
"OO!AYOS LANG SI ATE KAYA UMALIS KA NA RIN DITO!!!TUTAL KASALANAN MO RIN NAMAN LAHAT NG NANGYAYARI NGAYUN!!!" Sigaw ni renante na ikinagulat ko.
"Renante....." Pagsuway ko saknya "Ipasok muna ako sa loob please....." Hindi ko inaasahang kaya nyang magsalita ng ganun?!!!At parang ang laki ng galit nya kay andrew.
BINABASA MO ANG
Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)
Novela JuvenilHi xxbamchuxx :)) thank you very much for the cover photo. Masaya akong nakilala kita :) Paano kung ang magulong mundo ni Shaira ay lalong gugulo kapag nakilala niya ang isang Andrew Alcantara. Ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. Matatanggap...