#Dreamers (I HATE HIM)

16.4K 340 4
                                    

Nakabusangot akong bumaba sa hagdan papunta sa sala namin kung saan andun sila mommy.

"Oh Shai malayo pa ang biyernes santo ah!!!Bat ganyan mukha mo?!!!" Sabi ni ate cha habang ngumunguya ng pop corn nasa tabi naman nya sila kuya at charles.

"Oo nga anak may problema ba?" Tanong din naman ni mom.

"Gutom ka ba joy?" Tanong din naman ni dad.

Umiling iling nalang ako sabay upo sa tabi nila mommy at daddy "Si Andrew po kasi eh!!!Ilang buwan na syang di nagpaparamdam!!" Pagsusumbong ko.

"Baka busy shai" Sabi ni kuya habang kumakain din ng pop corn.

"Kahit na kuya dapat tinitxt nya ko o tinatawagan man lang!!!" Inis na sabi ko.

Higit Isa't kalahating buwan atang di nagpaparamdam si andrew sakin eh!!!At naiinis na talaga ako sakanya nasira ko na nga cp ko dahil sa inis ko sakanya tuwing di ko sya macontact.

"Kayo ba?" wala sa sariling tanong ni ate cha na nagpatigil saakin.

Kami ba?Bakit nga pala ako umaaktong may responsibilidad saakin si andrew?Masyado ba akong nag aasume.

"Basta!!!E-Ewan!!!B-Basta may kasalanan sya sakin!!!" Matatag na sabi ko sabay takbo paakyat ulit sa kwarto ko.

"HOY SHAIRA!!!SAN KA PUPUNTA?!!"

"SHAIRA NILOLOKO LANG KITA?!!!"

Hindi ko na pinansin ang pagtawag nila saakin, At  Nagtuloy tuloy lang ako sa pagtakbo.

Argggggh nakakainis ka talaga andrew alcantara!!!!!!Bwisiiiiiiiit!!!Humanda ka sakin kapag nagkita tayo!!!!!.

00000----0000

Hapon na nung napagpasyahan kong pumunta sa bahay nya at nagbakasakaling andun sya.

Pagpasok ko sa bahay nya ay naabutan ko agad sila kris at jin dun na naglalaro ng cards So ibig sabihin andito ang loko.

"Boss shaira kanina pa po kayo andyan?" Tanong ni jin ng mapansin ako.

"Halika po kayo boss sali ka sa laro namin?!!" Sabi naman ni kris.

Ngumiti lang ako bago lumapit sakanila "Kamusta.na.kayo?!!!" Nakangiting demonyong sabi ko sabay pingot sa tenga nila.

"Ahhhhhh a-aray!!!!"

"Ahhhhhh M-Mashakit!!!"

"Awwww T-Tama na!!!!"

"Ahhhh s-sorryyyy na bosshh!!!!"

Naiinis ko pa ring binitiwan ang mga tenga nila tsaka ko naman sila pinagsasapok "Walangya kayo!!!Ilang beses ko na kayong tinatawagan tapos di nyo man lang ako sinasagot!!!Asan ang magaling nyong amo?!!!!" Nanggagaliiti sa galit na sabi ko.

"N-Nasa kwarto poooo" Nakahawak sa tengang sabi ni kris.

Sinapok naman sya ni jin "Tanga!!! bat mo sinabi?!!!" Tiningnan ko lang ng masama si jin at ang loko ng iwas lang ng tingin.

"Kesa naman mamatay tayo dito!!!" Sigaw ni kris.

"Ewan ko sainyo!!!" Sigaw ko sakanila ng magsimula na silang mag away.

Nagsimula na kong naglakad papunta sa kwarto ni drew at walang katok katok na pumasok dun.

Hindi ko alam kung anung gagawin ko ng maabutan ko si drew na sarap na sarap sa tulog sa kama nya, Samantalang ako halos dina makatulog at mapakali sa pag aalala sakanya.

Pakiramdam ko pumunta sakin lahat ng init sa pilipinas, Umuusok na nga ata ako galit ngayun, Pilit kung pinipigilan ang sarili ko na magwala dito pero mas malakas pa rin talaga ang galit ko na matagal ng gustong lumabas.

Dahan dahan kung kinuha ang unan sa tabi nya at nagbilang sa isip ko ng 1 2 3 bago ko.......

"WALANGHIYA KA!!HALOS DI NA KO MAKATULOG SA PAG AALALA SAYO TAPOS MAAABUTAN KITA RITO NA ANG SARAP SARAP NG TULOG!!!!BWISIIIIT!!!"  Sigaw ko na ikinabigla nya, Isabay mo pa ang paghampas ko sakanya ng unan.

"SH*T!!!" Mura nya ng bigla syang mahulog sa kama nya, Tingin ko di nya pa alam kung sino tong taong sumira sa tulog nya.

"MINUMURA MO BA AKO ANDREW ALCANTARA?!!!!" Nanlalaking matang sigaw ko ng bigla syang napatigil ng makita ako.

"Shaira?" Di makapaniwalang sabi nya "What are you doing here?" kunot noong tanong nya.

Sa tagal naming di nagkita yan lang ang sasabihin nya "SO,Hindi ka natutuwang andito ako?!!!" Naka cross arm na sabi ko.

"H-Hindi noh!!!!Tuwang tuwa nga ako eh!!!" Nagkakamot sa batok na sabi nya "I miss you" Umurong ako ng akmang yayakapin nya ko.

"Miss mong mukha mo!!!Pagkatapos mong di magpakita sakin ng ilang buwan!!!" Taas kilay na sabi ko.

"Sorry....May importante lang akong ginawa" Malambing na sabi nya, Ng maramdaman kung bibigay na ko sa malambing na tono ng boses nya ay agad na kong tumalikod.

"Mas importante sakin?..." Napapikit ako ng maramdaman kung niyakap nya ko patalikod.

"Sorry na...." Di ko na napigilang bumigay ng bigla nya kong iharap sakanya.

Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon