"Watever!!" pairap na bulong ko.
"Anung ningingiti ngiti mo dyan?!!" Nakangusong tanong ko kay drew.
Umiling lang sya tsaka nya pinagsaklop ang palad namin "Nothing, Hindi pa rin ako makapaniwala na may ganyan ka palang side" Natatawang sabi nya.
Inirapan ko nalang sya at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
Ng makarating na kami sa venue ay di na ko nagtaka ng paulanan kami ng mga tanong at reklamo ng mga bisita namin.
Buti nalang alerto ang mga bodyguards ni drew dahil kung hindi baka dina matuloy tong party na pinaghirapan ni rachel, Naku! Isipin ko palang yung mga tingin nya parang may sumasakal na sa leeg ko.
"You ok?" Tanong nya ng makalayo na kami sa mga nagkakagulong bisita.
"Yeah" Tumatangong sabi ko.
"MAGANDANG MAGANDANG GABI MGA NAG GWAGWAPUHAN AT NAGGAGANDAHANG GINOO AT BINIBINI NA NARIRITO!!!!" sabay kaming napatingin sa emcee ng magsalita ito, Naayos na rin ang gulo kanina dahil sa tulong ng mga kasama ni rachel. "HINDI NAMAN PO SIGURO LINGID SAINYONG KAALAMAN KUNG PARA SAAN PO ITONG MUNTING PAGDIRIWANG NA PINAGSASALUHAN NATIN NGAYUN!!!!!" Pinaupo na kami ng assistant ni rachel sa dalawang upuan sa gitna na sa tingin ko ay para talaga saamin.
Ng binati kami ng emcee ay sunod namang bumati saamin ang mga bisita, Buti nalang at hindi na sila nagkagulo.
"ALAM KO PO NA MEDYO NAINIP KAYO SA KAKAANTAY NA MAG UMPISA NA PO ANG PAGDIRIWANG NA ITO KAYA HINDI KO NA PO MASYADONG EEXPOSE ANG BEAUTY KO HAHA JOKE LANG PO!!!" Naghiyawan lang ang mga bisita at pumalakpak bilang pagsang ayon sa sinasabi nya "OK!!MAGSIMULA NA PO TAYO!!!!BY THE WAY AKO NGA PALA SI ALICE REYES the beutiful and sexy emcee THE WHOLE WORLD HAHA THANK YOU AND WELCOME TO ALCANTARA AND PEREZ MERGING OF COMPANY ENGAGEMENT PARTY!!!"(Tama po ba hahaxd sensya po sa pagiging trying hard ko xd) Nakisabay nako sa palakpakan ng mga bisita pagkabow na pagkabow ni alice.
Kasabay din pala ng engagement party namin ang ang pagbabalita sa buong bussiness world ang merging ng mga company ng pamilya namin.
Well, Di ko naman sila masisisi kung gagawin nila yun after all pampasalba lang naman ako ng company ni daddy at yun lang ang silbi ng buhay ko para sakanya.
Akala ko pa naman kapag natulungan ko syang masalba ang pinakamamahal nyang kumpanya ay mararamdaman ko na ang pagmamahal nya pero habang tumatagal mas lalo syang napapalayo sakin.
"Shaira?...." Buti pa si andrew napapakita sakin kung gaano ako kaimportanteng tao "May problema ba?kanina ka pa tulala?" Nag aalalang tanong nya sabay hawak sa kamay ko.
Umiling lang ako tsaka ngumiti, Sana di na matapos 'tong mga araw na magkasama kami.
"Pwede ba tayong pumunta sa table nila shane at liro?Namimiss ko na kasi yung dalawang yun" Matagal tagal na rin kaming hindi nakakapag usap.
"Sure!!!" Pangsang ayon nya tsaka ako inilalayang tumayo.
Hindi pa nga kami nakakalapit sa table nila ay kumaway na agad si shane kaya napansin na rin kami ng mga katable nya.
"Kamusta honeymoon?" salubong agad ni shane na syang kinapula ng pisngi ko.
"Sira!!" namumulang sabi ko na tinawanan lang nya pati na rin ni liro at ng dalawang kasama nila na di ko pa kilala.
"Tumigil na nga kayo sa kakatawa!!Nakakahiya sa mga kasama nyo!!" Grabe! Diko pa nga kilala kung sino tong dalawang kasama nila tapos pagtatawanan pa nila ako. Nakakahiya!!
"Ok! Ok! by the way shaira" Natatawang sabi ni liro "This is vanessa" turo nya sa babaeng chinitang katabi nya "And Geof" turo naman nya sa katabing meztisong lalaki ni shane "Our Date hahaha....." Masayang sabi nya tsaka tumawa ulit.
Nagpout nalang ako tsaka sila inirapan, Nakakainis sila!!.
Nakipag kilala at nakipagkamay nalang ako sa mga kasama nya, Pinakilala ko na rin si drew sakanila at as usual tahimik na naman ang mokong.
"Boyfriend at girlfriend nyo?" Curious na tanong ko.
Bigla naman silang natahimik at nagtinginan bago tumango.
"Really!!" Tuwang tuwang sabi ko.
"Uhuh" Sabay na sabi nila na ikinatuwa ko.
"Infairness my taste kayo hahaha...." maganda at gwapo naman kasi si vanessa at geof kaya bilib na talaga ako sa taste nila "Akala ko pa naman bakla ka liro haha wala ka pa kasing naipakilala noon" Natatawang sabi ko.
"Tsk, Ako bakla?" kunot noong tanong, tumango lang ako tsaka tumawa "Dati" natatawang sabi ko.
"Tsk panu ako magiging bakla kung dati palang mahal na kita" Napa-Ano ako ng diko narinig ang binulong nya.
Bat ba kasi nauso ang bulong sa earth, Kaya siguro maraming nag aaway dahil akala ng iba pinagbubulungan sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/28356285-288-k20737.jpg)
BINABASA MO ANG
Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)
Teen FictionHi xxbamchuxx :)) thank you very much for the cover photo. Masaya akong nakilala kita :) Paano kung ang magulong mundo ni Shaira ay lalong gugulo kapag nakilala niya ang isang Andrew Alcantara. Ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. Matatanggap...