#Dreamers (THE TRUTH) Part 2

20.8K 413 5
                                    

Dedicated po lahat ng chapter ng MTMB sa kaklase at anak anakan ko na si farrah carrisse bingcang.

I Miss you and I love you farrah mwaaaa-*-

---------------

Tiningnan lang ako ni mommy tsaka ngumiti "Nahanap nila tayo shaira". Nakangiting sabi nya.

Kumunot lang ang noo ko dahil sa sinabi nya. Ang nahanap?di ko talaga maintindihan ang sinasabi nila, Di ko maintindihan ang nangyayari ngayun.

Maya maya lang ay lumapit na saamin sila charlie at ang daddy ng nakangiti.

"Namiss kita joy" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa biglang pagyakap sakin ng daddy ni charlie.

Agad akong kumalas sa yakap nya at bahagyang lumayo "S-Sino ka?" Naguguluhang tanong ko.

"Ako ito joy, Ang Daddy mo di mo na ba talaga ako natatandaan?" Ng tinangka nyang lumapit saakin ay umatras na naman ako.

Anu bang sinasabi nya?Lalo nya lang pinapagulo ang isip ko.

"Hindi ko po alam ang sinasabi nyo" Umiiling na sabi ko tsaka ko tiningnan si mommy "Mom A-Anu pong s-sinasabi nya?" kunot noong tanong ko.

Sasagot na sana si mommy ng bigla kaming may narinig na kasa ng baril mula sa likod.

"SHAIRA LUMAPIT KA DITO!!!" Sabi ni dad habang nakatutok ang hawak nyang baril saamin.

Nakaramdam ako ng kaba at pagtaas ng balahibo ko ng tingnan ako ni dad ng masama "Shaira lumapit ka dito kung ayaw mong patayin ko ang mommy at ang mga taong ito!!". Sa sobrang takot na nararamdaman ko ay diko na namalayang humahakbang na pala ako palapit kay daddy.

"Shaira wag!!" Narinig kung tawag nila sakin pero di ko na sila nagawang lingunin pa dahil sa takot ko na baka mapatay sila ni dad.

Ewan ko ba kung bakit ko nararamdaman ito, Yung parang natatakot akong may mangyaring masama sakanila at ang gusto ko lang ngayun ay ang mailayo sila sa kapahamakan.

"A-Aray dad n-nasasaktan po a-ako!" daing ko ng bigla nya kung hawakan ng mahigpit sa braso ng makalapit na ko sakanya.

"ANUNG BINABALAK MO SA ANAK KO LEO?!!!" Nag aalalang tanong ng daddy ni charlie.

"AKALA MO BA HAHAYAAN KUNG MAGING MASAYA KAYO!!BAKA NAKAKALIMUTAN MO CHAD NA AKO PA RIN ANG TINUTURING NYANG AMA!!!" Ibig sabihin hindi nya talaga ako anak, Pero bakit na sa puder nya kami?Kaya ba ang sama sama ng trato nya samin?Napatingin ako kela mommy ng tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko.

"HAYOP KA TALAGA LEO!!BITAWAN MO ANG ANAK KO!!" Ng sinubukan nilang lumapit samin ay bigla namang nagpaputok si dad sa taas.

Bahagya akong napasigaw at nanginig dahil sa takot.

"KUNG BABAGSAK AKO SISIGURADUHIN KO MUNANG MAY KASAMA AKO!!!" Sigaw ni dad tsaka ako hinila papunta sa kotse nya "WAG KAYONG SUSUNOD KUNG AYAW NYONG MAPAHAWAK SI SHAIRA!!!" Ng makarating na kami sa kotse nya ay sapilitan nya akong ipinapasok doon at nilock ang pinto.

"SHAIRA!!!" Agad kung hinanap ang pamilyar na boses na yun.

Alam kung sya yun!! Si drew yun, Sigurado akong ililigtas nya ko.

"DREW!!!" Sigaw ko mula sa loob ng sasakyan ng makita ko syang tumatakbo palapit dito "DREW T-TULUNGAN MO KO!!!" Sigaw ko ulit, Nakita ko naman sa likod nya sila kris at jin.

Ng tingnan ko ang kinaroonan nila mommy na di kalayuan sa pwesto ng kotse ni dad ay nakahinga ng maluwag ng makita kung pinipigilan sila nila rachel, Alam kung di pababayaan ni rachel sila mommy dahil may tiwala ako sakanya.

Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon