Madilim na ng makauwi ako sa bahay, Mukhang tulog na silang lahat.
Dahan dahan ang bawat hakbang at pagkilos na ginawa ko para di ako makagawa ng ingay na makakagising sakanila.
Lagot ako nito!!!
Kapag nahuli ako ng kahit isa man lang sakanila.
Lalo na kapag nalaman ito ni mommy na ganitong oras ako ng gabi umuwi, Naku!! Papatayin ako nun sa sermon.
Hinubad ko muna ang sandals na suot ko bago ako umakyat sa hagdan, Baka di ko kasi mapigilang di makalikha ng ingay lalo na at hagdan ang tatapakan ng 5 inches heels ko. Yeah!! Right its 5 inches.
Nasa bandang gitna na ko ng hagdan ng biglang nagbukas lahat ng ilaw.
"San ka galing?!!" May Maawtoridad ngunit nakakatakot na pamilyar na boses akong narinig.
"Gawain ba ng isang dalaga ang umuwi ng hatinggabi?!!" Napakagat labi muna ako bago ko sila hinarap.
Sabi ko na nga ba eh!!!
Ang tinik talaga ng nanay at tatay ko, Huling huli talaga ako. Huhuhu baka ibitin ako patiwarik ng mga to.
"Good evening" Awkward na sabi ko.
"What's good in evening shaira?!!!" Taas kilay na sabi ni mommy "And for your information it's already 1:05 AM, So it's a BAD morning!!!!" Pagpapatuloy ni mommy habang tumitingin sa wristwatch nya.
Huhuhu 1 am na pala?Ang bilis ata ng oras?Akala ko 12 palang eh, Sana umakyat nalang ako sa bintana ng kwarto ko.
"A-Ah bat pa po k-kayo gising?" Bumaba ulit ako ng hagdan at lumapit sakanila "A-Ahmm hindi p-po ba k-kayo makatulog?" Pag iiba ko ng usapan.
Sana makalusot.
"Panu kami makakatulog kung wala sa bahay ang anak naming babae!!" Sagot naman ni mommy.
"Sorry na po..." Paglalambing ko.
"San ka ba galing shaira at inumaga ka na ng uwi?" Kunot noong tanong ni dad.
Sasabihin ko ba?Panu kung tanungin nila kung anong ginagawa ko dun?Ano mang sasabihin ko?Alangan namang sabihin kung nagkulong lang kami sa kwarto ni drew hanggang sa dumilim.
Tiyak kapag sinabi ko yun, Hindi lang leeg ko ang mapuputol kundi pati mga paa ko.
"S-Sa bahay p-po ni d-drew" Nagkakamot ng batok na sabi ko.
Nung una nabigla sila at tinitigan lang ako na parang nagjojoke lang Pero ng matauhan si mommy ay nagsimula na ang parusa ko.
"A-Araaaaaay!!!Mas-shakit po M-Mom....!!!" Reklamo ko ng bigla nyang pingutin ang tenga ko.
"Grabe kang bata ka!!!Ikaw pa talaga ang nakikitulog sa bahay ng lalaki!!! Bakit ayaw mo ba sa bahay na to?!!!" Reklamo lang ako ng reklamo ng lalong humigpit ang pagpingot nya sa tenga ko, Pakiramdam ko nga mapupunit na to sa katagalan.
"Tama na yan sheila!!Nasasaktan na si shaira!!" pag awat nya kay mommy.
huhu masakit talaga, Napahawak agad ako sa tenga ko ng binitawan na ito ni mommy "Manang mana ka talaga sa daddy mo!!!Pareho kayong Nakikitulog sa ibang bahay!!!" sabi ni mommy na ikinabigla ni daddy.
"Oh?Bakit pati ako nadamay?!!" Takang tanong ni dad.
"Kasi kayong mag ama, Ang lakas ng loob na makitulog sa ibang bahay!!" Sagot ni mom.
"Hoy!!Di pa ko nakitulog sa bahay ng iba noh?" Pagdepensa ni dad sa sarili.
"Talaga?!!Kaya pala inaakyat mo pa ang bintana ko noon para makatulog ka sa tabi ko!!!" Nakataas kilay na sabi ni mom.
"Pasalamat ka nga sa bahay nyo ako nakikitulog hindi sa bahay ng ibang babae" bulong ni dad na narinig din naman naman namin.
"ANO?!!!" Nanlalaking matang sabi ni mommy sabay pingot sa tenga ni dad.
"A-Awwwwww!!!"Reklamo ni dad.
"So pinapalabas mo na maswerte ako ganun?!!"
"H-Hindi Awww sa ahhh g-ganun owww!!!" Napapailing nalang ako habang natatawa sa kanila.
Buti nalang naisipan nilang magharutan ngayun hihi atlis makakatakas ako bwahahaha.
Dali dali na kong umakyat sa kwarto ng hindi nila napapansin,Naghaharutan pa kasi ang dalawang matanda hihihi.
![](https://img.wattpad.com/cover/28356285-288-k20737.jpg)
BINABASA MO ANG
Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)
Fiksi RemajaHi xxbamchuxx :)) thank you very much for the cover photo. Masaya akong nakilala kita :) Paano kung ang magulong mundo ni Shaira ay lalong gugulo kapag nakilala niya ang isang Andrew Alcantara. Ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. Matatanggap...