#Dreamers (WEIRD SHANE)

25.4K 769 8
                                    

Shaira's POV

"Drew bumangon kana nga dyan!!!" Nakakainis tong lalaking to masyadong tulog mantika kanina ko pa ginigising ayaw gumising, Parati nalang akong nalelate dahil saknya kaya parati din akong pinapagalitan.

"Drew gumising kana nga ayokong malate na nman!!" Arrgggg panu ba naman kasi di mapupuyat tong lalaking to eh gabing gabi na nagtatrabaho pa tapos ngayun tulog mantika sya.

"Bahala ka na nga dyan!!" bahala sya sa buhay nya kung ayaw nyang tumayo dyan edi ayaw nya diko nman sya pipilitin basta papasok ako kahit di sya kasama.

-----------

"Naku Señorita baka po magalit si señorito kung aalis kayo ng di magkasama" natatarantang sabi ng driver ni drew nung sinabi kung magpapahatid ako sa school.

"Bahala na yung tulog mantikang lalaking yun dahil kanina ko pa ginigising yun at kanina pako naiinis saknya dahil ayaw nyang Gumising!!" sabi ko sabay irap tsaka na ko sumakay sa kotse, pumasok nman agad si kuyang driver tsaka na nya sinimulan ang pagmamaneho nya papuntang school.

*****

Pagdating ko sa school lahat ng mga mata nakatingin sakin siguro nagtataka sila kung bakit wLa akong kasama ngayun, kung bakit diko kasama si drew.

Well, Siguro sa oras na to tulog pa rin yung lalaking yun at mukhang wala din atang balak pumasok yun eh.

Bago ako pumasok sa unang klase ko naisipan ko munang dumaan sa locker ko matagal tagal ko na ring di napupuntahan yun siguro marami na nmang love letters yun kase nung huling chineck ko yun halos mapuno na yung locker ko ng mga letters at gifts galing sa mga admirers ko kuno.

Kahit nahihiya ako tuwing maraming mata ang nkatingin sakin tuwing marami akong dala dalang letters at gifts ay nagpapasalamat pa rin ako dahil may mga taong ngmamahal sakin kahit diko alam kung sino sila.

"Shai!!!" inilibot ko ang mga mata ko sa buong corridor para hanapin kung sino ang tumawag sakin.

Hanggang sa maabot na sya ng mga paningin ko, Natuwa at napangiti nalang ako kung sino ang tumawag sakin at masayang naglalakad palapit sakin.

"OMG shai sobrang namiss talaga kita!!" sabi nya tsaka nya ko niyakap ng makalapit na sya sakin.

"Namiss din kita shane!!!" tuwang tuwang sabi ko tsaka ko rin sya niyakap ng mahigpit.

Namiss ko talaga sya pumunta kasi sya sa parents nya sa singapore pagkalabas ko ng ospital gusto daw kasi syang makita ng parents nya kaya pumunta sya dun, Hindi nman kasi pwedeng mamasyal dito ang parents nya dahil busy ang mga ito sa negosyo nila kaya si shane nalang ang pinapapunta dun.

"San ka pala pupunta?" tanong nya sakin.

"Dadaanan ko lang yung locker ko nmimiss ko na kasi" sabi ko tsaka ako kumapit sa braso nya, Gusto ko kasing nkakapit sa braso ng kasama ko tuwing naglalakad kami kasi feeling ko mas kumportable ako kapag ganun.

"Yung locker ba ang namimiss mo o yung mga gifts at love letter mo?" pang aasar nya sakin.

"Pwedeng both" natatawang sabi ko.

"Ikaw talaga!!" natatawang sabi nya pero maya maya lang ay biglang sumeryoso ang mukha nya kaya medyo kinabahan ako.

Yang ganyang expression ni shane nakikita ko lang yan tuwing problema,natatakot,kinakabahan at kung may gusto syang sabihin na di nya masabi sakin.

"Kamusta na pala kayo ni Andrew?" seryosong sabi, Sa pagbanggit nya sa pangalan ni drew parang isang magic na bigla nalang nawala lahat ng nararamdaman kung kaba lahat ng yun napalitan nalang ng masasayang ala ala namin.

"Alam mo ba shane ngayun ko lang naramdaman kung paanong maging masaya, magmahal at mahalin lahat ng yun ay dahil kay drew" masayang sabi ko.

Ng tingnan ko si shane nahuli nahuli ko rin ang mga mata nyang diko alam kung galit ba o masaya na nakatingin sakin at ang ngiti nyang alam ko namang pilit lang.

"M-mahal mo na sya?". Seryosong tanong nya.

"Oo" buong pusong sabi ko.

Akala ko matutuwa sya sa sinabi ko pero hindi dahil kahit di nya pinapakitang galit sya Ay kitang kita ko sa mga mata nya na parang nag aalab nasa galit at sa expression ng mukha nya ay diko alam kung matatakot ba ako o hindi.

"Hindi pwede shai" halos pabulong nyang sabi tsaka nya ko tiningnan ng may nagbabadyang luha sa mga mata.

"S-shane bakit?" naguguluhan at kinakabahan kung tanong saknya.

"Good morning gorgeous" Sabay kaming lumingon sa taong kadarating lang.

"Walang good sa morning" sabay naming sabi ni shane tsaka umirap.

Ngumiti nman ng nkakaloko si liro tsaka nya kami kiniliti isa isa at usual nakatingin na nman lahat ng tao samin.

"Liro haha s--top!" napatingin ako kela liro at shane minsan may pagka seryoso at misteryoso silang dalawa pero yun din ang dahilan kung bakit ko sila mahal.

Tiningnan ko nman si shane na masaya at nakangiti na ngayun parang kanina lang nung nag uusap kami parang gusto nyang layuan ko si drew at wag ko syang mahalin pero huli na sya dahil diko kayang layuan si drew dahil mahal ko na sya.

Gusto kung tanungin si shane kung may problema ba sya kay drew?Ayaw nya ba kay drew?may galit ba sya kay drew? At pinaka masakit kung tanong ay baka mahal nya rin si drew, Iniisip ko palang yun parang diko ata kayang maging kalaban ang kaibigan ko sa pag ibig, Ayokong mamili sakanila ni drew dahil pareho ko silang mahal at pinapahalagahan.

Napatigil ako sa pag iisip ng may biglang umakbay sakin habang hinihingal pa,Napatingin nman ako sa side nya kung saan andun si shane na hinihingal din pero bakas sa mukha nito ang saya.

"May problema ba?" nag aalalang tanong ni liro sakin.

Ngumiti lang ako tsaka umiling kahit ata magsalita wala na rin akong lakas parang lahat ng lakas ko ay naibuhos ko na kanina kahit wala nman akong ginawa kundi ang isipin sila drew at shane.

"Shane asan na yung pasalubong nmin?" parang nagtatampong batang taong ni liro.

Tumawa nman si shane tsaka kumapit sa braso ni liro
"Nasa kotse ibibigay ko nalang lahat mamaya" nakangiting sabi nya.

Minsan napapaisip din ako panu kaya kung wala sila sa tabi ko?Panu kung diko sila nakilala? At panu kung walang liro at shane na nag eexist sa mundo ko?Magiging masaya ba ko?

Tiningnan ko muna silang dalawa na masayang nagkkwentuhan ngayun bago ko binalik ang tingin ko sa dinadaanan nmin.

Isang tanong lang ang naging dahilan ng pagkatakot ko Panu kung isa saknila ang mawala or worse panu kung pareho silang mawala sa buhay ko? Panu na ko?.

Sa haba ng mga naiisip ko bigla ko nalang naalala si drew Iniisip ko palang na mawawala sya sakin parang sumisikip na ang dibdib ko.


********
Sana po kahit papano nagandahan kayo sa story ko.

Pwede po bng humingi ng vote ^_^

Follow me at wattpad
^_^ Dream_Secretly.

Tnx po sa mga nagbabasa ng kwento ko love you guys ^_^

Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon