Hi dreamers!
Sensya na sa mga nakakabagot kong chapter pero thank you sa mga nagbabasa at nagvovote ng story ko sobrang naapreciate ko kayo guys LOVE YOU PO.
000000****00000
"Hindi po kami sigurado tita, Baka kasi mapabayaan ang mga pasyente ni geof sa ospital" Pagdadahilan ko.Iniwas ko agad ang tingin ko sakanila at ngkunwari nalang na busy ako sa pag aasikaso kay andrei.
"Sige na shai? Namimiss ko na rin yung lumalabas at naga-outing tayo lalo na ngayun sigurado akong mas masaya ang outing natin dahil andito sila andrew at shane" Napapikit nalang ako at napabuntong hininga dahan dahan kung ibinaba sa mesa ang pagkain ni andrei tsaka ko tiningnan si tita mia.
Wala ba sya ideya na ayokong pag usapan yan ngayun?lalo na at kasama sila shane "Sige po....." Walang nagawang sabi ko, Alam ko naman na sya pa rin ang masusunod.
"Excuse me!" Hindi na ko nagulat ng tumayo na bigla si monique at umalis sa hapagkainan sumunod naman sakanya si renante.
"Excuse me din po" Dahan dahan kung tinanggal ang taling nakaalalay kay andrei bago ko sya binuhat "Aakyat na po kami" Pagpapaalam ko tsaka na ko umakyat kasama si andrei sa kwarto.
0000****0000
Naalimpungatan ako kinaumagahan at ng tingnan ko si andrei sa tabi ko ay laking kaba at takot ang naramdaman ko ng wala akong batang katabi.
Sh*t!.
Tumayo agad ako sa kama at dali daling bumaba para hanapin si andrei, Inikot ko na ang buong bahay pero diko pa rin sya nakikita, Napapaiyak na ko't lahat pero diko pa rin alm kung nasan sya.
Napaupo ako sa sofa at napahawak sa bandang dibdin ko, Asan na si andrei?!!Alam ko na walang kukuha sakanya ng diko alam dahil alam nilang mag aalala ako ng husto.
Tang*na!!! Sana walang masamang mangyari sa anak ko! Napatakip ako ng mukha gamit ang dalawang kamay ko tsaka ako napayuko at hinayaang balutin ng takot ang puso at isip ko, Hindi ko na rin napigilang tumulo ang mga luha ko.
Diyos ko! Nasan kana ba andrei?!!! Nag aalala na ko.
Lumipas ang ilang minuto bago ako makarinig ng isang pamilyar na boses "Shai?...." Napatigil ako sa paghikbi ng marinig ko ang boses na yun.
Pag-angat ng mukha ko ay laking tuwa at pagkabigla lang ang naramdaman ko, Tuwa dahil hawak nya si andrei at pagkabigla dahil diko inaasahang makita ang taong nasa harap ko.
"Fred?!" May halong bigla at tuwang sabi ko, Tumayo agad ako sa pagkakaupo at lumapit sakanya para yakapin. Grabe namiss ko sya!!
"Di naman halatang namiss moko noh?" Biro nya na nagpatawa sakin.
Pinalo ko sya sa braso tsaka nginusuan "Namiss talaga kita loko" Ngusong sabi ko.
Tumawa naman ito at kinurot ako sa ilong tulad ng parati nyang ginagawa "Ikaw talaga!" Natatawang sabi nya.
"Nga pala?Bakit umiiyak ka kanina?" Kunot noong tanong nya.
Ay! Oo nga pala! Sya pala ang may sala ng kadramahang nangyari kanina "A-aaaaaray!" Reklamo nya ng bigla ko syang samapalin pagkakuha ko kay andrei.
"Loko ka! Bat mo pala kinuha si andrei sa kwarto ng diko alam?!!Alam mo bang halos mamatay nako rito sa pag aalala!" Sigaw ko sakanya.
"Ah yun ba?" Nagkakamot ng batok na sabi nya "Pagdating ko kasi dito kanina walang tao kaya dumiretso ako sa kwarto mo, Tas nakita kitang mahimbing na natutulog samantalang gising na naman nun si andrei kaya kinuha ko nalang sya para di ka magising kapag umiyak yung bata" Paliwanag nya na nagpairap sakin.
"Kahit na!Sa susunod magpaalam ka muna ok?!"Mataray na sabi ko.
Tumango lang ito tsaka ngumiti "Yes MA'AM!" Sabi nya with matching saludo pa! Sira ulo talaga.
Napapailing nalang ako habang natatawa sakanya "Loko! Pagluto mo nga kami ng almusal nagugutom nako!" Ang sama ko noh?Imbis na sya yung pagsilbihan ki sya pa magsisilbi sami haha well that's life haha.
"Tsk! Akala ko pa naman pagluluto moko!" Umiiling na sabi nya.
Napabungisngis nalang ako tsaka sya bahagyang pinalo sa braso "pffft. Ako magluluto ng dinner dont worry haha" Tawang tawang sabi ko, Panu ba naman kasi para syang babae kung ngumuso.
"Gusto adobo!" Sabi nya na nagpatigil sakin, Sa lahat ba naman ng potahe yun pa! Argggh malas kung kailan andito si andrew. "Oh bakit?" Takang tanong nya.
Umiling nalang ako tsaka ngumiti ng matipid "Wala! Sige magluto kana dun bibihisan ko lang si andrei" Hindi ko na sya hinintay na makasagot pa Dahil agad na akong tumalikod at naglakad palayo.
Haaay! Sya nga pala si alfred gomez kababata ko kaya close kami may asawa't mga anak na sya si cecilia gomez naman ang pangalan ng asawa nya at Kababata ko rin si cecilia.
Diko lang alam kung bakit andito yung lalaking yun eh! Pag pumupunta kasi yun dito ay pinapaalam nya muna samin ngayun lang sya bumisita dito ng diko alam.
"Goodmorning!" Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa gilid ko,saktong nasa harap nako ng pintuan ng kwarto ko ng mga oras na yun.
Hindi na rin ko nag abalang tingnan kung sino yun dahil boses palang alam kona. "Morning" Cold na sabi ko sabay pihit ng doorknob ng pinto.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng magtanong sya na ikinatigil ko "Y-Yung lalaki? S-Sino sya? b-boyfrien m-mo?...." Diretso lang ang tingin nya sakin ng tingnan ko sya, Nakita ko na naman ulit ang magaganda nyang mga mat---.
----Wait! Shai?!! Diba dapat galit ka!! Argghhh erase erase!!!
Tumikhim ako bago ko sya sinagot "It's none of your bussiness andrew!" Mataray na sabi ko sabay pasok sa kwarto.
OH MY GHAD!!!
Bakit biglang lumakas ang pintig ng puso ko putcha!!!May asawa yun shaira!! May asawa na si andrew.
"Nakakainis ang mommy mo drei!" Pgsusumbong ko sa batang alam ko namang dipa ko masasagot "Buti kapa anak walang problema at ngingiti ngiti kalang kahit tuliro minsan si mommy" Diko alam kung bakit ako ganito siguro dahil andito si andrew or maybe dahil lumalaki na rin si andrei at nxt month ay isang taon na sya.
Knock! Knock!
"Pasok!" Ng tapos ko ng bihisan si andrei ay nilapag ko na muna sya sa sahig at hinayaang maglaro, Malinis naman kasi yun at malambot dahil may malambot na kutson akong nilagay dun.
"Ate...." Tiningnan ko lang si monique at renante habang lumalapit saamin, Namumugto ang mga mata ni monique at awa naman ang nakikita ko sa mga mata ni renante.
"Anung nangyari sayo monique?Umiyak kaba?" Takang tanong ko.
Umiling iling lang ito at lumapit kay andrei "Wala ate napuwing lang ako" Sabi nya na alam kung di naman totoo.
"Monique Alam kung may problema ka?Pwede mo namang sabihin sakin" Sabi ko.
"Dina ate, Ayokong dumagdag pa sa mga problema mo" Seryosong sabi nya, Magsasalita sana ako ng biglang may kumatok.
Nagkatinginan muna kami ni renante bago nya binuksan ang pinto at pumasok roon si anna.
"Señora pinapunta po kayo ni Señora charlene sa special room" Tumango lang ako tsaka ko niyaya yung dalawa, Si monique naman ang nagbuhat kay andrei nung kinukuha kasi ni renante ayaw nya.
BINABASA MO ANG
Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)
Fiksi RemajaHi xxbamchuxx :)) thank you very much for the cover photo. Masaya akong nakilala kita :) Paano kung ang magulong mundo ni Shaira ay lalong gugulo kapag nakilala niya ang isang Andrew Alcantara. Ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. Matatanggap...