#Dreamers (DON'T KNOW WHAT TO DO!!)

17.3K 295 4
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sakin, Medyo mahapdi rin ang mga mata ko kaya diko ito maimulat ng maayos.

Tahimik lang ang paligid ko kaya dina ko nagdalawang isip na bumangon agad, Pababa nako sa kama ko ng biglang mapadako ang paningin ko sa isang taong nakaupo sa mini sofa habang nakacross arm at may matalim na tingin saakin.

Inirapan ko lang ito saka ko sya dinaanan papunta sa Cr, Ang kapal ng mukha nyang pumasok pasok dito sa kwarto ko ng walang paalam!!!Tsk! "Masaya kana nyan?!!" Biglang sabi nya paglabas ko ng banyo.

"Anu bang pinagsasabi mo dyan?!" Pagsusungit ko habang pinupunasan ng towel ang basa kong mukha.

"Hindi ko alam na makitid pala yang ulo mo shaira!!! Galit na singhal nya.

Hinarap ko ito "How dare you to talk to me like that?!!!" Galit din na singhal ko "At baka nakakalimutan mo yung mga ginawa nyo sakin!!!Pumasok pasok kapa dito!!" Pairap na sabi ko.

"Hanggang ngayun ba naman isusumbat mo yan samin?!!"

"Oo at paulit ulit ko yung ipapaalala sainyo hanggang sa huling hininga ko!!" Para kahit papano makonsensya kayo.

"Di ka namin niloko shai!!Maniwala ka naman sa---"

"---Tang*na Anung di nyo ko niloko?!!!Halos mamatay na ko noon shane!!!Alam mo ba yun?!!" Lumuluhang sabi ko.

"Kala mo ba gusto namin yun?!" Alam kong ginusto nila yun!!Dahil kung hindi dpat nung una palang sinabi na nila sakin na gusto nila ang isat isa.

"Ginawa nyo yun!!!Ginusto nyo!!!Niloko nyo ko!!" Sigaw ko.

"No shai!!! Ginawa namin yun dahil kailangan!!!at Lahat ng nangyari noon ay isang palabas lang!!" Pucha!Hanggang kailan nila ako lolokohin.

"Alam mo shane!!Sawa na kong umasa ng umasa sa isang bagay na alam kong dina magkakatotoo!!!Kaya please lang!!Umalis kana!!Ewan mona ako!!!" Ayoko na talaga!!!Bwisiiit nakakasawa ng masaktan!!!

"Shai please makinig ka muna!!!Nagsasabi ako ng totoo!!! lahat ng yun ay palabas lang!!!" Umiling iling lang ako.

"Leave!..." Matigas na sabi ko sabay turo sa pinto.

"Pero shai si andrew aali------" Argggggghhhh!!! "I SAID LEAVE!!!" Malakas na sigaw ko na ikinagulat nya "NOW!!" Ayoko munang pakinggan anu mang sasabihin nya.

Narinig ko itong bumuntong hininga bago nya ako tinalikuran at lumabas ng kwarto ko.

Tama naman yung pagtataboy na ginawa ko sakanya hindi ba? Tama naman bang hindi ko pinakinggan ang mga sinasabi nya?!!Nila?!! At tama bang pinagtabuyan ko sila?!!!Masama ba kong tao?? Bakit ako pinaparusahan ng ganito?!!

"Ate?....." Napatingin ako sa bahagyang nakabukas na pinto.

"kayo pala?" Linapitan ko sila at binuksan ng maluwang ang pinto para makapasok sila "May problema na naman ba?" Kunot noong tanong ko.

Mgumiti lang sila "Wala naman ate!" umiiling iling na sabi ni monique "Namiss kalang namin" Dagdag nya pa na ikinangiti ko, Bolero talaga batang to.

"Kayo talaga!" Umiiling iling na sabi ko,Umupo ako sa kama ko at nagsuklay samantalang umupo naman sila sa sofa.

"May sasabihin sana kami sayo ate" Sabi ni renante na ikinakunot ng noo ko.

"What is it?" Curious na tanong ko.

"Sabihin mona!" Bulong ni renante "Ikaw na!" Ganti naman ni monique!

"Ikaw nalang kasi!" Iritang sabi ni renante "Ayoko nga eh!Ikaw nalang dapat!" Irita ding sabi ni monique.

"Ikaw na nga eh!" Grabe tong dalawang to!! Mag away ba naman sa harapan ko.

"Tumigil na nga kayo!"Pagbabawal ko sakanila bago pa sila mag away ng malala "Kung magaaway lang kayo mabuti pang wag nyo nalang yang sabihin sakin" Parang yun lang! Mga bata pa talaga sila!! Dipa nila alam ang salitan pag iintindi!! Hay naku!

Natahimik lang sila at nagtinginan muna bago nagsalita si monique "A-Aalis na k-kasi sila ate s-shane" Nakayukong sabi ni monique.

Napatigil ako sandali at ng matauhan na ko ay agad na kong nagiwas ng paningin "Edi maganda! Diba yun naman ang gusto nyo?" Natin!! Mas makakabuti na siguro yun!! Atlis malalayo si andrew sakin baka pag nangyari yun mawawala na lahat ng sakit.

"Nung una ate Oo! Gusto ko silang umalis pati na rin sa buhay natin....." Sagot ni monique "Pero nung nalaman kona lahat ay bigla akong naguilty dahil ang sama sama ng pagtrato ko sa sarili kong pamilya" Seryosong sabi nya, Napapansin ko na rin ang unti unting pagbaba ng mga luha nya "Ayoko silang umalis ate!! Gusto ko pa silang makasama dito!!" Sa totoo lang ay naaawa ako kay

Monique kasi ngayun nga lang nya nakita ang daddy at kapatid nya magkakahiwalay pa sila pero......

"Im sorry to hear that monique, Pero wala na tayong magagawa kong nagdesisyon na silang umalis" sabi ko.

Tumabi ito saakin at hinawakan ang isa kong kamay "Meron ate!May magagawa ka! Please pigilan mo silang wag umalis" Pagmamakaawa nya.

Hinaplos ko lang ang mukha nya tsaka ako ngumiti ng mapakla "Alam mong diko kayang gawin yan monique........Im sorry......" Gustuhin ko man syang tulungan ay diko na kaya, Tama na saakin ang nakasama ko si andrew kahit ilang linggo lang.

Umiling iling ito "Kaya mo ate! Diba mahal mo si kuya andrew?" Naluluhang sabi nya.

Pinunasan ko ang mga luhang umagos sa pisngi nya gamit ang hinlalaki ko "Hindi mo pa siguro maiintindihan ngayun kasi bata kapa pero maniwala ka monique minahal ko ang kuya mo, kaya lang magkaiba kami ng tadhana At mulat nako sa katotohanang di kami para sa isat isa" Ayoko ng mangarap ng isang bagay na hindi na magkakatotoo! Siguro ito na ang huling pagkikita namin ni andrew.

"Pero ate! Dimo kasi naiintindihan eh!! May dahilan sila kuya kung bakit nila ginawa yun ni ate shane noon!!" Ayan na naman tayo!! Ayokong paniwalaan ang bagay na yan!!

"Pati ba naman ikaw Monique napaniwala nilang di nila ginusto ang nangyari noon!!" kailangan ba ulit ulit kong maalala ang lahat.

"Hindi sila nagsisinungaling ate! Bat ayaw mo kasi silang pakinggan!!" Bumuntong hininga nalang ako tsaka tumayo.

"Pati ba naman ikaw iisipin na ako ang masama dito?!!" Ang sakit isipin na parang ako pa ang masama rito.

Tumayo din ito "Hindi ate!!! Ang sinasabi ko lang ay Ikaw ang di marunong makinig dito!! Kasi mas pinapangunahan mo pa ng galit mo ang lahat ng bagay kesa ang makinig sakanila kuya!!" Umiiyak na sabi nya sabay dali daling tumakbo palabas.

"Monique....." Tawag ko rito pero huli na dahil nakalabas na sya ng kwarto ko.

Balak ko sana syang habulin ng pigilan ako ni renante "Ako na ate" Tumango nalang ako at hinayaan syang habulin nalang si monique.

Pagkaalis ni renante ay napaupo nalang ako sa mini sofa, Anung gagawin ko? May dapat ba kong gawin? Bakit ang daming nagagalit sakin?

I REALLY DONT KNOW WHAT TO DO!!!

Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon