#Dreamers (SHAIRA's LIFE)

66.2K 1.2K 17
                                    

Shaira's POV

Buong araw lang akong nagkulong dito sa kwarto ko, wala rin naman kasi kaming pasok ngayon hanggang next week. Kaya matutulog nalang ako dito. Nakakatamad naman lumabas at baka mapagalitan pa ako ni daddy kapag nalaman nyang umalis ako ng bahay ng wala man lang paalam.

Ako nga pala si SHAIRA JOY PEREZ 18 yrs old fourth yr college nag-iisang anak ng isang sikat na businessman na si Luis perez at isang sikat na artista na si Sheila perez sabi nila masuwerte daw ako kasi bukod daw sa matalino, maganda at sexy daw ako biniyayaan din daw ako ng isang buo at perpektong pamilya.

Nginingitian ko nalang sila tuwing sinasabi nila sakin yun pero deep inside pinagdarasal ko na sana totoo yung sinasabi nila na masaya kami ng pamilya ko.

Gusto ko sanang sabihin sakanila na "Oo maganda, sexy, matalino, na saakin na nga ang lahat pati na rin ang  buong pamilya. Pero di naman ako mahal ng daddy ko" kaya lang ayokong magalit lalo sakin si daddy.

Sa mata ng lahat perpekto ang pamilya ko pero di nila alam na araw araw akong nanlilimos ng atensyon at pagmamahal galing sa ama ko.

Minsan parati ko ngang naiisip na kung anak nya ba talaga ako? at kung mahal niya ba talaga kami ng mommy ko?

Kasi kung mahal nya kami bakit nya KAMI sinasaktan physically at emotionally?

*PAK*

Nagulat ako ng may palad na nman ang dumapo sa pisngi ko. kahit sanay na ako sa pananakit nya bakit nararamdaman ko pa rin ang sakit?

Tumayo ako galing sa pagkakaupo ko sa kama ko. Hindi ko man lang namalayan na nakapasok na pala sya sa room ko.

"D-Dad" Nginitian ko sya at binalewala yung biglang pagsampal nya sakin.

*PAK*

"ANO ITONG NABALITAAN KO NA MUNTIK KA NG MATANGGAL SA PAGIGING VALEDICTORIAN MO HUH?!" see? konting problema lang pinapalaki na nya nasampal pa ako ng dalawang beses.

"Nakabawi naman po ako dad, ako pa rin nman po ang nangunguna sa klase" pagpapaliwanag ko dito.

"KAHIT NA! SA SUSUNOD NA MANGYAYARI ULIT ITO AY ITATAKWIL NA KITA!" sigaw niya sa pagmumukha ko.

"I'm sorry po dad." nakayukong sabi ko "Ginagawa ko naman po lahat ng makakaya ko para hindi kayo ma-disappoint" naiiyak na sabi ko.

"Wag mo kong dramahan ng ganyan at tandaan mo dinadala mo ang apelyido ko kaya wag na wag kang gagawa ng ikasisira ng reputasyon ko!" galit na galit na sabi nito.

"Luis? Ano na naman bang ginagawa mo kay shaira?" hindi na ako nag abalang tingnan kung sino ang nagsalita mula sa pinto dahil alam ko naman kung sino yun.

"Shai? Ayos kalang ba?" nagaalalang tanong nya sakin nung makalapit na sya sa pwesto ko.

"Mom" mahinang sambit ko.

"Kawawa naman ang baby ko" naiiyak na sabi nya sakin tsaka nya hinahaplos ang mga pisngi ko na sinampal kanina ni daddy. Na siguro'y nagyon ay namumula na.

Humarap siya kay daddy tsaka nya sinabing "Luis please tigilan mo na si shaira maawa ka naman sakanya masyado mo na syang nasasaktan!" sabi ni mommy kay daddy kaya natakot ako na baka saktan nya na naman si mommy.

"WALA AKONG PAKIALAM SA NARARAMDAMAN NYO! PARE PAREHO KAYONG MAG INA, MGA WALANG KWENTA!" sigaw nya samin bago lumabas ng kwarto ko.

Pagkalabas ni dad agad naman akong napaupo ulit sa kama ko tsaka na tumulo ng tuluyan ang luha ko.

Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon