Mabigat at mabilis ang bawat paghakbang na ginagawa ko palayo sakanila, Kahit nanlalabo ang mga mata ko dahil sa sunod sunod na pagtulo ng luha ay sinikap ko pa ring makalayo.
"Shai?....." Inangat ko ang paningin ko at tiningnan ang taong muntik ko nang mabangga.
"C-Cecilia...." Napahagulgol ako lalo ng bigla nya akong ambain ng yakap, Kakakita lang namin pero ito agad ang binungad ko sakanya.
"Shhhhh....." wala syang ibang ginawa o sinabi kundi ang yakapin, Aluin at pakiramdaman lahat ng sakit na nararamdaman ko dahil sa sugat dito sa puso ko.
"Ang sakit *sniff* sakit cecil!!! *sniff* "
" *sniff* Diko na kaya!! *sniff*"
"Pagod na *sniff* pagod na ko *sniff*!!!"
"S-Sana matapos *sniff* na lahat ng ito *sniff*"
"G-Gusto ko lang *sniff* naman ay tahimik at masayang buhay!! *sniff* mahirap b-ba yun?!! *sniff*"
Iyak lang ako ng iyak sa harapan nya at parang bata na nagsusumbong sa mga magulang nya.
"Ikaw talaga! Kakakita lang natin tas yang luha mo na agad ang salubong mo!!Asan na yung matamis mong ngiti?!" Biro nya na ikinangiti ko talaga, Umupo muna kami sa isang bench sa tabi mukhang nasa garden kami ng rablador, diko napansin na ang layo na pala ng narating ko "Wag ka na ngang umiyak dyan sayang beauty natin" biro nya ulit at tulad ng dati ay di sya nabigong pangitiin ako.
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya tsaka pumikit "Akala ko ayos na ko cecil!!yun pala buong buo pa rin sa puso ko hanggang ngayun lahat ng masakit na alaala ng nakaraan!!" Nakapikit na sabi ko habang tumutulo pa rin ang mga bwisiit kong luha.
Naramdaman ko ang kamay nya na pinupunasan ang mga luha ko "Hay naku! Shaira joy napakaiyakin mo talaga!! Pero wag kang mag alala dahil darating din yung araw na kusang maghihilom lahat ng sugat dyan sa puso mo" Tumango tango nalang ako at hinayaang magpahinga ang tila pagod na pagod kong mga mata.
Ilang minuto akong nakapikit pero alam kong gising pa rin ang diwa ko.
"Kanina pa kayo dito?" Rinig kong boses ni fred.
"Di naman nasalubong ko kasi sya kanina na umiiyak kaya sinamahan ko muna dito" Gusto ko mang imulat ang mga mata ko ay diko kaya! Para kasing may pumipigil sakin na imulat ko iyon.
"Ganun ba?......Dalhin nalang kaya natin sya sa kwarto nya para makapagpahinga sya ng maayos mukhang pagod na pagod sya oh.....!". Sa sobrang pagod ko parang gusto ko nalang manatiling ganito.
"Sige! tulungan moko dito" mukhang bubuhatin nila ako?!!
Imumulat ko na sana ang mga mata ko para pigilan sila ng may marinig akong pamilyar na boses na nagsalita "A-Ako na!" hinihingal na sabi nya.
"San ka galing?!At bat ganyan ang itsura mo?" May pagtatakang tanong ni fred.
Bwisiiiiiit na andrew alcantara to!!!Hanggang dito ba naman nasusundan pako!!!Puny*mas sana di pumayag tong dalawa na dumikit man lang ni balat ni andrew sakin!!!
"Kanina ko pa kasi sya hinahanap....Pwede ba?" Jusko! Sana wag syang pumayag huhuhu diko pa kaya!!!
Wag! Wag please!! Para--- Para akong nakuryente ng maramdaman kong may dahan dahang bumuhat sakin, Diko man nakikita kong sino yun pero alam kong si andrew yun.
"Tsk. Pinagod moko sa kahahanap sayo, Pero ayos lang atlis nakita kita ulit" Rinig kong sabi nya, Nanatili lang akong nakapikit habang buhat buhat nya "Diba nangako ako sayo na magkikita tayo ulit?....Shai tinupad ko yun! Ito na ko sa harapan mo oh! Pero bakit ganun?!Bakit pinaparamdam mo sakin na sana dina ko bumalik sa buhay mo?!!" May hinanakit na sabi nya, Sa pakikinig sakanya ay diko na namamalayang tumutulo na pala ang luha ko. "Naalala ko nung huli nating pag uusap, Ang sabi mo sana magkita pa tayo Andito na ko shai!halos ipagsiksikan ko na nga ang sarili ko sayo!!". Kasal kana kasi drew!!At masaya na kayo ng mag iina mo!!
Maya maya lang ay naramdaman ko nalang na inilapag na nya ako sa kama ko, Hinawakan nya ng mahigpit ng mahigpit ang kamay ko na parang matagal na syang nangungulila dito.
"Mahal kita shai....." Bulong nya "Hindi ako andito para saktan ka! Andito ako para kunin ka at ibalik sakin!" Hindi ko maintindihan?!!Anu bang sinasabi nya?!! "Ayokong makitang nasasaktan ka tuwing nakikita mo ako, Mas gusto ko pa yung parati kitang nakikita pero masaya ka at nakangiti" Naguguluhan talaga ako "Alam mo bang parati akong nakatingin sayo mula sa malayo?Nakakainis nga lang tuwing may gustong manligaw sayo ay kailangan ko pang takutin para layuan ka!" Kaya pala hindi nagtatagal manligaw ang mga manliligaw ko dahil pinipigilan mo!! Akala ko biglang nagbago ang mga isip nila kaya sila tumigil yun pala hinaharang mo!! "Ayoko namang gawin yun kaya lang diko mapigilang di magselos lalo na kapag ngumingiti ka sakanila!!Gusto ko kasi ako lang ang ngingitian mo ng ganun!!!Madamot ako shai!! At gusto ko mang manatili sayo ng habangbuhay ay mukhang dina pwede." Dahil kasal kana!! Oo alam ko yun!! Kaya nga ayoko ng umasa!! "Dahil mukhang dimo na ako mahal" bulong nya na diko narinig dahil sa sobrang hina.
Ayoko na!! It's fucking hurt!! Gusto ko syang itulak palabas at Paalisin sa tabi ko kaya lang natatakot ako na baka malaman nya na gising ako at pag nangyari yun baka diko na makayanang harapin pa sya.
"Well I think this is the end" malungkot na sabi nya "Bye shaira!" Naramdaman ko ang labi nya sa noo ko pababa sa aking pisngi.
Nakakamiss din pala ang pakiramdam na malapit ang isang andrew alcantara saakin! Pero alam ko namang hanggang panaginip lang ako!! Kasal na sya at may pamilya na syang nabuo na hindi ako ang kasama nya.
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata ng marinig ko ang pagbukas- Sara ng pintuan, Alam kong nakalabas na sya.
Kinuha ko ang isa kong unan saka ko ito niyakap ng mahigpit "Mahal din kita....." Sabi ko sabay pikit at hinayaan ang mga luha ko na tumulo at lumabas ulit.
Mahal ko sya pero gising na ko sa katotohanang wala kaming Happy ending.
Pagod na rin ako sa lahat ng hirap at pasakit sa buhay ko!!Gusto ko nang matigil lahat ng to!!
BINABASA MO ANG
Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)
Teen FictionHi xxbamchuxx :)) thank you very much for the cover photo. Masaya akong nakilala kita :) Paano kung ang magulong mundo ni Shaira ay lalong gugulo kapag nakilala niya ang isang Andrew Alcantara. Ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. Matatanggap...