#Dreamers (ACCIDENT)

20.3K 366 0
                                    

ANDREW's POV

Ilang oras na kaming naghihintay dito sa labas ng operating room kung saan ginagamot si shaira.

Andito din ang totoong pamilya nya pati na rin sila liro,vanessa,shane at Geof, Pinaiwan ko naman sila kris at jin sa hotel para tulungan si rachel na ayusin ang mga gulong nangyari kanina.

Alam kung mangyayari ang araw na ito, Ang araw na malalaman na lahat ni shaira ang totoo pero diko inaasahang maaksidente sya dahil sa putang*nang leo na yun.

Matagal ko ng alam ang totoong pagkatao ni shaira hindi ko pa man sya nakakasama sa iisang bahay ay alam ko na, Mula kasi noong sinabi ni dad na ipapakasal nya ko sa isang shaira joy perez ay pina- Imbestigahan ko na sya At Isa sa mga nalaman ko na hindi totoong perez si shaira kundi isa syang Delgado.

Ang mga Delgado Ang Mahigpit naming kaaway sa negosyo At binabalak ko din itong pabagsakin noon Pero Hindi ito natuloy ng Magsimula akong matakot na baka mawala si shaira sakin.

Ang araw na to ang isa sa mga kinatatakutan ko dahil may posibilidad na baka kunin pa rin sya saakin ng tuluyan.

Hindi ko kaya yun.......

Isipin ko palang na mawawala sya sakin ay parang unti unti na akong pinapatay.

SHAIRA'S POV
(Paalala lang po ang POV ni shaira ay hindi nangangahulugang buhay O gising sya.....hindi ko po kasi alm kung paano ipapaliwanag ang panaginip nya *kakalito po ba *Sensya na po.)

May nakikita akong liwanag na nakatutok saakin ito na ba ang daan patungo sa langit?Puro puti din ang mga nakikita ko, Pati ang mga tao sa paligid ko puti din ang mga suot.

Sila ba ang mga anghel?Sinusundo na ba nila ako?

"CLEAR!!!!" Unti Unti na ring nagdidilim ang paningin ko hanggang sa makapunta ako sa lugar na parang napuntahan kona.

"Joy!!!" Sino itong batang ito?Bakit parang pamilyar ang mukha at ngiti nya?.

Ng tingnan ko ang babaeng tinatawag nya ay laking gulat ko nalang ng AKO yun noong bata pa ako.

Pero bakit?bakit ko sya kasama noon?Anung ugnayan ko sakanya?Ang mga ngiti nyang yun.

"Kuya!!!!" Lalo akong nagulat ng lumapit ang batang kamukha ko sa lalaking yun at niyakap ito.
"Kuya bakit ang tagal mo!!Nainip tuloy ako" Pagmamaktol ng batang kamukha ko.

Ngumiti lang ang batang lalaki "Ikaw talaga shaira joy masyado kang mainipin haha marami kasi akong ginawa sa skwela kaya medyo natagalan ako" Shaira joy?Ibig sabihin ako nga ang batang babaeng yun at ang lalaking yun ay walang iba kundi si----

"CHARLIE!!!!" Nabaling naman ang atensyon ko sa lalaking tumawag kay ku-kuya.

"Daddy...."Tuwang tuwa syang tumakbo sa Daddy nya.

Ibig sabihin sya nga ang totoo kung daddy at sila din ang totoo kung pamilya.

Pero nalilito pa rin ako!!!Gusto bang ipakita ng diyos kung sino ba talaga ako O kung sino ang totoong pamilya ko.

"Anu namang ginagawa ng princesa namin dito sa labas?" Nakangiting sabi ni Daddy at nilapitan ang batang babae. "Kain na tayo joy?" Nakangiting tanong nya tsaka nya binuhat ang batang babae.

Lumapit naman si kuya saamin at hinawakan sa kamay si daddy.

Isa nga akong Delgado! Kaya pala parang hinahanap ko ang pagmamahal ng isang ama dahil yun pala ang kinalakihan ko.

*FamilyDay*

Naalala ko ang park na ito dito kami madalas pumunta noon at dito din kami madalas maglaro ni kuya.

"JOY!!CHARLIE!!DAHAN DAHAN LANG SA PAGTAKBO!!" Sigaw ni mom habang inaayos ang mga pagkain sa banig na dinala namin dito sa park tuwing nagpipicnic kami.

"OPO!!" Sigaw naman ni kuya tsaka ako hinawakan sa kamay "Masaya ka ba joy?" Nakangiting tanong nya habang tumatakbo kami ng magkahawak kamay.

"Oo" masayang sabi ko.

Huminto kami sa fountain kung saan kami parating naglalaro, Tulad ng dati "May tiwala ka ba saakin joy?" seryosong tanong ni kuya sabay lahad ng kamay nya.

"Malaki kuya" determinadong sabi ko sabay patong ng kamay ko sa nakalahad nyang palad.

Ngumiti muna sya bago nagbilang ng 1.2.3. Bago kami Sabay na tumalon sa fountain.

Napangiti ako ng maalala ko lahat ng masasayang araw namin pati na rin yung mga kalokohan namin ni kuya.

Ngayun dalawang tanong lang ang kailangan ko ng kasagutan Paano kami nagkahiwalay?At bakit ko sila nakalimutan?

*Accident*

Ito yung araw na pinalayas kami nila lolo at lola sa mansyon dahil pinagbintangan si daddy na nagnakaw sa kumpanya.

Natakot kaming bumyahe dahil may bagyo pa at napakalakas ng ulan kaya lang wala kaming matitirhan kapag di kami bumalik sa hacienda namin sa probinsya.

"Daddy natatakot po ako" Napapaiyak na sabi ko.

Nasa driver seat si daddy, Si mommy naman nasa passenger seat samantalang nasa likod naman kami ni kuya.

"Don't be princess, Poprotektahan ko kayo ng mommy nyo ok?" Pagpapalakas ni dad sa loob ko.

"Makakauwi din tayo shaira I promise" sabi naman ni mom.

Tumango nalang ako tsaka yumakap kay kuya, Mapayapa naman Ang byahe namin ng may biglang sasakyan ang humarang sa daanan namin.

Hindi namin agad ito nakilala dahil sa dilim pero ng maaninag ito ng ilaw ng kotse namin ay laking gulat nila mommy ng tutukan ang kotse namin ng baril.

"L-Leo...." bulong ni mommy.

"Anung binabalak nya?" Tanong ni Dad kay mom.

"H-Hindi ko alam..." umiiling na sabi ni mom sabay tingin samin. "Ang mga bata chad!!Panu sila!!!" nag aalalang sabi ni mom.

"Charlie kapag nakarinig kayo ng putukan kailangan tumakbo na kayo ni shaira.!!Maliwanag?!!!" Maawtoridad na sabi ni dad.

"O-Opo!!" Sabi ni kuya sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko.

"A-Ayoko ko D-Dad!!" Pagtutol ko.

"Just do it princess" Nakangiting sabi nya sabay halik sa noo namin "Mahal ko kayo" bumalik na sya sa pagkakaupo nya tsaka inayos ang baril nila ni mommy.

" Mag iingat kayo ha? Mahal ko kayo tandaan nyo yan". Sabi ni mom bago sila lumabas ng kotse.

"May tiwala ka ba saakin joy?" Tanong ni kuya sabay lahad ulit ng kamay nya.

"Malaki kuya!!" buong loob na sabi ko.

Pagkarinig namin ng putok ng baril ay dali dali akong hinila ni kuya palayo sa lugar na yun. "Saan tayo pupunta kuya?" Tanong ko habang tumatakbo kami.

"Kahit saan!!basta makalayo lang tayo sa lugar na yun!!" Takbo lang kami ng takbo hanggang sa di na namin naririnig ang mga putok ng baril, Ok lang kaya sila mommy at daddy?.

Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon