#Dreamers (MORNING)

17.6K 308 0
                                    

Ilang hakbang lang ang ginawa namin bago kami nakarating sa special room, Tulad ng dati ay nakakamangha pa rin ang ganda at laki ng lugar, Kaya nga dina kami nagtataka kung bakit tuwang tuwa sila andrei,Charmaine,charles, valerie at mga anak ni fred tuwing naglalaro sila dito.

Sa dulo nakita namin si ate cha na binabantayan si charm na masayang sumasakay sa gumagalaw na kabayo, Lumapit kami agad sakanila na ikinatuwa ni charm kaya Lumapit agad ito kay andrei at niyakap.

"Anung nangyari kay monique?" Bulong ni ate habang pinapanuod ang mga bata at sila monique na masayang naglalaro.

"Siguro dahil din sa pagdating nila andrew?" Wala sa sariling sagot ko.

"Siguro nga?Di ko naman masisisi si monique kung nagkakaganyan sya dahil na rin siguro yun sa pagtataboy nila andrew sakanila ni tita mia noon" Napag alaman din pala namin na magkapatid si andrew at monique kaya ibig sabihin sila andrew ang kinukwento noon nila monique na pamilyang di sila tinanggap at pinagtabuyan pa.

"Kung pinagtabuyan sila noon?Anu namang ginagawa nila dito?" Akala ko ba ayaw nila kela tita at monique?Anung ginagawa nila dito?Natanggap na kaya sila tita sa pamilyang alcantara?.

"Baka dahil naisip nila na pamilya talaga nila sila monique" Napatango nalang ako at bumuntong hininga.

Naaawa ako kay monique, Himdi naman sya dating ganyan eh, Dati parati sya masaya hindi malungkot di tulad ngayon.

"Anu palang ginagawa ni fred dito?" Oo nga pala andito nga pala yung mokong na yun.

"Ewan ko nga te eh" kibit balikat na sagot ko "Puntahan ko muna yun" Tumayo na ko at nagpaalam kela renante bago ako pumunta sa kusina, alam ko kasing nagluluto pa yun hanggang ngayun, Madami na naman sigurong niluto yun.

Papasok na ko ng kusina ng marinig ko na parang may kaaway si fred sa cellphone kaya napahinto muna ako (Anu ba cecilia!!! Pagod na ko!! Hanggang kailan kaba maghihinala na may babae ako!!!........Wala akong babae......ikaw lang naman nagiisip nyan.......putcha naman......mahal kita........Wala nga akong babae!!.....Magtiwala ka naman!!!tang*na!!!.......) Aalis na sana ako sa pinto ng tawagin nya ang pangalan ko napansin nya sigurong nakikinig ako.

"K-Kanina kapa d-dyan?" Hindi ko sya sinagot sa halip ay lumapit ako sakanya at niyakap sya, Yakap ng isang matalik na kaibigan.

"Oo, Narinig ko lahat, Bat dimo sinabing nagkakaproblema na pala kayo?"

"W-Wag mo nang intindihin yun shai, Maaayos din yung problema namin" Humiwalay ako yakap nya, At tiningnan sya ng seryoso.

"Bakit dimo sya kausapin ng personal?Dapat hanggat may pagkakataon pa ay gumagawa kana ng paraan para mapatawad ka nya" Sabi ko na ikinangiti nya.

"Dami mong alam! Tulungan mo na nga lang akong ayusin tong mga niluto ko doon para makakain na tayo" Nakangiting sabi nya sabay gulo sa buhok ko na ikinanguso ko.

"Fred naman ehhh!". Reklamo ko, Buhok ko na naman kasi pinagtripan nya.

Sabay kaming pumunta sa dining area dala dala ang mga pGkaing niluto nya nasa likod naman namin si anna.

"Pakitawag silang lahat sabihin nyo kakain na". Utos ko na agad naman nilang sinunod.

Naghintay kami ng ilang minuto bago sila dumating at nakumpleto sa hapagkainan.

Nagsimula namang lambingin at asarin ni fred si charmaine at andrei, Napapailing nalang ako sa mga ginagawa nya, nasanay na rin ako dahil Parati syang ganyan tuwing dumadalaw sya hindi nya tinitigilan yung dalawang bata hangga't dpa sila umiiyak.

"Tigilan mo na nga sila fred" Umiiling na sabi ko.

Hindi na tuloy nakakakain ng maayos yung mga bata, Ang hilig kasing mang asar ng alfred na to, Alam nyo ba kung pano nya inaasar yung mga bata kinukurot lang naman nya sa pisngi si charmaine ayaw na ayaw pa naman ni charm na hinahawakan yung mukha nya tapos si andrei naman hinahalikan nya kaya naiirita yung bata hay naku! Bakit ang hilig hilig mang asar ng fred na to.

"Parang nanlalambing lang eh" Nakasimangot na sabi nya.

"Para ka talagang bata" Yumuko nalang ako para mapigilan ang tawa ko, Tinuon ko nalang ang atensyon ko kela charm at andrei na nasa gitna namin ni fred nasa harap naman namin sila andrew,baby,shane,geof at nasa magkabilaang dulo naman namin sila tita, mr.alcantara, monique at renante nasa kabilang side ko naman si charles at ate.

"Tita bakit di pa umuuwi si Daddy?" Biglang tanong ni charles, Tiningnan ko sya at si ate cha na napatingin din sa bata.

"Ahm busy ka si ang daddy mo, Pero dont worry sa outing natin bukas kasama sya" Nakangiting sabi ko, Oo nga pala napag usapan naming bukas nalang aalis at uuwi nalang kami dito sa fiesta (buwan ng anihan).

Tumango nalang si charles at tinuloy ang kinakain nya, Ganun na rin ang ginawa ko.

Malaki na nga talaga si charles at napapansin na rin nya na wala o busy parati ang daddy nya.

"Shai!....." Mahinang tawag ni fred sakin pero tama lang para marinig ko, Alam ko ring narinig yun ng ilan pero nag patay malisya nalang ang mga ito.

"Ano?" Tanong ko.

"Sayo nalang to...." Sumimangot nalang ako at ngumuso, Tsaka ko kinuha ang platong inaabot nya.

"Kahit kailan ka talaga fred" Sabi ko habang kinakain ang cheese na bigay nya.

Sa lahat kasi ng pagkain cheese ang pinaka ayaw nya ewan ko nga kung bakit eh, At ang mahirap pa nito kapag may ayaw sila saakin nila pinapakain.

"*cough*" Agad akong kumuha ng tissue at pinunasan ang bibig ni andrei hinaplos haplos ko rin ang likod nya.

"What happened?" Nag aalalang tanong nila napatigil din sila sa pagkain.

"Nabulunan po ata". sabi ko habang hinahaplos ang likod ni andei.

Ubo pa rin sya ng ubo, Diko na nga alam ang gagawin ko Bwisit! Bat diko kasi binantayan! "Tulungan na kita?" Dina ko nakatanggi ng bigla nyang kunin si andrei mula sakin.

binuhat nya si andrei at hinipan nya ang ulo nito, Paulit ulit nya itong ginagawa hanggang sa tumigil na sa kaiiyak at kakaubo si drei.

Nakahinga ako ng maluwag ng mga sandaling yun, "Salamat" May ngiting sabi ko.

Tumango lang sya tsaka hinaplos haplos ang likod ni drei, Nakakapagtaka ang hindi pag iyak ni andrei nangingilala at namimili na kasi ito ng taong lalapitan.

Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon