#Dreamers (PREPARING)

16.7K 293 1
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising para ayusin ang mga gamit namin ni andrei na dadalhin sa outing na pinlano nila.

Maaga akong natapos kaya ako na ang naghanda ng breakfast, Inaayos na ng mga kasambahay ang pagkain sa mesa ng mapagpasyahan kung tawagin na silang lahat.

Hindi na naman ako nahirapan dahil magkakatabi lang ang mga kwarto namin, Huli kong kinatok ang kwarto ni andrew at.........shane.

"Kakain na" Si andrew ang nagbukas ng pinto, nung tumingin naman ako sa loob ng kwarto nya ay nagtaka ako ng walang tao roon.

"Sino tinitingnan mo?" Nabaling ulit ang atensyon ko sakanya, Nakakunot ang noo nito at nakatingin sakin.

Nagiging maayos at nakakapag usap na rin kami. I guess? Mula kasi ng mangyari yung nabilaukan si andrei ay naging close na rin sya sa bata at pati sakin diko na nga napapansin nung oras na yun na tumatawa at ngumingiti na ko sakanya kaya tinuloy tuloy ko nalang ang pakikipagkaibigan sakanya kahit kaibigan lang.

"A-Ah w-wala...." Umiiling na sabi ko.

Masaya ako tuwing kausap sya pero yung galit at sakit ay di ko pa alam kung nawala na ba.

"Ahhhh..." Tumatangong sabi nya "Asan si drei?" Tanong nya bigla.

"A-Ahh andun kay fred, Dun kasi kami natulog kagabi" Sabi ko habang tinuturo ang kwarto na katabi ng akin.

Naglalaro kasi si fred at drei kagabi ng diko na namalayang nakatulog pala ako, Nagulat nga ako ng sa kwarto nya ko nagising katabi ko nun si andrei samantalang natulog naman sya sa sofa.

"Bat dun kayo natulog?" Tanong nya.

"Nakatulog kasi ako nung naglalaro sila sa kwarto ni fred eh" Sabi ko "Sige! kukunin ko lang si andrei"Naglakad na ko papunta sa kwarto ni fred ng naramdaman ko naman na sumusunod sya.

"Bakit dika ginising ng fred na yun at hinayaan kang matulog dun!Pucha!!" Nagtaka ako sa sinabi nya at ng tingnan ko ito ay nakita ko na naman ang inis at pagkadismaya ng mukha nya.

"Bakit gan---"

"---Shai?...." Naputol ang sasabihin ko ng may marinig akong pamilyar na boses sa likod ko.

"F-Fred...." Nakita ko sya kasama si andrei na sa tingin ko ay kakagising lang nila.

"Nagugutom na ko" Seryosong sabi nya habang nakatingin kay andrew.

"A-Ah sige, T-Tara!" Kinakabahang sabi ko, Alam ko kasing malaki ang galit ni fred kay drew at pinapalayo nya rin ako sakanya.

"Ako na ang magdadala sa bata" Hindi yun pabor na sabi ni drew kundi isang utos.

"Ayos lang pre!" Pagtanggi ni fred "Ayaw kasi ni andrei na lumalapit sa mga taong di nya KILALA!" Ok? Mukhang may kahulugan din yung sinabi ni fred.

Naunang naglakad si fred habang nakasunod naman kami ni drew "Anu bang problema nya?!!" reklamo nito.

Nagkibit balikat nalang ako at tahimik na sumunod kela drei at fred.

Alam ni fred yung nangyari samin ni drew kaya malaki ang galit nya dito, At hindi mo maipagkakaila yun sa pagtrato palang nya kay andrew.

"Shai?......." Nagulat ako ng biglang hawakan ni drew ang braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

"B-Bakit..?..." Kinakabahang tanong ko, Grabe ang lakas ng tibok ng puso ko! Matagal tagal na rin mula nung huli kung maramdaman ang mahawakan nya.

"I'Im sorry for everything....." Napaurong ako sa sinabi nya, Ewan ko kung bakit siguro dahil na rin sa gulat.

Sa lahat ng usapan itong paghingi nya ng sorry ang hindi ko pa pinaghandaan.

Oo ayos na kami at nakakaya ko ng humarap at kausapin sya pero yung galit ko dahil sa nangyari noon, Ewan ko kung andito pa ba sa puso ko.

"A-Ahh....h-hinihintay.....na.....n-nila.....ta-tayo......" Pag iwas ko sabay takbo! As in TAKBO!! Sh*t ang shunga shunga naman halatang umiiwas ako eh!!!

Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon