#Dreamers (MY REAL HOUSE)

18.9K 309 1
                                    

Tumingin ako sa labas ng bintana ng VAN na sinasakyan namin ngayun papunta Sa totoong bahay ko.

Si kuya lang ang sumundo sakin sa ospital may inaasikaso daw kasi sila mommy samantalang nagpapahinga naman si ate cha dahil buntis daw ito at sinasamahan naman sya ni charles.

Si andrew naman ay umalis na daw noong natutulog pa ko kaya tanging nurse at doctor lang na nagchecheck ng kalagayan ko ang una kung nakita paggising ko.

Nung una nagtampo ako sakanya dahil hindi man lang sya nagpaalam sakin na aalis na sya pero kinalaunan ay napag isip isip ko rin na kailangan din nya ng pahinga at hindi pa sya nakakauwi mula ng maaksidente ako.

"Ok kalang joy?" Tanong bigla ni kuya.

Ngumiti lang ako tsaka tumango "Ok lang ako kuya wag kang mag alala" Minsan joy ang tawag nila sakin minsan naman ay shai O shaira Nakakatuwa nga eh na parang ang dami ko ng pangalan dahil sa ibat ibang tawag nila sakin.

Ilang minuto lang ang naging byahe namin bago kami pumasok sa garahe ng isang malaking bahay.

Kasing laki lang ito ng bahay ni drew at kasing ganda ang pinag kaiba lang siguro ay ang mga tanim na halaman dito di tulad ng kela drew wala kang makikita sa hardin nya kundi mga damo lang. Di ata marunong  magtanim yun eh haha.

"Pasok na tayo?" Tumango lang ako tsaka sumunod kay kuya papasok sa loob bahay.

WELCOME HOME!!!!

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng biglang sumulpot sila mommy sa kung saan at sumigaw ng 'Welcome home' Napapailing nalang ako habang natatawang pinagmamasdan sila, Panu ba naman kasi nakacostume pa sila ng rabbit pati si charles ginawa ding rabbit.

"Thank you!!!" Tuwang tuwang sabi ko tsaka ko sila niyakap isa isa "Teka nga!!! Bakit lahat kayo nakacostume ng rabbit tapos si kuya wala" kunot noong tanong ko.

"Alam mo kasi shai yang kuya mo ang pinakamaarteng lalaki na nakilala ko kaya imposibleng mapasuot mo sya ng ganito" Sabat ni ate cha habang kumakagat ng mansanas Buntis nga....

"Mahal mo naman" Panunukso ko kay ate na ikinapula ng mukha nya.

"Wag mo na ngang asarin tong asawa ko joy!!!" Namumula ring sabat ni kuya sabay hila kay ate palapit sakanya.

Seriously?!!! Anu bang meron sa sinabi ko at pareho nila itong ikinapula, Sa tagal na nilang mag asawa may hiyaan pa ba sila sa isa't isa.

"haha tama na nga yang biruan nyo at baka lumamig na ang mga pagkain roon" Nakangiting sabi ni dad habang nakaakbay sa mommy ko na walang tigil sa kakatawa.

"Nga pala ate ilang months na yang nasa tiyan mo?" tanong ko kay ate cha habang kumakain kami.

"2 months...." Masayang sabi nya tsaka na nagsimulang lumapa Ay kumain pala hahaxd.

Tumawa nalang ako tsaka umiling iling habang pinagmamasdang kumain ng sunod sunod si ate cha samantalang todo alalay naman si kuya sakanya, Ang cute lang nilang tingnan hihihi.

Sana kapag totoong kinasal na kami ni andrew ganyan rin sya kasweet sakin.

Haaay!! Asan na kaya yung lalaking yun?bakit di nya ko tinatawagan o tinitxt man lang?Masyado ba syang napagod sa kakabantay sakin kaya hindi nya ko kinakamusta man lang ngayun.

Alam kung pangit ang nilalaro ang pagkain pero di ko lang talaga maiwasang tusuktusukin at imassacre tong pagkain ko sa sobrang pag iisip sa andrew na yun.

Nakakainis naman kasi eh!! Kahit pagod sya O kaya busy sana man lang nagtxt sya para kamustahin ako O kaya sabihin lang nya na nakauwi sya ng safe ayos lang sakin.

Di nga nya ako hinintay kanina eh! Bat naman kasi umalis sya ng di nagpapaalam?!! Humanda talaga sakin yun kapag nagkita kami.

"Shai ayos ka lang?" arggggh nasanay kasi ako na lagi ko syang kasama, Yan tuloy naghihirap ako ngayun.

"tita?" Nagulat ako ng biglang hinawakan ni charles ang kamay ko magkatabi kasi kami ngayun.

"H-Ha?!!May g-gusto ka b-ba?" Tanong ko sakanya.

Umiling iling lang sya sabay bitaw sa kamay ko at tinuloy ang pagkain nya.

Minsan talaga nagdududa ako kung bata lang ba talaga si charles para kasing alam nya kung may problema ba ang mga taong kasama nya at kung pwede ba syang makialam at magtanong.

In short mature na syang mag isip.

"joy anak may problema ba?Dimo ba nagustuhan ang pagkain?Magpapaluto ako kung gusto mo" Nag aalalang tanong ni dad.

Umiling lang ako tsaka bahagyang ngumiti "Hindi po dad wala lang po akong gana" wala sa sariling sabi ko "Pwede po bang magpahinga nalang ako?" Paki usap ko.

Nagtinginan lang sila tsaka sabay sabay na tumango "Sige shaira magpahinga ka muna, Magpasama ka nalang kay renante sa kwarto mo" Sabi ni kuya habang tinitingnan ako ng may pagdududa.

Umiwas nalang ako ng tingin tsaka sumunod kay renante Papunta sa kwarto ko.

"Salamat renante" Nakangiting sabi ko.

"Walang anuman ate" sagot naman nya, At Ng akmang isasarado ko na sana ang pintuan ng kwarto ko ng bigla nya kung pigilan.

"A-Ahmm may I-Itatanung lang p-po ako?" Nagkakamot sa batok na sabi nya "K-Kailan po tayo b-babalik sa h-hacienda?" nahihiyang tanong nya.

Naalala ko rin ang hacienda namin sa probinsya ni daddy, Dun kami lumaki ni kuya at dun ang totoong lugar namin bago kami napunta dito sa manila At bago kami nagkahiwalay.

"Hindi ko alam" Kahit gusto kung bumalik dun ay diko magawa dahil natatakot akong iwan si drew dito.

Di rin naman nagtagal at umalis na rin si renante, Samantalang agad naman akong humiga sa kama ko.

Iniisip ko yung tanong ni renante, Kung isasama ko kaya si andrew dun sasama kaya sya?Kaya nya kayang mabuhat malayo sa kabihasnan?Maraming tao din akong naalala nung nasa probinsya pa kami noon ni kuya, May mga kaibigan kami dun kaso hindi ko nga lang sila mamukaan.

Kamusta kaya yung hacienda namin dun?Naalagaan pa kaya yun?Napapanatili pa kaya ang ganda ng lugar na yun?Ang huling natatandaan ko ay ang mga malalaking lupain namin duon na may ibat ibang pananim na napagkakakitaan ng mga tao.

Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon