#Dreamers (OUTING)

16.5K 304 3
                                    

Nakarating kami sa villa rablador nung bandang hapon na, Dinaanan pa kasi namin si kuya sa bukid kung saan sya nagchecheck kung ng mga tanim.

Kinuha namin ang malaking bahay na inoffer samin ng villa, Medyo marami rami din kasi kami.

"ayos na siguro ito para satin"Sabi ni tita.

Tahimik lang silang lahat kanina buong byahe, parang walang gustong pumutol ng katahimikan.

"Tita aakyat ko na po muna si andrei sa taas" Nakatulog na kasi sya sa balikat ko.

"Sige shai mamili kana ng kwarto nyo" Sabi ni tita tsaka sya lumapit samin at hinalikan si andrei sa pisngi "Andrew samahan mo nga si shaira sa taas!" Nanlaki ang mga mata ko nung marinig ko yun kay tita, Langya!! Naman umiiwas nga muna ako eh!!!.

Naiinis na ko!! Di sakanya kundi sa sarili ko!!! Akala ko ba ayos na kami?!At akala ko ba kaya ko na syang pakisamahan?!! Bakit nung nagsorry sya biglang bumalik lahat!! Lahat ng sakit!!!

"Ako nalang po yung sasama kay shaira sa taas!" Rinig kong sabi ni fred.

Ng akmang kukunin na sana nya sakin si drei ng bigla syang pigilan ni geof at inakbayan ni kuya "Hayaan mo ng si andrew ang tumulong kay shaira fred" Pinanlakihan ko lang ng mata si geof! Nakakainis na sila!! Bakit parang nilalapit nila ako kay andrew!! At si kuya akala ko ba galit sya kay drew?!! Anung nangyayari ngayun?!!"Mabuti pa kami nalang ang samahan mo" Nanlambot ako ng tuluyan na nilang hilain si fred, At ibig sabihin si andrew ang tutulong sakin!! Arggh!! NO! Kaya ko ang sarili ko.

"Ako nalang yung aakyat sa taas kaya ko naman" Sabi ko pagkaalis nila kuya.

Umakyat nako ng hagdan MAG-ISA maybe?!!! May naririnig kasi akong mga yabag ng paa sa likod ko, Hindi ko nalang ito pinansin.

Pumasok ako sa pinakamalapit na kwarto, Presko ang pakiramdam sa loob may isang malapad na kama at may isa ring sopa, Tingin ko namam komportable dito si andrei.

"San ko ilalagay tong mga gamit nyo?" Haist!! Sumunod nga talaga sya!!.

"Pakilagay nalang dyan salamat!" Sabi ko ng di humaharap sakanya.

Ibinaba ko na si drei sa kama ng narinig ko ng nagsara ang pinto, Salamat naman at umalis din sya.

Umupo ako sa kama para ayusin si andrei, Inalis ko ang sumbrero at sapatos nya saka ko sinunod ang jacket na sinuot ko kanina sakanya.

Kapag pinagmamasdan ko sya parating pumapasok sa isip ko si drew, Marami kasi silang pagkakapareho at pagkakamukha.

Kapag malaki na sya, Impossibleng di sya maghanap ng ama at kapag nangyari yun siguradong wala akong masasagot.

Hinalikan ko muna sa noo si drei bago ako tumayo para ayusin yung mga gamit namin "AY TAE!!" Gulat na sabi ko ng humarap ako at makita ko syang nakasandal sa pintuan.

"Bakit andito k-kapa?!" Tanong ko.

Tiningnan nya lang ako ng seryoso "Bakit ayaw mo kong pakinggan?!!" Napaatras ako ng humakbang sya palapit sakin.

"A-Aah E-h?.....Pu....punta....mu....mu..muna ako sa l-labas!" Hindi sya umalis sa pinto ng binalak kung lumabas "Andrew!! L-Lalabas ako!!" Mahinang sigaw ko rito, Baka magising kasi si andrei.

"Let's talk please....." Pagsusumamo nito.

"Ok! Pero di ngayon!"Bahagya akong umurong ng mapansin kong masyado kaming malapit sa isat isa.

"Bu----"

"---please! Not now!" Seryosong sabi ko bago ako tumalikod at tinabihan nalang si andrei.

Ramdam ko ang presensya nya sa likod ko pero binalewala ko lang yun hanggang sa marinig ko nalang ang pagbukas sara ng pintuan, It means lumabas na sya.

Napabuga ako ng buntong hininga tsaka ko tinitigan si andrei, Ayoko ng masaktan dahil sa papa nya! Kaya ko naman sigurong palakihin si andrei kahit wala si drew sa buhay namin.

Naiinis lang ako sa sarili ko dahil akala ko ay hindi na ko mahina tulad noon!!

Nung makita ko kasi ulit sya ay parang nagbabalik lahat ng sakit at ang nakakapagtaka pa ay nakakalimutan ko lahat ng galit ko sakanya tuwing nasa tabi ko lang sya.

Akala ko ayos na ako sa kaibigan! Basta andito sya at nakikita ko kontento nako!! Ngunit diko alam na Isa palang pagkakamali yun dahil kahit anung pilit ang gawin ko sa isip at puso ko ay di ko pa rin yun kakayanin!!

Mahal ko kasi sya!! Mahal na mahal!!

Masakit lang isipin na may sarili na syang pamilya at di namin sya pwedeng makasama ni andrei.

000***000
para po sa aking mga dreamers<3 salamat po sa pagbabasa ng di ko kagandahang story<3

Kayo po ang inspiration ko sa bawat pagsusulat ko rito <3 Love you guys.....

Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon