Shaira's POV
Nagising ako sa di pamilyar na kwarto, Akala ko patay na ko dahil puro puti ang nkikita ko Akala ko nasa langit nako.
Pero ng ilibot ko ang buong paningin ko dun ko nakita ang lalaking mahal ko na natutulog ng mahimbing sa tabi ng kama ko habang hawak ang kamay ko.
Napangiti nalang ako habng pinagmamasdan ang perpekto nyang mukha Akala ko diko na sya makikita.
Dahan dahan kong inalis ang kamay ko na hawak nya tsaka ko hinimas himas ang buhok nya, Marami pala talaga akong walang alam tungkol sayo drew.
Kung magtatanong ba ko tungkol sayo sasagutin mo kaya ako?
Ngumiti ako ng Iangat nya ang ulo nya tsaka sya tumingin sakin
"Shaira.." sambit nya sa pangalan ko tsaka nya ko niyakap."Ok ka lang ba?" nag aalalang tanong nya pagkakalas ng yakap nya sakin.
Tumango lang ako tsaka ngumiti saknya, basta nasa tabi ko lang sya magiging ayos lang ako.
Sabay kaming napatingin sa pinto ng bumukas ito at pumasok ang isang babaeng miss na miss ko na.
"Mom...." tuwang tuwang sabi ko.
Ngumiti lang sya sakin tsaka ako niyakap ng mahigpit "Kamusta kana? Miss na miss na kita"
"Miss na miss na din kita mom" nakangiting sabi ko.
Tumingin ako sa likod nagbabakasakaling bisitahin din ako ni dad pero tulad ng inaasahan ko wala sya di man lang nya ko kinamusta.
"Busy lang ang daddy mo kaya wala sya dito" sabi ni mommy ng mapansin nya sigurong hinahanap ko si dad.
" Ok lang mom andito ka nman"sabi ko tsaka ako ngumiti kahit na nalungkot ako na wala man lang pakielam ang daddy ko sakin.
"Magpahinga kana muna" sabi nya sakin tsaka nya ko pinahiga sa kama ko dito sa ospital room ko.
Sasabihin ko sana na kakagising ko lang at ayoko pang magpahinga kaya lang ay binaling na agad ni mommy ang atensyon nya kay drew na labis kung kinabahala dahil sa seryoso at nakakatakot na pagtitig nya kay drew.
"Let's talk" seryosong sabi ni mommy kay drew.
Tumingin muna sakin si drew bago sya tumingin ulit kay mommy at tumango.
Kilala ko si mommy at alam ko na galit sya ngayun, Galit sya kay drew at natatakot ako dahil dun.
Ng makalabas na ng kwarto si drew ay susunod na dapat si mommy saknya kaya lang hinawakan ko ang kamay nya para pigilan sya.
Tiningnan nya lang ng may pagtataka hindi na rin nkakatakot ang aura nya.
"He save me mom" seryosong sabi ko saknya.Ngumiti lang sya tsaka nya hinaplos ang buhok ko.
"I know....." hinalikan nya muna ako sa noo bago tuluyang lumabas.Andrew's POV
"Anung nangyari Andrew?" kalmadong tanong ng mama ni shaira sakin.
"Im sorry diko sya na protektahan" kung hindi ko sana pinairal ang galit ko di sana nawala sa isip ko na kasama ko pala si shaira.
"Sabi ko sayo protektahan mo sya!!! Kaya ko sya pinatira sayo para masigurado ko ang kaligtasan nya pero bkit parang mas nanganganib pa sya sa puder mo!!!" nanggagalaiting sabi nito.
"Im sorry Ma'am dina po mauulit" paghingi ko ng paumanhin saknya.
"Siguraduhin mo lang Andrew kung ayaw mong mawala si shaira sayo" kalmado ngunit may pagbabantang sabi nito "Hindi kita sinisisi Andrew dahil ikaw pa rin ang nagligtas sa anak ko!! Pero kapag nangyari ulit to dina ko magdadalawang isip na kunin sya sayo!!" Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko.
Pakiramdam ko ay napakahina ko hindi ko man lang naprotektahan ang anak nya at ang babaeng mahal ko.
"Sabihin mo nalang kay shaira na may meeting pako kaya umalis nako agad" sabi nya tsaka na sya nagsimulang maglakad.
Hindi muna ako pumasok sa kwarto ni shaira pakiramdam ko kasalanan ko tong nangyari saknya.
Nung nkita kung natatakot at umiiyak si shaira ng tutukan sya ng baril ng Puny*tang jonel na yun ay pakiramdam ko gusto ko na syang ilibing ng buhay nun.
Natatakot ako na baka mawala sakin si shaira, ngayun lang ako ngmahal ng isang babae sa isang maiksing panahon lang.
I can't afford to lose her.
Not now.
And Never!!.
BINABASA MO ANG
Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)
Novela JuvenilHi xxbamchuxx :)) thank you very much for the cover photo. Masaya akong nakilala kita :) Paano kung ang magulong mundo ni Shaira ay lalong gugulo kapag nakilala niya ang isang Andrew Alcantara. Ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. Matatanggap...