Hi readers -*-
May gusto lang po akong ishare....
Yung nararamdaman po ni liro kay shaira ay hindi pa rin nawawala O nababawasan, mas malaki nga lang pagmamahal nya ngayun kay vanessa kesa sa pagtingin nya kay shaira.
Kaibigan at kapatid nalang ang tingin nya kay shaira mula ng makilala nya si vanessa.
Nakakalito po ba?Pakiintindi nalang po thank you -*-
Dream_Secretly ^_^
00000-----000000
Ayyy!!Nga pala tumatawag pala si shane ngayun, Nakalimutan ko.....
(Hello shane?) Humiga ulit ako sa kama ko tsaka pumikit.
(Bat ang tagal mong sumagot?!!) May pagkairitang sabi nya.
Hindi man lang nya ako kinamusta......
(S-Sorry shane H-Hindi ko k-kasi namalayan na T-Tumatawag ka p-pala....) Pagsisinungaling ko.
(Argggh by the way!!) Kahit di ko sya nakikita ngayun alam kung inirapan nya ko sa tono palang ng boses nya (Alam mo ba kung nasan si andrew?) Napakunot noo ako at napamulat ng mata sa tanong nya.
(Bakit mo sya hinahanap?) Takang tanong ko.
(Wala ka na dun!!Sagutin mo nalang ang tanong ko!!)Anu bang problema nya?Bakit sya nagkakaganito?May ginawa ba akong di nya nagustuhan.
(S-Shane may ginawa ba kong dimo nagustuhan?) Naluluhang sabi ko.
Matagal ko ng napapansing may iba kay shane, Yung tipong maraming tinatago saamin At ang ugali nyang mahilig manakit ng ibang tao physical man O Emotional, Pero never nya kong sinaktan O Pakitaan man lang ng galit Tanging Ngayun lang.
(WALA!!!MY GHAD SHAIRA!!!JUST ANSWER MY FUCKING QUESTION?!!!Para matapos na tayo!!!)
Napapikit nalang ako tsaka nagpalabas ng malakas na buntong hininga bago sya sinagot.
(H-Hindi ko a-alam.....) Mahinang sabi ko.
(Sigurado ka?!!) Mula ng umalis ng ospital si andrew ay di na sya nagparamdam sakin At wala na rin akong balita kung nasan na sya O kung nasa bahay ba sya.
(Oo....) Determinadong sagot ko.
(Argggh nakakainis akala ko pa naman alam mo kung nasan sya!!!!!) Bakit nya ba hinahanap si drew?May kailangan ba sya dito?Sana naman mali ang iniisip ko.
Sana hindi totoo na may gusto sya kay drew gaya ng hinala ko dati.
(Pasensya na shaine pe----Tooot! Toooot!) Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla na nyang patayin ang communication namin.
Ilang minuto lang akong nakatingin sa phone ko at umaasang tatawag sya ulit at magsosorry saakin O kaya kakamustahin man lang ako pero wala, Hindi na sya nagparamdam ulit.
Isa pang hinihintay kung tumawag ay si andrew, Hindi ko alam kung anong nangyayari sakanya ngayun O kung asan na sya.
Sinubukan ko syang tawagan pero parating Out of coverage area ang phone nya, Tnxt ko na rin sya pero wala akong reply na natanggap kahit sila kris at jin sinubukan ko ring kontakin pero Out of coverage area din ang mga phone nila tulad ng kay andrew.
Asan ka na ba kasi drew?Bakit di ka nagpaparamdam sakin?Kahit isang araw lang tayong di nagkita ay parang taon na para saakin.
Tok! Tok!
"Sino yan?" Wala sa sariling tanong ko.
"Ate si renante po ito, Pinapatawag na po kayo sa baba maghahapunan na raw po" Tiningnan ko lang si renante saglit tsaka tinanguan.
"Sige susunod na ako, Salamat....."Sabi ko.
Bahagya lang akong ngumiti ng magpaalam na sya.
0000----0000
Pagkatapos naming maghapunan ay umakyat na agad kami sa mga kwarto namin, Napagod daw kasi sila mommy at daddy sa pag aayos ng mga gulong iniwan ni tito leo, Samantalang Kailangan na daw nila ate cha at charles na matulog dahil bawal daw sakanila ang mapuyat kaya pati si kuya naobligang matulog ng maaga hindi daw kasi makatulog si ate tuwing buntis kung wala si kuya sa tabi nya.
Pagkaakyat ko ng kwarto ay sinubukan ko ulit na kontakin si andrew pero gaya kanina Out of coverage area na naman ang phone nya pareho ng sakanila kris at jin.
Bakit diko sila macontact?Anu bang nangyayari sakanila?Naiinis na ko drew!!Hindi ako sanay na wala tayong komunikasyon sa isat isa.
Pumunta ako sa bintana dito sa kwarto ko at pinagmasdan nalang ang mga butuin, Buti pa ang mga bituin madali mong makita di tulad ng mga taong hirap na hirap mong makita.
Bumuntong hininga muna ako bago ko napagpasyahang itulog nalang lahat ng iniisip ko ngayun at pag aalala kay drew.
Isasarado ko na sana ang bintana ng may napansin akong di pamilyar na itim na Van sa harap ng gate namin.
Nung una ay nagtaka pa ako dahil wala akong natatandaang may kotse kaming ganyan, Pero binalewala ko lang yun Hanggang sa may isang tao ang lumabas dun at nginisian ako.
Sa ngisi nyang yun ay nakaramdam ako ng kaba, Naramdaman ko rin ang pagtaas ng balahibo ko, Hindi ko alam kung bakit bigla akong binalot ng takot sa isang ngisi lang ng misteryosong tao na yun, Ni hindi ko nga sya kilala.
Dali dali ko ng sinarado ang bintana ko tsaka na ko humiga sa kama ko.
Alam kung wala ng makakasakit sakin mula ngayun yun ang sabi ni drew kaya yun ang panghahawakan ko.
BINABASA MO ANG
Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)
Fiksi RemajaHi xxbamchuxx :)) thank you very much for the cover photo. Masaya akong nakilala kita :) Paano kung ang magulong mundo ni Shaira ay lalong gugulo kapag nakilala niya ang isang Andrew Alcantara. Ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. Matatanggap...