#Dreamers (DON'T)

24K 1K 10
                                    

Shaira's POV

Pinauna ko na sila liro at shane sa room dahil pupunta pako sa locker ko, kaya mag isa lang akong naglalakad ngayun papunta sa locker room.

Ng makarating nako sa locker ko ay di nako nagulat ng halos mapuno na ng love letter at mga regalo ang locker ko.

Sayang nman kung itatapon ko ang mga ito ng hindi man lang nkikita at nababasa tsaka ang rude ko nman ata kung balewalain ko nalang lahat ng to.

Kaya nakangiti kung nilagay lahat ng love letter at gifts sa bag ko bubuksan at babasahin ko nalang ito mamaya sa bahay ni drew di nman siguro magagalit yun.

Pagkatapos kung mailagay lahat sa bag ko ay dina muna ako umalis chineck ko muna yung ibng gamit ko kung buhay pa ba.

Nililinis ko na rin ang locker ko siguro sa sobrang tagal ko ng di napupuntahan to ay punung punu na ng mga agi at alikabog.

Napatigil ako sa paglilinis ng marinig kona nman sila mia na mukhang may nilalandi na nman, diko nman dapat sila papansinin dahil sanay na rin ako sa kanila kaya lang parang kumulo ang dugo ko ng mLaman ko kung sino ang nilalandi nila.

"Sige na drew sumama kana samin, At sisiguraduhin nming magiging masaya ka" malanding sabi ni mia habang nakakapit kay drew na tuloy tuloy lang sa paglalakad papunta sakin.

"Bakit ka umalis ng mansyon ng di ako kasama?!" tanong ni drew ng makalapit na sya sakin.

Tinaasan ko lang sya ng kilay tsaka ako tumingin sa braso nya kung saan may nakakapit na parang tuko.

"Kasi po kung matulog ka parang wala ng bukas!! Masyado kang tulog mantika kay iniwan nalang kita!!" mataray na sabi ko habng nakatingin kay mia na parang tuko kung makakapit kay drew.

Bakit ba may mga taong pinanganak na para maging tuko at manira ng araw ng ibang tao.

"Dapat hinintay mo pa rin ako!!" naiiritang sabi nya.

"Magpasalamat ka nga sakin eh dahil kung hinintay kita may tuko bang kakapit sayo" Sabi ko tsaka ko pasimpleng tinulak si mia tsaka na ko kumapit sa braso ni drew " Pero ok lang basta sila ang kakapit sayo at hindi ikaw" pagpapatuloy ko tsaka ko nginisian sila mia na gigil na gigil na sa galit ngayun.

"Bitch!!Ang kapal ng mukha mong tawagin tong ganda ko ng tuko" nangigigil nyang sabi, habang nasa likod lang nya ang mga alalay nya.

"Ganda?" tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa tsaka ako ngumisi " Sa pagkakaalam ko damit at mga alahas mo lang naman ang maganda sayo!!" Naka cross arm kung sabi.

"Maganda ako sabi ng parents ko!!?" pagmamalaki nya.

Nakita ko nman na mas nainis sya ng natawa ako sa sinabi nya.
"Alam mo dalawa lang nman ang ibig sabihin kung bakit ka sinasabihan ng maganda ng parents mo eh kahit mukha kang tuko" tumigil muna ako tsaka ko humakbng palapit lalo saknya "Una baka malabo na ang mga mata nila" nakangising sabi ko tsaka ko itinapat ang bibig ko sa tenga nya "Pangalawa baka Napipilitan lang sila" ngumiti ako ng nkakaloko ng ilayo ko sa tenga nya ang bibig ko at lalo namang lumapad ang ngiti ko ng makita kung namumula na sya sa galit.

"BITCH!!!" Nanggagaliiting sabi.

Balak nya sana akong sampalin ng may biglang pumigil sa kamay nya na dapat ay dadapo sa pisngi ko.

"Don't you dare hurting my wife!!" kalmado ngunit seryosong sabi ni drew.

Napalitan nman ng takot ang ekspresyon ng mukha nila mia na kanina ay gigil na gigil sa galit.

Tinaasan ko nalang ng kilay sila mia bago ko hinila palayo si drew sa kanila.

Yung mga tingin na nman nya kasing nakakatakot eh yung parang kakain ng tao kung makatingin.

***********
Kung may nagbabasa man po ng story ko ay maraming salamat po at magpapasalamat pa po ako kung bibigyan nyo po ako ng vote thank you po mwa*-*

Paalala ni Dream_Secretly:
Lahat po ng mga pangyayari at mga words po na mababasa nyo dito ay pawang kathang isip lamang ng malikot na utak ni miss author.

Kung may mga words or panyayari po kayo na ayaw o pangit dito sa story na to ay ako na po ang humihingi ng pasensya para sa utak ko.

Pwede po bang humingi ng vote kahit di nman kagandahan ang story ko.

Thank you po^_^

Pakibasa din po ang dalawa kung story ang HE's THE MAFIA BOSS at ang. REVENGE NI Mr. NERD.

I Love Vote ^_^
Salamat sa mga readers ko at mga nagtyatyaga sa mga story ko love you talaga guys sagad sa buto ang pagmamahal ko sainyo.


Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon