#Dreamers (SENSE's)

21.6K 469 10
                                    

"Para saan ba kasi yung mga bodyguards na sunod ng sunod saatin?!" Naiiritang sabi ko.

Ilang araw na kasing may sumusunod at nagbabantay samin kahit san kami magpunta andun sila.

Tapos kapag umaalis si drew hindi ako makalabas ng bahay kasi di daw pwede delikado daw, bawal din akong gumamit ng cp o telepono kung walang magbabantay sakin.

Para akong preso dito, Bawat galaw ko dapat may makakaalam at dapat kung may pupunta o gagawin ako dapat may kasama akong bodyguards kulang nalang pati paghinga ko ipaalam ko pa sakanila.

Hindi ko rin maintindihan si drew, Wala nman kaming kaaway para magpabantay pa kami ang pagkakaalam ko wala nmang taong may galit samin tsaka halos pinuno nya ng CCTV camera tong mansyon nya.

"For security protection shaira......" Sagot nya habng nakafocus pa rin ang tingin sa kalsada.

Nasa byahe kasi kami ngayun papunta sa isang resort na pagmamay ari ng Daddy nya gusto daw kasi nyang magbakasyon dun, Nung tinanong ko sya kung ganu kami katagal dun sabi nya 1week lang daw pero kung makapag impaki sya akala mo dun na kami titira.

"Alam ba nila mommy na may pupuntahan tayong resort?" Hindi ko na din kasi nakakausap sila mommy masyado ata silang busy ngayun.

"Ang mommy mo lang, Susunod daw sya satin dun"

"Si daddy?" Namimiss ko na rin sya kahit parati syang galit sakin.

"Hindi ko alam?" Nagdadalawang isip nyang sabi.

"Matulog kana muna malayo pa ang byahe natin gigisingin nalang kita pagdating natin dun" Ngumiti lang ako ng pilit tsaka tumango.

Pagod na rin naman ako at pakiramdam ko babagsak na rin ang mga mata ko sa antok.

******

Nagising ako ng may narinig akong mga kalabog mula sa kusina ng bahay na pinagdalhan sakin ni drew.

"drew?....." luminga linga ako sa paligid ng kwarto na kahit gabi na ay maliwanag pa rin dahil sa nakabukas na ilaw.

Asan kaya sya?Bakit di pa sya nagpapahinga?Malayo pa naman ang binyahe namin kanina kaya sigurado akong pagod na pagod na yun.

Tumayo ako tsaka naglakad palapit sa bintana dito sa kwarto, Ng dumungaw ako ay dina ko nagtaka na may mga taong nakapalibot sa buong bahay At ng pinagmasdan ko ng mabuti ang buong paligid ay diko maiwasang di mamangha dahil sa sobrang ganda ng lugar.

Kahit medyo madilim na ay makikita mo pa rin ang ganda ng buong paligid maraming malalaking puno din ang nakatayo sa paligid at ginagawang tahanan ng maraming ibon.

Kahit nag iisa lang ang bahay na to na nakatayo dito ay dimo pa rin mararamdaman ang pagkainip dahil pagmasdan mo lang ang buong paligid ay maaaliw ka na.

Tumingin muna ako sa kalangitan bago ko napagpasyahang lumabas at hanapin si drew.

*****

Napatigil ako sa pagbaba ng hagdan ng marinig ko na naman ang malakas na kalabog mula sa kusina.

"DREW!!!...." Tawag ko sakanya.

"Drew Asan ka?!!!" Nakakapagtaka naman ang biglang pagtahimik ng buong bahay hindi ko na rin naririnig ang mga ingay.

"Ahhhh!!!....." Sigaw ko ng biglang mamatay ang mga ilaw.

"Drew!....Asan ka?....Natatakot nako!!...." Ayokong mag isa lalo na sa madilim na lugar.

"S-sino yan?..." Nanginginig na sabi ko ng may narinig akong humahakbang sa hagdan palapit sakin.

Nanginginig akong napahawak ng mahigpit sa hawakan ng hagdan ng may narinig akong bumagsak, parang may nahulog sa hagdan ng kung ano.

BAAAAAAAAANG!!!

BAAAAAAAAAAAANG!!

BAAAAAAAAANG!!

Napakurap ako ng may narinig akong mga putok mula sa labas ng bahay.

Pakiramdam ko mawawalan na ko ng hininga dahil sa matinding kaba.

Napaatras ako ng maramdaman kung may papalapit na naman sakin, Gusto kung tumakbo pero natatakot ako na baka habulin nya ko, Gusto ko ring sumigaw at tawagin ang pangalan ni drew pero natatakot ako na baka may bigla nalang magpaputok sakin.

Kailangan kung makaalis dito, Kailangan kung hanapin si drew baka kung anu nang nangyari sakanya.

Tatakbo na sana ako paakyat ulit sa hagdan ng may biglang humila sakin at tinakpan ang bibig ko.

"Hmmmmmmmmp!!!......."

Pagpupumiglas ko.

"Shhhhhhhh it's me....." bulong nya "It's me shaira.."

Mahinang sabi nya bago nya tinanggal ang kamay nya sa bibig ko.

"Drew?..."Kinakabahan pa ring sabi ko tsaka ko sya niyakap ng mahigpit "A-Akala ko may nangyari ng masama sayo....." Ayokong lumayo sakanya dahil pakiramdam ko ligtas ako kapag nasa tabi ko lang sya.

"Im sorry kung pinag alala kita....." Mahinang sabi nya tsaka na sya kumalas sa yakap namin at hinawakan ang kamay ko "Kailangan na nating umalis dito....." Dahan dahan kaming bumaba sa hagdan at sinisiguradong wala kaming pinapakawalang ingay habang bumababa.

"Anu bang nangyayari drew?" Bakit pakiramdam ko may gustong pumatay samin?Wala naman akong natatandaang nakaaway namin.

"Ipapaliwanag ko rin lahat sayo kapag naalis na kita sa lugar na to....." Sabi nya bago binuksan ng dahan dahan ang pinto.

Napayakap lang ako kay drew at nagtago sa dibdib nya ng diko na nakayanang tingnan ang mga taong halos maligo na sa sariling dugo.

"Hindi mo dapat nakikita ang mga bagay na to....." seryosong sabi nya habang inaakay ako papunta sa kotse na ginamit namin kanina, nasa likuran na rin ang mga body guards namin.

Hindi na ko nagsalita mas pinili ko nalang ang manahimik dahil diko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko.

Pagdating namin sa kotse ay agad nya na akong pinapasok dun tsaka nya kinausap ang mga bodyguards namin bago na rin sya pumasok sa loob ng kotse tsaka na sya nagsimulang magmaneho.

****'
Pangit po ba?

Dream_Secretly ^_^.

Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon