#Dreamers (1 YEARS PAST)

19.2K 320 5
                                    

Sabi ko naman guys minamadali ko na ito kaya medyo nakakalito hihi sorrrey!!

Thanks nga po pala sa mga dreamers ko dyan nagbabasa at nagvovote ng story ko love u talaga guys mwaaa-*-

Sensya na po sa matagal tagal ako kung mag apdate hina po kasi connection dito sorrey!

000--000

Nagising ako dahil sa isang iyak ng bata sa tabi ko, Ng tumingin ako sa orasan sa kwarto ko ay napasapo nalang ako ng noo dahil ginising na naman ako ng batang 'to ng madaling araw.

"Nagugutom na naman ba ang baby ko?" Medyo inaantok na tanong ko.

Napangiti at napailing nalang ako ng tanging halakhak na naman ang isinagot nya.

Parati syang ganyan tuwing umiiyak sya at ako ang bubuhat sakanya Pakiramdam ko nga marunong ng maglambing tong batang to kapag ibang tao kasi ang magpapatahan sakanya ay aabot pa sila ng ilang oras bago sya titigil sa kakaiyak pero kapag ako makikita nya palang ang mukha ko tatahan na sya at ngingiti.

"Bat ang aga mong magising andrei?" Sabi ko habang hinahalikan sya sa pisngi.

ANDREI pala ang ipinangalan ko sakanya isinunod ko sa pangalan ng papa nya ANDREW hindi ko nga lang magagamit sakanya ang apelyido ng ama nya dahil sigurado akong may ibang pamilya na yun ngayun.

AnDREI--AnDREW

Nilalaro ko lang si andrei habang naghihintay ako ng umaga, Nawala na rin ang antok ko dahil sa mga ngiti nya.

Kahit pagod ako dahil sa pag aasikaso ng hacienda ay sinisigurado ko pa rin na may oras ako sa pamilya ko lalo na kay andrei AT kahit nalulungkot pa rin ako tuwing naaalala ko ang mga nangyari samin ni Andrew ay nawawala rin naman agad yun tuwing nakikita ko si andrei, Tuwing nakikita ko ang mga ngiti nya at tuwing naririnig ko ang mga tawa nya.

Tulog si andrei ng iwan ko sya para mag ayos muna sandali, Saktong pagsikat kasi ng araw kailangan ko ng ilabas at dalhin sa garden si andrei Namumula kasi yung balat nya kapag hindi sya napaarawan ng maaga.

Knock! Knock!

"Tuloy!" Sabi ko sa kumakatok saktong paglabas ko ng banyo.

"Ate?!" Nakangiting dumungaw si monique sa pinto habang nasa likod naman nya si renante.

"Ang aga nyo ah?!" Sabi ko sabay kuha ng damit ni andrei sa cabinet nya.

"Pinapasabi kasi ni mommy na uuwi na sila ngayun dito?" Napatingin ako sakanila.

"Sila?May kasama ba ang mommy mo?" kunot noong Tanong ko.

"Hmmm sabi nya eh" Kibit balikat na sabi nya.

Tumango tango nalang ako tsaka ko na sinimulang bihisan si andrei, Nasa tabi ko lang silang dalawa habang binibihisan ko si andrei.

Magsyota pala silang dalawa Kaya pala atat na atat umuwi dito si renante noon kasi may naghihintay pala sakanya Samantalang anak naman ni tita mia si monique, Si tita mia ang tumulong sakanila daddy at kuya noong balak silang patayin ni tito leo kaya malaki ang utang na loob ko sakanila.

"Ate pwede bang kami na ang magdala kay andrei sa garden?" May paglalambing na sabi ni monique.

"Oo nga ate kami nalang" Dugtong din naman ni renante.

"Sige! Pero wag nyo syang ilalabas ng gate ok?" Pagsang-Ayon ko, Kailangan ko rin kasing ipaghanda si andrei ng pagkain nya 9 months na kasi sya kaya pwede na syang pakainin ng cerelac, Lugaw, Biscuit O kahit anung pagkain na kaya at pwede na nyang kainin.

"YES!" tuwang tuwang sabi nila.

Napapailing nalang ako tsaka ko na inayos ang mga gamit ni andrei na nakakalat sa kwarto.

Pinadala ko na rin kela renante ang stroller ni andrei Para dun ko nalang sya ilalagay kapag pinakain ko sya.

Pagkatapos kung mag ayos ay bumaba na agad ako sa kusina para ipaghanda ng makakain si andrei.

Nga pala kaaalis lang nila liro at vanessa kasama si valerie 9 months na anak nila kahapon papuntang manila, Balak kasi nilang sorpresahin ang mga magulang nila at Dalhin dito pagbalik nila kaya lumuwas muna sila ng manila.

Samantalang nasa singapore naman sila mommy at daddy para icelebrate ang Anniversary nila, Niloloko ko nga sila na ang tanda tanda na nila at may mga apo na sila pero nagaaniversary pa sila, Tinatawanan lang nila ako at sinabihang 'Ganyan talaga anak kapag nagmamahal ka, Kahit matanda na kayong pareho basta't mahal na mahal nyo ang isat isa ay ayos lang kung aalalahanin nyo ang isa sa mga pinakaimportanteng araw ninyo bilang mag asawa'

Kapag sinasabi nila ang napakahabang salitang yan ay napapatigil at napapatulala nalang ako.

Naisip ko Oo nga naman kung mahal nyo talaga ang isat isa ay di nyo pa rin makakalimutan ang pinakaimportanteng araw nyo kahit matanda na kayong pareho.

Kami kaya ni drew?Kung mahal nya pa kaya ako at ako ang napangasawa nya masaya rin kaya kami? Katulad nila mommy at daddy Magiging mapagmahal na magulang at asawa kaya kami? Alam kung hindi ko dapat iniisip to pero hindi ko lang maiwasang isipin kung panu O ano kaya ang buhay namin kung kasama namin sya ni andrei.

Naiinis na nga ako sa sarili ko dahil dapat galit ako ngayun! Hindi dapat ako nagiisip ng ganito! Hindi ko dapat pinagpapantasyahan ang taong may asawa na!! Parati kung tinatatak sa isip ko na Tama na!!Niloko ka nya shaira at sinaktan ka nya ng husto!! Pero kahit anung galit ko!Kahit anung inis Parati pa rin akong binubulungan ng puso ko 'Walang masamang magmahal shaira lalo na at yun yung tanging lalaking nagpatibok ng puso mo!' Naguguluhan na ako diko alam kung anung pipiliin ko!Kung ano at sino ang susundin ko!.

Isang taon na ang nakalipas pero ang nararamdaman ko parang kanina lang!Lahat ng sakit na nararamdaman ko parang kahapon lang! Si andrei lang ata ang nagpapaalala sakin na Taon na ang lumipas mula ng pumunta ako sa kasal nila andrew at shane.

Malaki na rin siguro ang anak nila, Masaya kaya sila?Naaalala kaya nila kami ni geof?Si geof kaya ganun pa rin ang nararamdaman kay shane?Hindi na kasi sya nagkkwento tungkol kay shane kapag tatanungin ko naman sya puro iwas lang ang ginagawa nya.

"Oh?Shai anung ginagawa mo dito?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si ate cha sa harapan ko.

"Nakakagulat ka naman ate!" Nakahawak sa bandang pusong sabi ko.

"Haha ang seryoso kasi ng mukha mo dyan!" Tawang tawang sabi nya "By the way anu pa lang ginagawa mo dito?" Kunot noong sabi nya.

"Tingin mo te anung ginagawa sa kusina?" Nakataas ang kilay na sabi ko "Naliligo?" Pilosopong dugtong ko.

Tiningnan nya lang ako ng masama tsaka inirapan "Whatever!" Pikon na sabi nya na ikinatawa ko.

"Hahaha Masyado kang pikon ate haha!" Natatawang sabi ko sabay akbay sakanya "By the way asan na ang mga bata?!" Pagbabago ko ng topic.

Nagaaral na pala si charles ng grade 1 ngayun samantalang nag isang taon palang ang bunso nilang si Charmaine 3 buwan na ang nakararaan.

"Ayun Pumasok na ng school si charles Samantalang nakikipaglaro naman si charmaine kela renante, monique at andrei" Sabi nya habang kumukuha ng maiinom sa ref.

"Ahhh?Eh si kuya?" Tanong ko.

Uminon muna sya ng tubig bago sumagot "Buti natanong mo yan! Alam mo yang kuya konting konti nalang talaga pagagawan ko na yan ng kubo sa taniman ng mga palay!!!" Naiiritang sabi nya.

"Anu na namang ginawa ni kuya?" Nakasalubong ang kilay na sabi ko.

"Hindi na naman umuwi kagabi!!Nakakainis na yang kuya mo ha?Baka di ako makapagpigil at sunugin ko ang mga damit nya dito!" Napabuntong hininga nalang ako, Mula ng magkaproblema nung isang buwan ang mga taniman ng palay ay di na yun nilubayan ni kuya kaya siguro naiinis na rin si ate sakanya.

Next chapter -*-

Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon