Pwedeng humingi ng request pwede po ba ninyong imessage lahat ng ayaw at mali sa pagsusulat ko para po maitama ko salamat po.
Dream_Secretly^_^
********
"Hindi pa ba tayo uuwi?Ilang araw na kasi tayo dito" Tanong ko sakanya.Tiningnan nya lang ako tsaka nya hinawakan ang dalawa kung kamay "P-Panu kung masama akong tao,M-Mamahalin mo pa ba aa-ko?" Seryosong sabi nya.
"Di kita maintindihan?" Naguguluhang sabi ko, Bat ganyan sya ngayun dahil pa rin ba sa nangyari sa resort.
"M-Mamahalin mo pa ba ako?" Tanong nya ulit.
"Mahal kita...." Sabi ko "Anu bang kinalaman ng pagmamahal ko sayo?" Naguguluhang sabi ko.
Tiningnan nya lang ako tsaka sya yumuko at pinaglaruan ang mga kamay ko.
Ng binalik nya ang tingin nya sakin ay nagsimula ng maglikot ang mga mata nya nararamdaman ko rin ang panginginig ng mga kamay nya na mahigpit din namang nakahawak sa mga kamay ko.
"Drew?...." Nakakunot noong sabi ko, Tiningnan nya ko diretso sa mata tsaka ko napansin na may namumuong luha sa gilid ng magaganda nyang mata.
"I-Im a M-Mafia boss shaira.........." Natigilan ako hindi dahil sa sinabi nya kundi dahil sa pagtulo ng mga luha nya "M-Matatanggap.....mo........pa.....ba.....A-Ako?"....."
Wala akong nagawa kundi ang titigan sya habang patuloy sa pagtulo ang mga luha nya, Ngayun ko lang nakitang umiyak ng ganito si drew at ibang takot ang pinapakita ng mga mata nya.
Takot ba syang mawala ako sakanya?
Ng akmang tatanggalin ko sana ang mga kamay ko sa pagkakahawak nya ay bigla naman syang nataranta at lalong hinigpitan ang pagkakahawak nya sa kamay ko.
"I-Iiwan.....mo....na.....ba.....a....ako......" Natatarantang sabi nya.
Umiling lang ako habang kunot noong nakatingin sakanya.
Napabuntong hininga lang sya tsaka nya niluwagan ang pagkakahawak sa mga kamay ko "I-Im a mafia boss shaira......." Ulit nya.
Lumapit ako sakanya tsaka ko dinikit ang noo ko sa noo nya "I know......" Halos pabulong kung sabi sakanya tsaka ko hinaplos ang pisngi nya.
"W-what?!!...." Gulat na gulat na sabi nya bahagya din syang napaatras dala na rin siguro ng gulat nya.
Tiningnan ko sya sa mata kahit alam kung nanghihina ako tuwing nakikita ko ang lungkot at paghihirap nya dun. "Alam mo bang matagal ko ng iniisip na isang mafia ang lalaking mahal ko?" Sabi ko habang titig na titig sakanya "Sabi ko nun sa sarili ko na kahit ano o sino ka pa ay tatanggapin ko......" Basta parati kitang kasama, Kahit ikamatay ko pa basta nasa tabi lang kita.
Napangiti ako ng lumambot na ang expression ng mukha nya bumalik na rin sa pagiging mysteryoso ng mga mata nya.
"Hindi ko nga lang inaakalang boss ka pa?" Kunting biro ko sakanya.
"H-Hindi moko I-Iiwan?" Tanong nya tsaka nya hinawakan ang pisngi ko.
Ngumiti lang ako tsaka umiling.
"Di ka galit sakin?"
"Bakit naman ako magagalit sa isang andrew alcantara?" Nakangising sabi ko.
Lumapad naman ang ngiti nya pero agad din namang nawala yun tsaka sya nagtanong ulit "H-Hindi ka ba natatakot S-sakin?" Seryosong sabi nya.
Natahimik ako saglit tsaka ako bumuntong hininga "Natatakot......" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla nyang tanggalin ang mga kamay nya sa pisngi ko.
Ng tingnan ko sya ay iba na naman ang expression ng mukha nya pero dina tulad kanina, ngayun naman ay bakas sa mukha nya ang pagsisisi at galit.
Napatayo ako sa gulat ng bigla nyang suntukin ang pader "ANDREW?!!" Nanlalaking matang sabi ko.
Nilapitan ko sya tsaka ko hinawakan ang kamay nyang dumudugo "ANU BANG GINAGAWA MO?!!WAG MO NGANG SAKTAN ANG SARILI MO!!!" Galit na sabi ko tsaka ko sya pinaupo ulit sa sofa.
Kukunin ko sana ang first aid kit sa banyo ng bigla nyang hawakan ang kamay ko "H-Hindi....ko.....S-sinasadyang....maging....ganito.....A-Ako....." Sabi nya tsaka nya ko biglang hinila palapit sakanya kaya napaupo ako sa lap nya.
Tatayo na sana ako ng bigla nya kung niyakap at siniksik ang mukha nya sa leeg ko. "W-wag...mo...kong...k-katakutan...." Pakiramdam ko nagsitaasan lahat ng balahibo ko ng maramdaman ko ang hininga at labi nya sa leeg ko.
"H-Hindi ako natatakot sayo drew" Sabi ko.
SHIT.!!
Shit lang talaga!!
Pakiramdam ko mas mainit na ngayun ang mukha ko kesa sa kumukulong tubig.
"Mas natatakot ako kung iiwan at mawawala ka sakin" Seryosong sabi ko "Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa mawala ka sakin" pagpapatuloy ko.
Mas gugustuhin ko pang mamatay wag lang sya mawala sakin.
Tatanggapin ko sya kahit na sya ang pinakamasamang tao sa buong mundo at kahit na sya pa ang maging dahilan ng kamatayan ko ay buong puso ko pa rin syang mamahalin.
Buong buhay kung hinintay ang isang Andrew alcantara na magmamahal at mag aalaga sakin kaya hindi ko na palalampasin pa ang pagkakataong ito.
Pagkakataong Mahalin sya.
AT
Maramdaman ang pagmamahal nya.
.......Sana wag nyang sayangin yun balang araw.
BINABASA MO ANG
Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)
Ficção AdolescenteHi xxbamchuxx :)) thank you very much for the cover photo. Masaya akong nakilala kita :) Paano kung ang magulong mundo ni Shaira ay lalong gugulo kapag nakilala niya ang isang Andrew Alcantara. Ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. Matatanggap...