Magigising na kaya siya?hihihi ang dami kasing panaginip ni shaira eh.
Love you talaga mga readers ko
Dream_Secrtly ^_^
----------------------
Andrew's POV2 Linggo na syang natutulog at 2 linggo na rin akong pinagtatabuyan ng totoong pamilya nya.
Dumating na nga ang araw na kinatatakutan ko, Hindi pa nga sya nagigising nilalayo na sya saakin paano pa kaya kapag nagising na sya at sya pa mismo ang lumayo saakin.
Kapag nangyari yun hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, Hindi pa rin nga ako nakakauwi ng bahay dahil gusto ko paggising nya ako agad ang una nyang makikita At gusto kung isipin nya na hindi ako umalis sa tabi nya.
Hinawakan ko ang kamay nya ng mahigpit,Nagbabakasakaling mararamdaman nyang andito ako.
Tiningnan ko ang ibat ibang klaseng makinang nakadikit sakanya, Minsan gusto ko nalang tanggalin lahat yun dahil parang mas nahihirapan pa ako sa kalagayan nya Pero hindi ko rin naman magawa dahil natatakot ako na baka tuluyan na syang mawala saakin.
"Wake Up....."Bulong ko sakanya tsaka ko hinalikan ang noo nya "Please.............Im waiting......." Hinihintay kita shaira.
Maya Maya lang ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto Pero diko yun pinansin dahil alam ko naman na ang tunay nyang pamilya yun.
"IKAW NA NAMAN!!! DI MO BA TALAGA TATANTANAN ANG KAPATID KO!!!" Galit na galit na sabi ng kuya nya.
Yumuko lang ako at lalong hinigpitan ang hawak ko sa kamay ni shaira, Gusto ko syang sagutin at labanan kaya lang isipin ko palang na magagalit si shaira parang kusa ng umuurong ang kamao at dila ko.
"WALA KA BANG NARIRINIG HA?!!PUNY*TA NAMAN!!!" Kahit ilang mura pa ang ibato nila saakin ay kakayanin ko yun kung kapalit nun ay ang makasama ko si shaira.
"Tama na yan charlie!!" Pagbabawal ni tita sheila sakanya.
"PERO MOM----"
"----Give him a chance" sabi naman ni tito chad sabay tingin saakin.
Umiiling nalang si charlie tsaka ako tiningnan ng masama.
Ng magtatanghalian na lumabas muna sila tito at tita sa kwarto ni shaira para bumili ng makakain habang kami naman ni charlie ang naiwan para bantayan si shaira.
"Alam mo andrew kung lolokohin mo lang din naman si shaira balang araw, Mas mabuti pang layuan mo na lang sya kesa ang masaktan lang ang kapatid ko!" Seryosong sabi nya habang nagbabasa ng dyaryo.
"Hindi ko sya sasaktan!!" Matigas na sabi ko.
"Pano ako makakasiguradong di mo sya sasaktan?Parang ang hirap naman atang paniwalaan na ang isang Andrew ALCANTARA ay magmamahal ng isang DELGADO...." Kung Iisipin tama sya mahirap ngang paniwalaan yun kahit ako di ko naisip na isang delgado pala ang mamahalin ko pero diko yun pinagsisihan.
Ang magmahal lang ng isang shaira delgado ang magpapaligaya sakin. "Trust me....." Gagawin ko ang lahat para di ko sya masaktan.
Napatingin ako sa kamay ni shaira ng gumalaw ito ng tingnan ko sya ay laking tuwa ang naramdaman ko ng bahagya na ring nakabukas ang mga mata nya.
"G-Gising na s-sya!!" Wala sa sariling sabi ko.
Natataranta namang tumakbo si charlie palabas para tawagin ang mga doctor at nurse ng makumpirma nyang gising na nga si shaira.
"S-Salamat sa d-diyos at g-gising kana....." Naluluhang sabi ko "A-Akala ko M-Mawawala kana sakin" Alam kung gusto nyang magsalita ngayun kaya lang ay nahihirapan sya dahil sa makinang nakakabit sa bibig nya Pero sapat na ang mga luha nya at ang makita kung nakamulat na ang mga mata nya.
Pagdating ng mga doctor ay agad na nilang tiningnan ang kalagayan ni shaira unti unti na rin nilang tinatanggal ang mga makinang ikinabit sakanya nung coma pa sya.
Dumating na rin ang mga magulang nya na halatang tuwang tuwa ng malaman nilang gising na si shaira.
Kahit ako natutuwa pero nalulungkot rin sa possibleng magkalayo kami.
Hindi na sya titira kasama ko sa bahay dahil sigurado akong Iuuwi sya nila charlie sa bahay nila.
------------
Back to shaira's POVPaggising ko ay di ako makapaniwalang 2 linggo na akong coma.
"Grabe ka drew kahit 2 linggo na kung tulog di ko pa rin nakakalimutan na yan ang polo na pinasuot ko sayo noong engagement party natin!! Di ka man lang nagpalit!!Ang baho mo tuloy!!" Syempre joke lang kahit ata di maligo tong lalaking to amoy anghel pa rin.
"Syempre nag aalala ako sayo kaya di ako nakauwi" nakangusong sabi nya.
Tumawa lang ako tsaka ko sya hinalikan sa labi, Smack lang naman dapat yun ng bigla nyang hawakan ang magkabilaang pisngi ko at lalong nilaliman ang paghalik sakin.
"Namiss kita...." bulong nya na nagpangiti sakin.
"Namiss din kita..." nakangiting sabi ko.
Akala ko diko na sya makikita at hindi ko na mararamdaman ang pagmamahal nya pero Ito ako ngayun sa tabi ng lalaking pinakamamahal ko, Ang bait talaga ng diyos samin dahil binigyan nya pa kami ng pagkakataong maging masaya.
Mula ng gumising ako ay di na nawala sa isipan ko ang mukha ni drew parang di sya makapaniwalang gigising pako at sa kabilang banda ay kitang kita ko kung paano sya ngumiti ng imulat ko ang mga mata ko.
"Ehemmm!!!" Humiwalay kami agad sa isat isa ng may tumikhim mula sa pinto.
"Nakaka-Istorbo ba kami?" nakangiting tanong ni mom.
"Hindi naman po pasok po kayo mom" umiiling na sabi ko.
Umayos ako ng upo ng mapansin kung madami silang bumisita sakin ngayun di nga lang pamilyar ang mga mukha ng ilan.
"Kamusta anak?" Nakangiting tanong ni dad., My real dad Chad delgado.
"Ok na po ako dad" nakangiting sabi ko.
"TITA SHAIRA!!!TITA SHAIRA!!!" Natuwa ako ng makita ko ulit si charles na walang sawang tumatalon talon sa tuwa.
Ng sinubukan nyang umakyat sa kama ko kaya lang ay di nya abot, Natutuwa nalang ako habang pinagmamasdan ko kahit sila daddy ay natutuwa din sa kinikilos nya.
"Argggh....." Naiiritang napakamot nalang ang bata sa batok tsaka sya lumingon sa magandang babae na katabi ni kuya "Mommy Help me please....." Paglalambing nya sa mommy nya daw.
Ngumiti lang ang mommy nya tsaka sya binuhat at lumapit sakin "Pasensya kana dito sa anak ko ha?Madalas ka kasing kinukwento saamin ni charlie kaya sabik na sabik na ito sayo" nakangiting sabi nya.
"Ayos lang, nakakatuwa nga itong anak nyo ni kuya eh" nakangiting sabi ko sabay kuha sa bisig nya si charles na ikinatuwa ng bata "Im shaira by the way..." sabi ko sabay lahad ng kamay ko para makipagshake hand.
"I know." nakangiti nya namang tinanggap ang kamay ko "Im Charlene Delgado, But I want you to call me Ate Cha OR ate" Pagpapakilala nya.
--nxt chapter na po.
BINABASA MO ANG
Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)
Novela JuvenilHi xxbamchuxx :)) thank you very much for the cover photo. Masaya akong nakilala kita :) Paano kung ang magulong mundo ni Shaira ay lalong gugulo kapag nakilala niya ang isang Andrew Alcantara. Ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. Matatanggap...