Inalalayan akong umakyat sa kotse ni renante, Ngayung araw na rin kasi kami aalis papuntang hacienda.
"Ready kana ate?" Tanong nya na nasa driver seat, sya ang magddrive ngayun kahit minor palang sya hindi kasi ako pwedeng magdrive ngayun dahil sa paa ko.
"Oo" Maiksing sagot ko tsaka tumingin sa bintana, Sa passenger seat naman ako nakaupo.
Wala pa kami sa kalagitnaan ng byahe ng may maalala ako "Ilang oras ang byahe natin paputang hacienda?" Biglang tanong ko.
"Mga limang oras po ate" Sagot nya habang nakafocus sa daan.
Maaga pa naman hindi naman kami siguro gagabihin sa daan kung may dadaanan kami sandali.
"Dumaan mo na tayo sa *****church" Alam ko nagsisimula pa lang ang seremonya ng kasal ngayun.
"Bakit pa po kayo pupunta doon ate?Mas mahihirapan lang po kayong umalis!" Pagtutol nya.
"Gusto ko lang silang makita" Gusto ko lang saksihan ang kasal nila kahit masakit.
Hindi na ko sinagot ni renante pero kahit labag sa loob nya ay sinunod nya pa rin ang gusto ko, Dinala nya ko sa simbahan pero sinigurado nya pa rin na malayo kami sa mga tao at hindi nila kami makikita O mapapansin.
Naglalakad na si shane papuntang altar ang naabutan naming eksena nila sa kasal, Ng tingnan ko si andrew ay nakangiti ito at bakas sa mukha nya ang kasiyahan.
Masaya lahat ng tao na nasa loob ng simbahan para sakanila, Kahit ako napapangiti nalang kahit may mga tumutulong luha sa mga mata ko.
Binuksan ko ang pinto ng sasakyan para mas makita sila ng maayos, Nakarating na si shane sa pwesto ni drew at masaya sya nitong hinawakan sa kamay.
"Congrats!" Bulong ko sabay punas ng mga luha sa pisngi ko.
Isasara ko na sana ulit ang pinto ng kotse ko ng may lumapit saaking matandang pulubi "Palimos po?" Naawa ako sakanya kaya binigyan ko sya ng makakain nya at pera.
"Naku!Salamat po malaking tulong ito para saamin" Nginitian ko nalang ang matanda bago sinulyapan ulit sila andrew.
"Hindi yan matutuloy!" Biglang sabi ng matanda na ikanagulat ko.
"Po?" Gulat na tanong ko.
"Di naman sila ang tinadhana" Dagdag nya na ikinatawa ko ng malakas. "Sige iha aalis nako salamat ulit dito" Pagpapaalam nya.
Napaka weird naman ng matandang yun.
"Alis na po tayo ate?" Ngumiti lang ako tsaka tumango.
Ng akmang isasara ko na sana ang pinto ng sasakyan ng aksidente akong mapatingin ulit kela andrew at dun ko nahuli ang mga mata nyang nakatuon lang sakin.
Taranta at kaba ang naramdaman ko tsaka dali daling isinara ang pinto ng kotse bago ko sinabi kay renante na Buhayin na ang makina ng sasakyan.
"Ghad!!Ang tanga tanga ko talaga!!" Panay lang ang sisi ko saaking sarili habang nasa byahe.
"Bakit po ate?" Takang tanong nya.
"Eh kasi?!!Mukhang nakita tayo ni andrew!!!" Natatarantang sabi ko.
Sigurado ako na sa direksyon ko sya nakatingin kanina, Gulat na gulat pa nga ang expression ng mukha nya!! Sh*t ayoko na talaga dito!!!
"Po?Panu na po nyan?!!" Natataranta ding sabi ni renante.
Hindi ko alam kung bakit kami Natataranta ngayun! Siguro dahil wala sa plano namin ang makita O magpakita sa kahit sino man kela drew.
"Ewan ko!!Ang mahalaga di nya tayo hinabol at makakauwi tayo agad sa hacienda!!" Napasandal ako sa upuan ko tsaka napapikit.
Kapag minamalas ka nga naman! Argggh pero Anu kaya ang naramdaman ni drew ng makita nya ako?Masaya ba sya O nadismaya?Nakakainis naman kasi eh.
Kanina sa simbahan parang naisip ko na dapat ako yung babaeng nakasuot ng gown doon eh!Ako dapat yung ikakasal kay andrew pero iba yung nangyari at iba yung naging bride.
Nakakatawa nga lang isipin na iba yung nangyayari sa inaasahan ko.
BINABASA MO ANG
Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)
Novela JuvenilHi xxbamchuxx :)) thank you very much for the cover photo. Masaya akong nakilala kita :) Paano kung ang magulong mundo ni Shaira ay lalong gugulo kapag nakilala niya ang isang Andrew Alcantara. Ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. Matatanggap...