#Dreamers (FEELING BODY GUARD)

26.7K 577 4
                                    

Shaira's POV

"San ka pupunta?" tanong sakin ni drew habng nakapikit pa ang mga mata nya, kala ko pa nman tulog na to.

"Magbabanyo lang ako wag mong sabihing sasama ka pa!" naiiritang sabi ko pano ba nman kasi mahigit 2 buwan na syang nakabunto't sakin mula ng makalabas ako ng ospital.

Mula nun di na nya ako nilubayan maski pagtulog ko tumatabi sya sakin At oo 2 buwan na rin kaming magkatabi matulog kulang nalang pati sa cr samahan nya ko.

Ayaw nya daw kasi akong iwan Pati nga sa school nakadikit din sya sakin parati kaming magkasama, kaya nagtataka na rin yung mga classmate namin tuwing magkasama kami natatakot lang silang magtanong sa isang Andrew alcantara.

"Pwede ba?" nakangising sabi nya.

"Heee!!" namumulang sabi ko tsaka nako tumakbo papasok sa banyo.

Napabuntong hininga nalang ako habng tinitingnan ang sarili ko sa salamin, 2buwan na rin ang nakalipas mula ng may kumidnap sakin at hanggang ngayun marami pa ring tanong ang gumugulo sa isipan ko, Mga tanong na diko alam kung may kasagutan ba.

Masaya nman ako ngayun dahil nkakasama ko parati si drew, parati kung nakikita ang maamo nyang mukha, At ang pagngiti nya na saakin nya lang ipinapakita.

Masaya din ako dahil di na rin nag aaway sila drew at liro sa diko malamang dahilan, parati na rin silang nag uusap ni drew minsan makikita ko nalang na naguusap sila sa malayuan at mukhang seryoso yun kaya diko na sila ginugulo.

Sa dami ng gumugulo sa isip ko ay minsan nakakalimutan ko rin yun dahil kay drew.

Tuwing magkasama kami parati nya ako pinapasaya, hindi sya umaalis sa tabi ko kahit may trabaho sya minsan nga sinasama nya pa ako sa office nya o kaya tuwing may client syang kakausapin parati nya akong sinasama.

Sa tuwing tatanungin ko sya kung bakit nya to ginagawa,kung bakit sya laging nakadikit sakin na parang Body guard ko, ay ngingitian nya lang ako tsaka nya ko yayakapin sabay sabing " I just want to be with you".

Minsan naiisip ko nalang kung mahal nga ba talaga ako ni drew?totoo ba lahat ng pinapakita nya sakin?Ano ba talaga ako sa buhay ni drew?Sa daming kung tanong na diko pa nasasagot ay isa lang ang totoo para sakin.

Masaya ako saknya at mahal ko sya,mahal na mahal ko si andrew alcantara.

Nagulat ako ng may kumatok ng pagkalakas lakas ng pinto ng banyo kunti nlang wasakin nya na tong pintuan at alm ko na kung sino yun.

"What??!!!!" naiiritang sabi ko, ng hindi man lang inaalis ang tingin sa salamin.

"Lalabas kaba sa puny*tang banyo na yan o ako ang maglalabas sayo dyan!!!!". Naiinip na sabi nya.

Ganyan sya tuwing natatagalan akong magcr masyado kasing mainipin tong lalaking to palibhasa kasi sa cr lang ako nakakalayo saknya.

Padabog kung binuksan ang pintuan ng cr tsaka ko pinalo ang bunganga nya na syang kinagulat nya.

"don't cuss!!" naiiritang sabi ko tsaka nako naglakad papunta sa kama ko.

Parang nag aalaga na rin ako ng batang mahirap pangaralan sinabi ko na saknya masama ang magmura nagmumura pa rin sya.

Kaya ang dapat saknya pinapalo sa bunganga para dina inuulit.

Maya maya lang naramdaman ko ng tumabi sya sakin sabay yakap sa baywang ko.

"Shaira...." malumanay na sabi nya pero diko sya sinagot nagtulog tulugan nalang ako tsaka pagos kung san san ba nman akong lupalok dinala kanina kaya pagod talaga ako.

"Naiirita ka ba dahil parati kita binabantayan?" bulong nya sa tenga ko, hinarap ko muna sya bago sumagot.

"Ikaw?napapagod kana ba sa kababantay sakin?" sabi ko habng hinahaplos ang pisngi nya, sana dina matapos ang mga araw na magkasama tayo.

Sunod sunod na iling lang ang isinagot nya sakin, Ngumiti ako tsaka ko sya hinalikan.

"Hanggat dika na papagod sakin di rin ako maiirita sayo" sabi ko ng maghiwalay ang mga labi nmin.

Ngumiti lang sya tsaka nya ko hinalikan, gumapang nman ang mga kamay ko sa batok nya at mga kamay nya sa baywang ko.

We kiss passionately na parang wala ng bukas at punong puno ng pagmamahal, maybe?.

Kung may mga karanasan akong puro hinanakit ngayun nman ay puro saya at pagmamahal mula kay drew.

Marrying The Mafia Boss (EDITING SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon