HININGAL AKONG napabalikwas ng bangon sa kama ko. Isa na naman panaginip! Bakit ba palagi ko nalang nakikita sa panaginip ang dalawang batang yun, kinapa ko ang dibdib at ganun parin, ang lakas ng pintig ng puso ko, hindi ito ang unang beses na nanaginip ako ng dalawang bata, pero bakit. Sino sila? Anong connection nila sa buhay ko?
Kwintas..
Napabalikwas ako ng tayo ng maalala ko yung kwintas, kitang kita ko yun sa panaginip ko kung paano iniligay sa sa leeg nung batang babae ng kanyang ama.
Kinuha ko yun sa kahon na pinaglagyan ko saka mataman na tinitigan.
Anong connection mo sa buhay ko?
Paano napunta ito sa saakin? At bakit ganun ang nakikita ko sa panaginip? Sino yung pamilyang yun na nagpapakita sa panaginip ko?
Ganun nalang ang pamamalisbis ng luha ko.
Sino ba talaga ako? Anong meron sa panaginip nayun? Hindi lang yun bastang panaginip parang totoong nangyari. Hindi maaaring ako ang batang yun dahil impossible. Bata palang ako nasaakin ang kwintas basta ko nalang yun nakita sa mga gamit ko..
Pero paano kung?
Si mama!
Tama si mama, siya ang makakasagot sa tanong ko. Napahiga ako ulit sa higaan alas singko na ng umaga may pasok pa ako mamaya, hindi narin ako makakatulog pa ulit.
Hindi ko alam kung bakit sinusundot ako ng kursyunidad para tokuyin ang laman ng panaginip nayun! Ilang beses na bang nangyari yun? Hindi kona mabilang.
Napabuntong hininga ako, saka kinuha ang cellphone ko. Agad akong napangiti ng makita ko ang message ni boyfriend. Good morning lang naman yun with heart emoji at dove! Pero kinilig na ako agad, ganun ako karupok pagdating sa kanya.
Hay pag ibig..
Bumangon na ako para maghanda, magluluto pa ako ng agahan. Pagbaba ko andun na si lolo at nakakape!
Lumapit ako sa kanya saka hinalikan ng paulit-ulit at mahigpit na niyakap, ewan ko ba mabigat ang kalooban ko ngayon "magandang umaga la." hinalikan ko pa siya ulit..
"magandang umaga apo, maaga pa papasok kana?"
"hindi la. Maliligo muna ako mamaya pa naman ang klase ko!" sabi ko habang nakayakap parin sa kanya!
"may problema kaba apo?"
"wala la. Mabigat lang po ang loob ko may mga nakikita ako sa panaginip ko, parang imposible pero hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko!" saka ko ikinwento ang lahat sa kanya.
"hindi bat nabanggit mo noon saakin na walong taon gulang kalang noon pumasok sa skwela at grade four kana hindi mo alam kung saan ka nag aral hindi ba?" tumingin ito saakin. "hindi kaya apo yang mga panaginip mo ay bahagi ng memoryang nawala saiyo? Hindi kaya may nabawas sa ala-ala mo?"
"lola naman e." pagmaktol ko. "ginawa nyong pilikula ang buhay ko!" nakanguso kung sabi.
"apo kung walang connection ang panaginip mo saiyo bat sila magpapakita?"
"hindi ko din alam la."
"hindi kaya may alam ang mama mo?"
"naisip ko din yan la. Pero ayaw ko siyang tanungin isa pa matagal ko ng kinalimutan ang mama ko, kayo nalang meron saakin!"
mahina siyang Napabuntong hininga.
"apo-"
"-la wag na natin ipilit hindi ko parin kaya e!" inabot ng kamay niya ang mukha ko saka tinuyo yung luhang hindi ko namalayang tumulo.
BINABASA MO ANG
ANG BOYFRIEND KUNG POLICE
FanfictionThis story of Daxton Jhames Barber Son of Captain Margaret and Elyzer Justine. @BRubzxxx 2020 Mature content All Rights reserve